CHAPTER 1PAGUWI KO ay agad akong pumasok sa aming kwarto, nanlulumong napaupo sa aming kama. Malungkot ko itong tingnan sa tatlong taong pagsasama namin ay napaka daming memories na naipon ko sa bahay na ito kaya napakahirap na bitawan lamang na ganun kadali hindi lamang sa mga masasayang araw ngunit dahil na rin kay Kennan Ike.
Napatingin ako sa napakalaking walk in closet namin nandoon ang mga gamit ko pati na rin sa kanya. Naglakad ako patungo rito at binuksan bumungad sa akin ang napakaraming damit. Lahat ng damit dito ay mamahalin gayon din sa akin na siya ang bumibili kahit ayoko ay pinipilit niya ako na bilhin iyon. Ang iba naman ay regalo niya saakin dahil sa loob ng tatlong taon ay naipon na ang lahat na binibili niya saakin.
Kumuha ako ng bag at kinuha ko doon ang mga damit na magagamit ko upang umalis ayoko sanang kumuha pa dahil maaalala ko lamang siya ngunit wala na akong ibang maisip na paraan. May kaunti pa naman akong pera sa wallet ko hindi naman kasi ako gumagamit ng pera niya kung hindi naman kailangan. Tamang tama upang makaalis ako at makalayo sa kanila.
Naisip ko bigla kung bakit ganito ang nangyayari saamin hindi ako manhid para hindi maramdaman na parang may mali sa mga kinikilos niya. Except for Isabella, i know there’s something i didn't know yet. Alam ko na may tinatago pa saakin si Ike, lahat sila kahit mga kaibigan niya.
Hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari 2 years ago, I'm sure it has something to do with it so I'll find out what it is, if he doesn't want to tell me I'll look for the answer.
Alam nila Saksi ang lahat kung gaano ko siya kamahal kaya naman ay hindi ko alam kung bakit hindi niya masabi sabi saakin. Nasasaktan pa rin ako dahil sa ginawa niya kahit yung salitang respeto na lamang ay hindi niya naibigay sa akin bagkus ay may tinatago na pala silang relasyon ni Isabella.
Ng natapos ako mag impake ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko ang best friend ko.
"Hello Rhex" base sa boses nito parang kagigising lang tiningnan ko naman ang oras sa aking cellphone eight-thirty pa lang ng gabi ang aga naman yata ng tulog niya.
"Ange nasaan ka? Pwede ko ba mahiram ang bahay mo sa France?" Tanong ko at nahahapong umupo sa kama namin.
Ilang segundo bago siya sumagot saakin.
"Oo naman, eh bat mo hihiramin, Wala ka na bang bahay?"
Para naman gusto ko siyang sabunutan ngayon pa talaga siya nagbibiro ng ganyan eh kailangan ko na makaalis dito.
"Aalis na ako dito sa bahay"
"Ah yun Lang pala eh sige kilala ka naman ng mga maids doon papasukin ka naman–pero wait WHAT? ANONG AALIS KA NG BAHAY NIYO? PANO ANG ASAWA MO?" sigaw nito sa kabilang linya. May narinig pa akong lumagabog na parang may nahulog.
"Baby masakit yun" napakunot naman ang noo ko ng narinig ko yun boses lalaki parang pamilyar saakin.
"Hoy Ange sabihin mo nga sinong kasama mo?"
"W-wala Isang asungot lang nakikitulog Lang" nauutal na saad nito.
Wala daw pero may asungot na nakikitulog. Ipinagsabahala ko naman iyon dahil Alam kong Alam na ng kaibigan ko ang ginagawa niya. Malaki na siya eh.
"Aalis ako ngayon, doon muna ako sa bahay mo sa France ayoko na dito Hindi ko na kayang makita pa si Ike" ramdam ko nanaman ang hapdi ng puso ko dahil sa mga nangyayari.
"Ano bang ginawa ng magaling mong asawa?"
"Wag na muna nating pagusapan promise ikwekwento ko sayo lahat but for now I need to leave gusto ko lang ipaalam sayo na doon muna ako"
"Okay Rhex dapat malaman ko kaagad yan walang hiya talaga iyan asawa palagi ka na lang pinapaiyak. Tatawagan ko si Aling Matilda para ihanda ang bahay"
"Maraming salamat Ange hindi ko alam Kung paano ako magpapasalamat sayo dahil sa dami ng naitulong mo saakin"
"Ano ka na best friend kita natural lang 'yun Magiingat ka pupuntahan kita kapag naayos ko na ang trabaho ko sa company ng daddy ko"
Pagputol ng tawag ako dali-dali kong kinuha Ang bag ko ayoko ng magtagal pa dito. Mas naalala ko Lang Ang kagaguhan niyang ginawa saakin.
Nasa airport na ako at hinihintay ko na lamang Ang pag tawag ng numero kung saan ako sasakay. Napatingin naman ako sa paligid ng maramdaman na parang may nagmamasid saakin. Pinagsawalang bahala ko lamang iyon at baka guni guni ko lang.
Pagkaupo ko pa lamang sa eroplano ay nakaramdam agad ako ng pagod naalala ko nga pala na hindi pa ako kumakain simula kanina ng dinner bigla ay nag alala ako sa anak ko mabuti na lamang ay may dumating na flight stewardess at tinanong agad ako kung kukuha ba ako ng pagkain.
Nagpasalamat lamang ako at kumuha ng dalawang sandwich at tubig, okay na yun kukuha na lang ako ulit kapag nagutom ako.
Pagkatapos ko kumain ay naalala ko ang baby ko hindi ko alam kung anong gagawin kung malaman pa ito ni Ike. Kung nalaman kaya niya ito kanina ipapalagpag niya ba? O aakuin.
Napangisi naman ako ng mapait ang pangalawa, I doubt it ayaw niya nga sa akin at mas pinili si Isabella.
Nung dumating lang si Isabella ay parang naglaho lang ang pinagsamahan namin. Napaka walanghiyang lalaking 'yun!
Pinilit niya pa akong magpakasal sakaniya tapos ganito lang ang kahihinatnan, Jerk!
Napahawak sa tiyan ko kung saan ang baby ko.
'kapit ka Lang baby gagawin ko ang lahat mapabuti lamang ang kalagayan mo at kahit lumuhod pa ang daddy mo hinding hindi ko siya mapapatwad!'
Napapikit ako at bumalik sa akin ang lahat ng mga alaala nung una ko siyang nakita at kung paano niya ako napapayag sa ganitong set up.
BINABASA MO ANG
LE VENEUR SERIES 1: HEARTLESS IKE
Aktuelle Literatur"I love you with all my heart but you ruined it... and now you are begging to come back to you?" Rhexia