Patuloy lamang akong ngumiti sa kanya sabay sabing, "Wala naman. May naalala lamang ako."
Tumabi ako sa aking kaliwa para makaorder na rin sila ng kaibigan niya.
"Wait lang Prince ha?" Ang pagpigil sa akin ni Joana.
"Benj, ikaw muna ang um-order para sa akin, please?", ang sabi niya sa kaibigan niya. Ang cute niya talaga. Para siyang isang stuff toy na ang sayang yakapin.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hahahaha!", sagot ng kaibigan niya. Tumawa silang dalawa at tumawa na rin ako. Baka kasi sabihin pa na ang KJ ko. Hahaha. Matapos nito, humarap ulit sa akin si Joana at tinanong niya ako kung gusto ko raw bang sumama sa kanila.
"Nakakahiya naman kung sasama ako sa inyo eh kakikilala mo lang sa akin." sagot ko sa kanya.
"Bakit ka naman mahihiya? Mukha ka namang mabait ah. Am I right?" Pang-aasar niyang tanong sa akin.
"Hindi naman ako nangangagat, and wala naman akong rabies. Hahahaha!" ang sagot ko sa kanya habang tumatawa.
Nakita ko kung gaano siya kasayahin noong mga oras na yun. Ang dali niyang patawanin kahit na ang corny ko.
"Alam mo ang cute mo talagang tumawa. Ayyy mali pala! Ang cute mo!" ang nasabi ko sa kanya.
Napahinto, napatungo, at napaisip ako. "Bakit mo sinabi yun"? Tanong ko sa sarili ko habang bumibilis ang tibok ng aking puso.
"Ahhhh, talaga ba? Cute ba talaga ako?" Ang tanong ni Joana habang namumula na siya.
"Ahhh, ehhh. Oo, ang cute mo." Pulang pula na rin ako ng mga oras na ito.
Sobrang tahimik ng paligid noong oras na yun. Mas naging romantic pa nga ang mga sandali kaya may nakakakilig para sa akin.
"Salamat!" Nagpasalamat siya habang nakatungo. Hiyang hiya kami parehas pero alam ko sa sarili kong masaya ako.
"Pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" Hindi ko na hinayaang mawala pa ang pagkakataon.
"Oo naman. It's ***********." Binigay nga niya ang cellphone number niya! Success! Ang saya saya ko talaga that time! Para bang nabura o nawala lahat ng mga problema ko.
Nakangiti lang ako sa kanya nang biglang may sumigaw. "Joana! Halika ka dito! May itatanong kami! Bilisan mo!" Tinawag siya ng mga kaibigan niya na nakapwesto sa kanilang lamesa.
"Sandali lang ha?" Nagpaalam muna siya at pumunta sa table nila.
Naririnig ko silang nag-uusap pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila.
Inaasar nila si Joana! Narinig ko ng bahagya. Nakita ko kung gaano namula si Joana noong mga oras na iyun.
Makalipas ng mga ilang minuto, tumahimik sila at sabay sabay tumingin sa akin.
"Shocks! Ako ba ang pnag-uusapan nila? Bakit?" Napatanong ako sa aking sarili.
Lumapit na ulit si Joana sa akin. "Sorry about that ha?" sabi niya.
"Bakit ka naman nagsosorry?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi gawa ng friends ko!" sagot niya.
"Wala yun, nakakatuwa nga at masaya silang kasama. Okay lang yun!" Sagot ko habang nakangiti sa kanya.
"Ang ganda niya!" Ito ang tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa kanya.
"Ano? Sama ka sa amin?" Tanong niya.
"Nakakahiya talaga. Sorry, next time na lang siguro kapag tayo na! Joke! Hahaha!" sagot ko sa kanya.
Namula na naman siya! Para siyang tomato! Fresh tomato!
Tinawag na ulit siya ng mga kaibigan niya at na-prepare na rin ang order ko.
"Nice meeting you Prince ha? Hope to see you again one day!" Matapos niyang sabihin ito, para bang pinana na talaga ni Cupid ang puso ko at talagang tinamaan na ako kay Joana.
Bago tumalikod si Joana, binigyan niya ako ng isang napakasweet na ngiti. Kinuha ko na rin ang order ko at pumunta sa table ko. Doon na naputol pansamantala ang pag-uusap naming dalawa.
Hindi dito natapos ang pag-uusap naming dalawa ...
*to be continued.

BINABASA MO ANG
Takot sa Pag-ibig
RomanceIto ay tungkol sa kwento ng isang binatang nagngangalang Prince. Nakapaloob sa kwentong ito ang kanyang salaysay tungkol sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig. Nasaktan, natakot, at sinubukang umibig muli. Alamin ang naging takbo ng buhay niya nang m...