Kabanata 2

308 11 1
                                    

"What? Your woman? Hindi ko alam na may girlfriend ka pala." Humalakhak siya, nanlaki naman ang mata ko.

"Hoy hin-"

"Manahimik ka!" Sigaw niya sa 'kin, natikom ko agad ang bibig ko saka nagbaba nang tingin nagpatuloy sa pag-iyak.

"Nasaan ang kapatid ko?" Tanong niya kay Aiden, kaya nangunot ang noo ko, ano bang meron sa kanilang dalawa? Parang parehas sila may galit sa isa't isa?

"Hindi ko alam wala akong kinalaman sa mga pinag-gagawa ng Ama ko." Walang ka emosyon-emosyon na sagot ni Aiden habang hindi pa rin niya binababa ang baril na nakatutok sa lalaking may hawak sa 'kin.

"Tarantado ka talaga, kapag nalaman laman ko na may kinalaman ka sa pagkawala ng kapatid ko malalagot ka sa 'kin, pati na rin ang babaeng 'to." Gigil niyang sabi bago ako hinagis papunta sa gawi ni Aiden mabuti nalang mabilis ako nasalo ni Aiden, kung hindi sa semento ang bagsak ko.

Mabihis na umalis 'yung lalaki saka sila sabay-sabay na nagsisakay sa sasakyan, jusko po ano bang nangyayari?! Natatakot na ako! Graduating ako! Alam ko naman hindi ko kailangan ma stress sa school dahil sigurado ipapasa ako roon pero, ayoko pa mamatay, mas gusto pa ma stress sa school.

"Okay ka lang?" Nanginginig kong nilingon si Aiden saka pilit na tumungo, kahit takot na takot pa rin ako feeling ko hindi na ako makakatulog nito, pagpinipikit ko ang mata ko naririnig at bigla ko naalala 'yung mga tunong ng baril kanina.

"Siliana let's go!" Sigaw niya saka ako marahan na hinawakan sa magkabilang braso at inalalayan maglakad papunta sa sasakyan niya.

Marahan niya ako pinasok sa passenger seat saka sinarado ang pinto at umikot naman siya papunta sa driver seat.

Pagkaupo niya ay lumingon nalang ako sa bintana saka tahimik na umiyak, takot ako sa tunog ng baril bata pa lang ako dahil ng sa baril namatay ang Lolo ko rinig na rinig ko ang tunog ng baril noon.

"Lola!, Lolo!" Tumatakbong sigaw ko nang makapasok ako ng mansion pero wala akong narinig na sagot eh 'asan naman kaya sila Lola at Lolo.

Kamot ang ulo ko naglakad papunta sa hagdan saka umakyat doon baka nasa kwarto sila Lolo, tatakbo akong umakyat saka tumigil sa kwarto nila Lolo.

"'Asan ang pera mo, Tanda?!" Rinig kong sigaw ng boses lalaki, pero parang kilala ko 'yung boses na 'yon.

"Wala akong pera at hindi ko ibibigay sa isang katulad mo kung meron man ako!" Boses naman iyon ni Lolo kaya natigilan ako, si Tito Artur ba ang kasigawan ni Lolo? Hala umuwi na si Tito?

"Hayop ka talagang matanda ka!, kanino mo ibibigay kung gano'n? Kay Arturo? Sa kakambal ko na wala ng ginawa kung hindi magmagaling sa Buhay ha!" Napaatras ako sa pinto ng dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Tito pero, agad din ako lumapit at agad binuksan ang pinto pagkabukas ko ng pinto ay isang malakas ng putok ng baril ang sumalubong sa 'kin.

"L-Lolo..." Gulat kong sabi ng makita kong nakahandusay sa sahig si Lolo at naliligo sa sariling dugo napalingon naman ako kay Tito na hawak ang baril niya ngayon habang galit na nakatingin sa akin.

"Hey, stop crying." Napalingon ako sa kaniya saka pilit na pinipigilan ang sarili kong umiyak.

Sampong taon na ang lumipas pero sariwa pa rin 'yon sa ala-ala ko, tuwing may naririnig ako putok ng kahit ano ay naprapraning ako at umiiyak kahit anong pilit at pigil ko sa sarili kong 'wag umiyak at kalimutan nalang 'yon ay hindi ko magawa.

"Sino ba 'yon? B-Bakit sila may mga hawak na baril p-pati kayo..." Kinakabahan man at hirap na magsalita ay napilit ko pa rin magtanong. Alam kong gangster sila pero hindi ko akalain gano'n sila makipaglaban armas sa armas, kamay sa kamay, patayan kung patayan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka ako bahagya nilingon.

"Titigil kana ba sa pag-iyak kapag sinabi ko sa 'yo ang gusto mo malaman?"

Napalunok ako. "Susubukan ko, may trauma lang sad'ya ako sa mga tunog ng mga pumuputok lalo na sa putok ng baril..."

"Okay..."

"I was twelve-years old ng pumasok ang Ama ko sa politika, bata pa lang ako ay sinabi na ng Ama ko sa 'kin na mag-ingat lagi dahil mapanganip ang buhay ko lalo't na nasa loob siya ng politika at marami siyang kalaban." Panimula niya habang ang mga mata ay nasa daan sumadal naman ako sa sandalan ng upuan saka tahimik na nakatingin sa kaniya at nakikinig.

"Fifteen lang ako nung pumasok naman sa groupo na gangster, sa kagustohan ko maprotektahan ang sarili ko na hindi humihingi ng tulong sa Ama ko ay pumasok ako sa isang malakas na gangster group, simula noon marami na kami nakakalaban na alagad ng mga mayayaman na kalaban ng ama ko, madalas nila ako targetin dahil sa akala nila marami akong alam tungkol sa mga sekreto ng Ama ko pero, kahit isa ay wala akong alam sa mga 'yon." Pagpapatuloy niya, pinunasan ko naman agad ang mga natitirang luha sa pisngi ko saka huminga ng malalim.

"Hanggang sa masanay na ako na gumamit ng iba't ibang armas lalo na ang baril para protektahan ang sarili ko." Dagdag niya napatungo naman ako.

"At 'yung lalaki kanina si Paolito, malakas ang pamilya niya at maraming kapit sa batas pero nung simula lumaban ang Ama ko ay mas naging malakas ang Ama ko kaysa sa Ama niya, ang Ama niya ang pinaka malaking kalaban ng Ama ko sa lahat kaya tuwing may nawawala sa kanila ay ako ang sinusugod nila kahit wala naman akong alam sa mga ginagawa ng Ama ko." Napaawang ang bibig ko.

"Kung gano'n, bakit mo ako pinasok sa gulong 'to? Aiden takot akong mamatay ayoko gumawa ng masama, never ako papatay, never ako gagawa ng katulad ng ginawa mo." Pigil ko ang pagtaas ng boses ko, natatakot lang talaga akong madamay sa gulo pati ang pamilya ko.

"I'm sorry but, nagkasundo na tayo wala ng pwede umatras."

Natigilan ako saka nagbaba nang tingin sa mga kamay ko, sa nangyari kanina ay grabeng takot na ang naramdaman ko paano pa kaya sa loob ng isang taon kasama ko siya?

"Natatakot lang ako baka may mangyaring masama sa 'kin, pati na rin sa 'yo."

Napaangat ako nang tingin nang biglang tumigil ang sasakyan sa isang tabi nakatingin na siya sa 'kin ng deretsyo kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

Gano'n nalang ang gulat ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka sinungaban ng halik ang labi ko, nanlaki ang mata ko. Hindi agad ako nakagalaw.

"Can you just stay by my side? Isang taon lang please pagkatapos noon papalayain na kita, 'wag ka matakot hindi kita papabayan please, Arabella." Hindi ako nakaimik dahil hindi pa ako nakaka-move-on sa halik na ginawa sa 'kin. Tumungon nalang ako kaya naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon