Part 3 - Si Joana

7 4 0
                                    

Simula noong masaktan ako sa nangyari sa amin ni May, nahihirapan na akong magtiwala ng buong buo. Alam ko namang masaydong mababaw ang rason ko pero na-trauma talaga ako sa pangyayaring yun. Sinabi ko pa noon sa sarili ko na hindi na muna ako maghahanap ng iba hanggang sa makagraduate na ako sa college. Mali na naman ako! Makalipas ng dalawang buwan, nakilala ko si Joana. Una ko siyang nakita noong bumibili ako ng isang Venti Caramel Macchiato sa Starbucks Tagaytay. Galing ako sa kasal ng pinsan ko noon. Habang bumibili ako, napatingin ako sa pinakamalapit na lamesa sa kanan ko. Nabigla ako noong nakita kong may isang babaeng nakatayo at para bang may hinahanap sa kanyang bag. Ang cute niya kahit na natataranta na siya sa kung anong dahilan. Hindi ko namalayan, nakatulala lang ako sa kanya habang minamasdan siya. Para akong stalker that time pero hindi ah! Hindi ako stalker! Talagang nakakabighani lamang siyang pagmasdan. Tumigil talaga ang mundo ko noong mga sandaling yun. Natulala talaga ako! Hindi ko kaagad naalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa nagkasalubong ang aming mga mata. Tumigil siya sa paghahanap sa loob ng bag niya at tumingin sa akin. Lalo akong nataranta! Hindi ko alam ang gagawin ko noong oras na yun. Isang diwata ba naman ang nakatingin sa akin! Ngumiti siya sa akin at lumapit. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang niya papunta sa akin. Pabilis nang pabilis nang pabilis hanggang sa may nagsalita sa likod ko. "Joana! Babe! Bilisan mo!" 

Nang marinig ko ang sigaw ng taong nasa likod ko, napatingin ako agad sa kanya. "Shocks! Sino 'to?!" Ito na lamang ang naitanong ko sa sarili ko. "Babe, ang tagal mo naman." Nalungkot ako ng marinig ko ito galing mismo sa babaeng nagpatulala sa akin kani-kanina lamang. "May boyfriend na pala! Late ka na!" ang mga katagang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Sayang talaga! Akala ko sparks na pero mali pala! Hayyy. Ang love talaga.

Habang nag-uusap silang dalawa, tumalikod na ako at pinapagtuloy ko na ang pag-order ko. Nang matapos na akong um-order, habang kumukuha ako ng pambayad, naramdaman kong may taong kumalabit sa likod ko. Medyo kinabahan ako kasi wala naman akong kasama that time. Hindi ako agad nakalingon kasi kumukuha ako ng pera sa wallet ko nang bigla siyang nagsalita, "Excuse me po? Hi po!" Boses siya ng isang babae! Nabigla ako at napalingon agad at napatingin sa kanya. "Shocks! Siya nga! Yung babae kanina! Ang diwata!" Tuwang tuwa ako habang naiisip ko ito. "Hi! Bakit?" Ito ang nasabi ko sa kanya habang nanlalamig ang buo kong katawan. "Gusto ko lamang itanong kung bakit ka nakatingin sa akin kanina. May problema ba sa akin?" Ang tanong niya habang nakangiti na para bang nakakapanghina kapag tinignan mo ng matagal. "Ahhh ehhh, wala naman. Akala ko kasi ikaw yung classmate ko dati." Kabang kaba ako habang sinasabi ko ito. "Buti naman at akala ko kasi may nagawa ako sa'yong masama." Sabay tawa. Ang ganda ng tawa niya. Lalo akong nabighani sa kanya. "Ako nga pala si Prince!" Sabay abot ko ng kamay ko para makipagkilala. Laking gulat ko nang humawak din siya sabay sabing, "Hi, Prince! My name's Joana! Nice to meet you!" 

Kung alam niyo lang kung gaano ko kagustong sumigaw noong mga oras na yun! Kilig na kilig talaga ako! Pero naalala ko, may boyfriend na nga pala siya. 

"Hi! Ako nga pala si John!", bati ng kasama niya at inabot niya ang kamay niya.

"Hello! Prince, dude!", sagot ko sa kanya sabay abot ko rin ng kamay ko para makipagkamay sa kanya. 

"Sige magbabayad na ako.", ang sabi ko sa kanila habang nakangiti sabay talikod.

Pagkaabot ko ng bayad sa kahera at matanggap ang aking sukli, humarap ulit ako sa kanila. "Sige! Nice meeting you, two.

Bago ako tuluyang umalis, tinanong ako ni Joana. "Sinong kasama mo?" Ang sweet niyang magtanong. 

"Solo flight lang ako. Kasal kasi ng pinsan ko ngayon kaya ayun nainggit ako kaya nagme-time muna ako." Sabay tawa. 

"Hahahahaha!" Grabe! Unang rinig ko ng tawa niya. Hayyy. Nakaka-in love! Napakahinhin niyang tumawa pero parang kinakapos siyang ng hininga. 

"Wow!" Ang tanging nasabi ko sa isipan ko! Habang tumatawa siya, nagpabebe ako, "Grabe tinawanan lang ako proket may boyfriend ka na!" Sabay aktong parang nalungkot ako. "Ikaw talaga, parehas lang tayo no? Single din ako kaya nga friends ang kasama ko ngayon." 

Lumiwanag ang buhay ko noong marinig kong single siya! May pag-asa pa! 

Hindi ko naitago ang saya ko kaya napangiti ako. Nabigla siya at napatanong kung bakit ako ngumiti? 


Takot sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon