Sa mga oras na ito, isa ako sa mga taong naghahangad na makita ang taong nakalaan sa akin. Ang taong handang tanggapin ang buong ako at higit sa lahat ang taong makakasama ko habang-buhay. Ang drama ko, ano? Well! Ganito ang naging takbo ng buhay ko!
Hi! Ako nga pala si Prince, 25 years old at isa akong guro. Sa totoo lang, hindi ako graduate ng anumang kursong related sa pagtuturo, Engineering graduate ako pero dahil sa kagustuhan kong magturo, ayun naging isang guro din ako. Masaya naman ang buhay ko kahit na single ako for 25 years! Takot naman din kasi ako sa commitment at kasama ko naman ang pamilya ko and of course si Bro! Ilang beses na rin akong sumubok sa love kaso ang ending, wala, talo! Umasa at nasaktan pero nakakapagmove-on naman. Buti na lang! Siguro hindi lang talaga ako kagusto-gusto? Ito na lang lagi ang pumapasok sa isip ko sa tuwing nabibigo ako sa pag-ibig. Siguro nga sa akin mayroong mali kasi bakit laging natatalo. Don't judge me ha? May times naman na ako talaga ang naglelet go sa kung anong meron sa amin ngayon kasi feeling ko wala talaga, walang sparks, pero hindi lagi ganoon. May times na hindi talaga ako ang pinipili kahit ako ang nauna. Nakukulangan sa efforts, parang hindi seryoso, o trip trip lang, ito ang mga natanggap kong rason dati kung bakit ako natatalo. Siguro masyado lang akong mabagal pagdating sa love. Madami rin kasing priorities kaya hindi fully committed sa love pero trust me! Ito na yung best ko! Hindi man ako katulad ng iba na SUPER kung mag-effort pero a thing about me is that loyal ako sa nililigawan ko. Ito ang hindi nila makita sa akin. Madami nang sumubok intindihin ako, 3 na nga sila pero nag-iisa lang talaga si Joana. Hayyyy. Ang sayang balikan ng mga panahong iyon. Siya ang nagturo sa akin kung paano nga ba magmahal muli ng buo...
BINABASA MO ANG
Takot sa Pag-ibig
RomanceIto ay tungkol sa kwento ng isang binatang nagngangalang Prince. Nakapaloob sa kwentong ito ang kanyang salaysay tungkol sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig. Nasaktan, natakot, at sinubukang umibig muli. Alamin ang naging takbo ng buhay niya nang m...