CHAPTER 2

10 1 0
                                    

CHAPTER 2

"Table 2 Rhex pakibigay 'tong order" Sabi ni Gracia isa sa katrabaho ko dito sa White Cafe isa sa pinagtatrabahuhan ko.

Sumaside line ako bilang waitress dito para mabuhay sa panggastos sa araw-araw maging sa tuition ko sa eskwelahan. Nasa fourth year college na ako at ang kinuha kong kurso ay architecture mahilig naman kasi ako mag drawing at yun talaga ang pangarap ko simula bata pa ako. Mahirap lamang ako wala na akong mga magulang, kinupkop lamang ako ng aking lolo at lola.

Ang Alam ko lamang ay si mama namatay dahil sa cancer. Sabi ni lola ay noong pinagbubuntis daw ako ni mama ay namatay ito. Pinapili daw kasi kung bubuhayin ako o si mama. Hindi naman nagdalawang isip si mama na buhayin ako.

Nakakalungkot lang na hindi ko na siya makikita pang muli. Minsan nga ay sinisi ko ang sarili ko dahil kung hindi sana ako dumating siguro ay buhay pa ang mama ko. Ang tatay ko naman ay Hindi ko alam. Sabi ni lola ay umuwi noon si mama na buntis na galing kasi ito sa ibang bansa noon at ng umuwi ay nagdadalang tao na.

Masaya naman ako pero nung namatay si Lolo dahil sa isang aksidente ay dun na nagbago Ang lahat at yun naman ang kinamatay ni lola siguro ay Hindi niya kayang mawala sa kaniya ang asawa kaya noong sunod na taon ay namatay din si Lola.

Naiwan na lamang ako sa bahay ni lola ako na lang ang mag isa kaya naman nagtatrabaho ako upang mabuhay.

"Here's your order sir" magalang na saad ko rito habang binababa ang mga inorder niya na isang blueberry cheesecake at Orange juice.

"Thank you miss" pagpapasalamat nito bago tinanggal ang shades niya, hindi ko nga alam kung bakit pa naka shades ito eh Hindi naman mainit masyado.

Nagulat naman ako ng makilala ko kung sino ito isa ito sa mga kaibigan ng crush ko sa University namin. Silang magkakaibigan ay sikat at pinupuri sa sa paaralan namin napaka special naman kasi nila they have the looks and money ika nga nila.

Tinitigan naman ako nito at parang kinabisado ang mukha ko kaya naman ay naasiwa ako yumukod at umalis na.

Bago pa ako makatalikod ay binunot nito ang cellphone at may kung anong kinalikot doon..

"Napakagwapo talaga niyan ni Aaron no' parang isang model" sabi ni Gracia habang pumupunas ng kamay at nakatingin kay Aaron. Tumango naman ako dahil totoo naman. lahat naman silang magkakaibigan ay parang demigod pero mas lamang parin yung love of my life ko.

Habang nagtatrabaho ako ay napapansin kong palagi akong sinusulyapan ni Aaron tapos kung may anong kinakalikot sa cellphone niya. Kahit nagtataka ay pinagkibit balikan ko nalang baka ay nagkakamali lang ako imposible naman kasi na akong tinitignan niya kasi alam ko hindi naman niya ako kilala.

Isa din naman ako humanga sa kagwapuhan nila pero nasa akin na lamang iyon at hindi ko pinagsasabi maliban sa bestfriend ko na alam ang lahat. Bihira ko lamang sila makita sa university kaya naman kapag may pagkakataon ako ay palagi akong pumupunta sa engineering department makita lamang sila, ay hindi pala isa lang tinitignan ko yung crush ko.

PAGUWI ko sa bahay ay dumiretso ako agad sa aking kama hindi na ako kakain dahil busog pa ako at dahil sa pagod ay nakatulog ako agad. Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng kaluskos. Inaantok akong tumingin sa aking bintana, nakalimutan ko yatang isara yun. Napatanginin ako sa orasan ko sa gilid ng aking kama. Alas dos pa lang pala ng umaga bumaba ako sa kama at pumunta sa nakabukas kong bintana. Isasara ko na sana nang may nakita akong itim na lamborghini aventador.

Nagtaka naman ako dahil wala naman akong nakikita noon dito sa amin at napakayaman naman yata ng may ari nun kung hinahayaan lang na nakatambay lamang ito sa gilid ng kalsada.  napanguso naman ako sa naisip siyempre mayaman talaga ang may ari niyan kasi isa ba namang Lamborghini Aventador pinukpok ko naman ang ulo ko sa katangahan hays.

Ipinagkibit balikat ko na lamang at bumalik na sa aking kama maaga pa ako bukas dahil may klase akong alas siyete ng umaga malayo pa naman ang university dito. Pumikit na ako at hinayaan kong dalawin ako ng antok bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong may tumabi sa akin.


_________

Happy Reading ;) 

4-11-21

LE VENEUR SERIES 1: HEARTLESS IKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon