PAALALA:
✰ Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang, kung mayroon man pong kapareha sa totoong buhay ay humihingi na po ako ng paumanhin ngunit ito'y nagkataon lamang.
✰ This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors ( 'yon, 'yung, 'to, sa 'kin, sa 'min, gan'on, ayieieiei ). When I'm done here, I will read and edit this to correct some typo and grammatical errors.
✰ This story contains strong language and trigger warnings that not suitable for very young audiences.
____________________________
Source of the book's picture: Pexels.com
Note: I am the one who edited the book's cover and also I'm done putting credits, so for those dogs barking out there please shut up your mouth. Joke lang Hahaha! Labyahh all! Mwuahh.
Edit: All photos from pexels.com are free.
*****
"Bes! Hay, haggard!" ani Jenny.
"Sinabi mo pa, grabe 'yung pasahero kanina ano?" I asked.
"May regla ata 'yon, bes." She laughed so I laughed too.
Kakatapos lang ng flight namin from Manila to Dubai and Dubai to Manila. Nakakapagod, as always, tapos may attitude pang babae kanina, sarap sabunutan, pasalamat siya na-extend ko pa pisi ko kung hindi nasa ospital na siya ngayon at siyempre wala na 'kong trabaho, baka mapakulong pa 'ko!
"Coffee?" Halos mapatalon kami sa gulat ng may nagsalita sa likod namin, may tao pala.
"O-oh! Haha! Hello!" Awkward na tumawa si Jenny, si Edison pala 'yon, our co-F.A.. "Coffee raw, bes!" tunatawa pa rin ang gaga.
"Ah, sige." I agree.
"Okay, let's go." ani Edison.
"Haha! L-let's go! Haha!" baliw na ata si Jenny.
Nauna ng maglakad sa 'min si Edison, sinundan lang namin siya kung saang coffee shop ba kami pupunta. nanlaki ang mata ko ng pumasok kami d'on sa mamahaling coffee shop. Wala akong pera pang bayad rito!
"Bes." pagtawag ko kay Jenny.
"Oo bes, gwapo siya alam ko!" hinihinaan lang niya 'yung boses niya para 'di siya marinig.
"Gaga." bulong ko sabay tapik sa braso niya. But for real? Ahm, gwapo naman talaga siya, matangkad at broad ang shoulder.
"Ako na mag-o-order." pag-prisinta ni Edison.
"Ah, Latte lang akin." I said, 'yun lang naman 'yung alam kong kape rito. Hayst, tag s-siyete lang ang kape ko bakit naman umabot sa ganito?!
"'Yun na lang din sa 'kin." ani Jenny, nakangiti pa rin ang babaita.
Pag-alis ni Edison binatukan ko kaagad si Jenny.
"Aray ah!" pagrereklamo niya.
"Tapos ka na bang lumipad sa langit 'day?" I sarcastically said.
"'Day! Kakababa lang natin galing langit!" Pilosopo niyang sagot.
"Na sa mamahaling coffee shop tayo." 'Yung mukha ko ngayon parang hindi maipintang kabayo.
"Si papa Ed na magbabayad niyan, ehe." She said, in seduce way.
"Minsan naiisip ko kung bakit ka nag flight attendant e, parang gusto mong mag-trabaho sa bar, alam mo 'yon?" Naiirita kong sabi.
BINABASA MO ANG
My First Love, Gio
Novela JuvenilThis story is about two teenagers who fell in love and live happily until their last breath. Well... I hope that's all.