Chapter 4
Rhexia
TINITIGAN ko ang sarili sa salamin halatang wala akong tulog dahil sa pangingitim ng ilalim ng mata ngunit sa mga mata ko naman ay nangingislap dahil sa saya at kilig na nararamdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari it's been two weeks already but it feels like a dream.
Naghahanda na ako papasok sa trabaho ko sabado ngayon at walang pasok kaya naman ay whole day ngayon ang pasok sa Cafe.
Inayos ko ang kwelyo ko at muling sinulyapan ang sarili sa salamin at ngumiti at nag peace sign. Natawa naman ako sa sarili ko parang timang lang i can't help it sobrang saya ko lang kinuha ko ang bag ko at nag ready na para umalis.
Pagkarating ko sa White Cafe ay nakita kong aligaga si Gracia, pasulyap sulyap sa pinto ng Cafe na parang may inaabangan.
“Rhex sa wakas ay dumating ka na pwedeng ikaw na muna sa counter? Tutulungan ko lang si Andrew sa kusina marami kasing customer ngayon eh darating din kasi ang anak ng may ari nitong Cafe” sabi nito at pinunasan ang kamay sabay sulyap sa kusina.
“Okay lang Gracia sino ang mag seserve?” sinulyapan ko muna ang mga tao doon, marami rami nga. Pero nabanggit din ni Gracia na darating daw ang anak ng may ari nito ibig sabihin ay kailangan maging presentable ang ayos nitong Cafe.
“Wag mo ng alalahanin ‘yon nandyan naman si Marriane kailangan kasing katulong ni Andrew dahil wala si sir Mesias ngayon” napatango naman ako si sir Mesias kasi ang katulong ni Andrew sa pagbebake ng mga cake at pagtitimpla ng mga kape.
“Sige maiwan na kita dyan ah ikaw na bahala kung may kailangan ka sabihin mo lang sakin”
“Okay”
Maghahapon na ng dumating ang anak ng boss namin, ininspeksyon lamang nito ang cafe at nagtanong tanong kung maayos ang benta. Naiilang ako dahil sa pasulyap sulyap nito saakin ayoko naman mag assume dahil sa ito ang may ari baka ay alisan ako nito ng trabaho kaya naman ay pinabayaan ko na lang.
“Rhexia”
Gulat naman akong napatingin sa anak ng boss namin tapos na pala nito kausapin si sir Emerson ang manager namin, napakurap naman ako dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ko alam kong hindi nito alam ang pangalan ko dahil hindi ko naman sinabi dito.
Tatanungin ko sana ito ng bahagyang tumaas ang labi nito parang nagpipigil ng ngisi at tinuro nito ang name tag na suot ko, ngayon ko lang naalala na meron pala ako 'nun Namula naman ako napaka assuming ko talaga. nakakainis. Napayuko naman ako dahil sa pagkapahiya halata kasi sa mukha ko na nagulat kanina.
“Cute”
Napangiwi naman ako sa sinabi nito anong cute dun eh hindi naman ako cute maganda ako.
“S-sir anong kailangan niyo po?” tanong ko dahil sa naiilang talaga ako sa mga titig niya saakin
“Wala naman naappreciate ko lang ang kagandahan dito sa White Cafe namin, hindi ko akalain na magandang dilag pala kaming nagtatrabaho dito” sabi nito na nakangisi saakin
“S-sir---”
“Dylan. Call me Dylan”
“Sir Dylan wala po akong panahon po sa pangbobola niyo, magtatrabaho na ho ako” sabi ko hindi na maipinta ang mukha dahil sa mga sinasabi niya. Kahit pa siya ang anak ng may ari nitong Cafe ay wala na akong pakealam. Gusto ko lamang na tahimik ang buhay. Halata namang playboy ito. Sa itsura pa lang ay halatang halata. Gwapo at masasabi mong may charm ngunit para sakin mas nakakalamang ang Ike ko.
Bago ako tumalikod ay nakita ko pa itong nakatitig at nakangisi sa akin.
SA MGA nagdaang araw ay maayos naman ang takbo ng buhay ko, madalas ay nagpapansin kay Ike na hindi naman ako sinusulyapan kahit halata naman na nagpapansin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
LE VENEUR SERIES 1: HEARTLESS IKE
General Fiction"I love you with all my heart but you ruined it... and now you are begging to come back to you?" Rhexia