Lucky Inlove ♥

1.9K 50 9
                                    

Sabi nila, ang love daw dumadating na lang ng hindi mo namamalayan. Surpresa, kumbaga. Isang araw magigising ka na lang, mahal mo na pala sya. Gusto mo palagi kayong magkasama. Gusto mo updated ka sa mga nangyayari sa kanya. Naiinis ka pag ang atensyon nya nababaling sa iba. Haaay pag-ibig, parang droga. And you know what's even worst? Pag yung taong minamahal mo at yung bestfriend mo, iisa. Boom! Nasa rule book ata yun ng lahat ng magbabarkada. "Bawal mainlove sa katropa, kabarkada, kaibigan, at kung ano pang ibang tawag sa friends mo." BAKIT?! Kasi madaming 'what ifs' na papasok. Daming risks! Ang hirap noh? Hindi naman kasalanan ang magmahal, pero ang complicated lalo na sa kaibigan mo. The feeling really sucks. I know it 'cause that's what I'm feeling right now. Yes. I'm Ana Karylle Tatlonghari, the girl stupid enough to fall inlove with my bestfriend, Billy.

Ugh! Jetlag. Crap. I really hate this feeling kaya bihira akong umuwi dito sa Pilipinas. I lived half of my life in US at doon ko din nakilala ang bestfriend kong si Billy Crawford. Speaking of that devil, inaya nya nga pala ako sa restaurant where he works as the head chef. Sabi ko naman sa kanya magtayo na ng sarili nyang resto eh, ayaw naman nya. Anyway, I have to prep up na. God! I've missed him so much.

7:51 pm 

I parked in front of this restaurant called, La Cocina. Wow. Very spanish. Sinalubong naman ako ng usher at ni-lead nya ako sa isang table. "Uhm, bakit parang ako lang ang customer nyo?", tanong ko sa kanya habang inaalalayan nya ako sa pag-upo. "Kayo lang po talaga ma'am. Request po ni Chef Billy. Reserved po ang La Cocina para po sa inyo.", nakangiti nyang sabi. "He'll be here any minute. Excuse me po muna.", paalam nya sakin.

Habang naghihintay, kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. Pano kung aamin sya sakin ngayon na mahal nya 'ko? Oh my God! Baka magcollapse ako bigla! What if...

"Excuse me."

Nagulat ako nang makita ko si Billy na nakatayo sa likuran ko. "Hey! What's up?" Pagtayo ko ay niyakap ko sya ng mahigpit. "I missed you so much, Chef!"

Bumitaw sya sa pagkakayakap, hinawakan ang magkabila kong balikat, at tinignan ako with confusion. "Is it really.. you?", tanong nya. Sinuntok ko sya sa braso, "Of course, silly!"

"Wow! It is really you!", sabi nya habang hinihimas ang braso nya na sinuntok ko. He's looking at me from head to foot. "Bat ba ganyan ka makatingin?", I asked. He burst out a laugh and said "Where the hell is my friend, Kaloy?". Medyo nairita ako kaya naman I punched him for the second time. "Ouch! Hey, masakit na yun ah!", he said then he hugged me. "Na-miss din kita."

Naupo na din kami pagkatapos. Nakatitig na naman sya sakin. "Nababakla ka sakin noh?", I said while pointing my index finger on his face. Hinawi naman nya ang kamay ko at nagsalita seriously, "You've changed like.. a lot." Napangiti naman ako at naglean towards him. "Just for tonight.", bulong ko sa kanya, " Bukas I'll be on my boyish look again", kinindatan ko sya at dumeretso na ako ng upo sa pagdating ng waiter na may dalang salad for us to start. Takang-taka kasi sya dahil nakadamit at ayos pangbabae ako which is least likely na gawin ko dahil nga tomboy ako. Hindi lang sya sanay. Yes, tomboy ako.. until I fell inlove with him. But I still have to stay that way, for our friendship. Unless he feels the same.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil kanina ko pa napapansin ang madalas nyang pagcheck ng oras sa wrist watch nya habang nagkukwentuhan kami."May lakad ka ba?", tanong ko sa kanya, "Kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo eh."

Baysrel - Isang TiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon