Naaalala ko pa ang una kong pag-ibig na si May. 3rd year high school student pa kami noong nagkakilala kami. Classmate ko siya at talagang nakakaakit ang kanyang ganda. Kung ihahalintulad ko siya sa isang bulaklak, masasabi kong para siyang isang rosas. Bakit? Kasi tulad ng isang rosas, paborito ng mga tao. Madaling makilala at madaling magustuhan! Tunay na kabighabighani siya. Ewan ko ba pero baliw na baliw ako sa kanya noon. Lagi ko siyang naiisip! Hindi ko alam kung anong kalse ng magic ang ginamit niya sa akin pero napaka-effective niya. Hayyy. Naaalala ko pa noong sinubukan kong ligawan siya. Pumayag siya! Oo! Pumayag siya! Laking tuwa ko nga noon kaya ginawa ko ang lahat para lang makuha ang kanyang matamis na "OO." Hindi man naging kami pero alam kong naging masaya kami noon. Kaso dumating ang kinakatakutan ko. Hindi na siya masaya sa akin. Tumanggap siya ng iba pang manliligaw. Hindi ko naman sinasabing mali siya o bawal siyang tumanggap ng ibang manliligaw pero akala ko kasi masaya na siya sakin. Na kuntento na siya sa akin. Mali pala ako! Nakukulangan pa rin pala siya sa akin. Nanghina ako noong malaman kong may iba pang nanliligaw sa kanya. Wala naman talaga akong magagawa kasi desisyon ni May yun. Ang masakit lang dito ay para bang nawawala na ako sa eskena. Kung dati kami lagi ang magkasama, ngayon iba na ang gusto niyang kasama. At dumating na talaga sa puntong wala na. Talo na ako! Pumili na siya! Mas pinili niyang masaktan ako pero okay lang kasi makikita ko naman siyang masaya. Yun naman ang mahalaga, right? Ang makita mong masaya ang taong mahal mo. Pero nagkamali kami! Lolokohin lang pala kami ng taong pinili niya.
"Niloko niya ako, Prince! Niloko lang niya ako!" Galit na galit si May habang umiiyak siya sa harapan ko.
"Nakita ko siya kasama niya si Alexandra! Yung ex niya! Ka-holding hands pa niya!" patuloy na pagkukwento ni May.
Tinatapik ko siya sa kanyang balikat habang sinasabi kong, "Huwag mo na siyang iyakan, wala siyang karapatan sa mga luha mo. Tumahan ka na."
Hindi pa siya agad tumigil sa pag-iyak hanggang sa nagpasalamat siya sa akin.
"Maraming salamat Prince!"
"Okay lang yun. Huwag ka nang umiyak at pumapangit ka!" Pabiro kong sabi.
Tumawa na siya matapos noon.
Akala ko, pinakamasakit na noong hindi ako ang pinili pero mas masakit pala na umiiyak sa harapan mo ang taong mahal mo nang wala kang magawa kung hindi ang damayan lamang siya.
Isang buwan matapos ang pangyayari, nabalitaan kong paalis na pala si May.
Magmimigrate na ang buong family niya papuntang Canada.
Pinuntahan ko siya sa bahay nila.
"Prince, aalis na kami. Salamat sa lahat ha?" ang pagpapaalam ni May sa akin.
Niyakap ko siya at sinabing, "Mag-iingat ka ha? Sana magkita tayong muli."
Yumakap din siya at doon na kami umiyak.
"Mag-iingat ka rin dito ha? Huwag mo ako masyadong mamimiss!" pabirong sabi ni May.
"Bakit naman kita mamimiss eh sinaktan mo ako. Hahahaha." Pabiro ko rin sabi sa kanya.
"Basta tandaan mo nandito lang ako kung sakaling kailanganin mo ang tulong ko." dagdag ko.
Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na rin pagkatapos naming mag-usap.
Makalipas ang isang taon, umuwi na si May. Siya lamang ang umuwi dito sa Pilipinas.
Nabigla ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko.
*Ring *ring
"Hello?" tanong ko pagkasagot ko ng cellphone ko.
"Prince! Kumusta? Ako 'to si May!" sagot ng babaeng nagsasalita.
Si May! Nakauwi na pala siya. Kailan pa?
"Hi! Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya.
"Actually, kararating ko lang ngayon!" sagot niya.
"Kumusta naman ang biyahe mo? Sinong kasama mong umuwi?" Tanong ko.
"Ako lang mag-isa. Masaya at nakabalik na ako muli dito sa Pilipinas!" sagot niya habang naririnig ko ang tuwang nararamdaman niya.
"Free ka ba ngayon? Pwede ba tayong magkita?", tanong niya.
"Oo naman, what time?" sagot ko.
"1 pm sa park, okay lang?" tanong niya.
"Sure! Sige! Kita kits na lang later!" sagot ko.
12:30 pm na kailangan ko nang umalis.
12:50 dumating ako sa park.
"Nasaan na kaya siya?" Tanong ko sa isipan ko.
"Hi Prince!" sigaw ng isang babaeng hindi ko masyadong maaninaw.
Dumating na si May.
Tumatakbo siya papalapit sa akin.
"Hi Prince! I'm back!" pambungad niyang bati sa akin.
"Grabe! Nakabalik ka natalaga! Ang tagal mo ring nawala!" pasigaw ko ring sabi.
Nagkumustahan kami sa mga bagay na ginagawa namin ngayon.
Masaya ang naging usapan namin. Nagkwento siya ng mga naging karanasan niya sa ibang bansa at ganoon din naman ang ginawa ko. Hindi namin namalayan na nakakatatlong oras na pala kaming nag-uusap. Punong puno ng tawanan at kasiyahan ang naging usapan namin hanggang sa pagbitaw niya ng isang tanong.
"Kumusta naman ang love life mo?" tanong niya.
Naging seryoso na kami simula noon.
"Single pa rin! Nasaktan ako eh pero wala na yun! Choice ko na rin kung bakit ako single ngayon." sagot ko.
Napansin kong bigla siyang nalungkot.
"Okay na tayo ha? Wala akong sama ng loob sa'yo ha?" ang sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at napansin kong nag-uumpisa na siyang umiyak.
Nataranta ako kaya nasabi kong, "Oh! Huwag kang umiyak! Tahan na!"
Humihingi siya ng tawad.
"Sorry talaga, Prince! Pinagsisihan ko talaga yun ng sobra!" sabi niya
Wala naman siyang dapat ihingi ng tawad kasi wala naman siyang kasalanan. Okay na rin naman ako noong panahong yun. Nakamove-on na kasi ako sa kanya. Ang naging problema lamang namin noong oras na yun ay sumubok siyang ibalik ang kung ano mang naudlot sa amin.
"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya sa akin,
Natigilan ako! Nakakabigla kasi ang tanong niyang yun. Hindi ko alam ang dapat isagot ko kasi ayaw ko siyang masaktan. Umiyak siya sa harapan ko noong hindi ako makasagot.
"I'm stupid for choosing him over you! I should've known better!" Ito ang narinig ko sa kanya bago niya akong subukang halikan. Iniwasan ko ang halik niya pero niyakap niya ako.
"Sorry! Sorry! Sorry!" Paulit-ulit niyang sinasabi pero paulit-ulit ko ring sinasabing wala ka namang kasalanan.
"Magmove-on ka na rin sana." sagot ko sa kanya.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap pero patuloy pa rin siyang umiiyak.
"Tandaan mo ito, minahal kita noon at patuloy pa rin kitang mamahalin ngayon ngunit hindi na sa parehong dahilan."
"Wala na ba talagang chance para sa atin?" tanong niya sa akin.
"Umuwi ako dito para sa'yo." Dagdag pa niya.
"Pwede pa naman tayong maging magkaibigan pero hanggang doon na lang talaga." Ito na lamang ang nasabi ko sa kanya bago ako tumalikod at umalis.
Tama nga ba ang ginawa ko? Dapat ba binigyan ko pa "kami" ng isang chance?
BINABASA MO ANG
Takot sa Pag-ibig
RomanceIto ay tungkol sa kwento ng isang binatang nagngangalang Prince. Nakapaloob sa kwentong ito ang kanyang salaysay tungkol sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig. Nasaktan, natakot, at sinubukang umibig muli. Alamin ang naging takbo ng buhay niya nang m...