Kabanata 9

167 5 2
                                    

"I can't believed you, Aiden!" Sigaw ko, hindi ko na alam kung tama 'yong grammar ko basta naiinis ako sa kan'ya!

"I'm s—"

"Don't!" Pigil ko at mariin na pumikit. Ilang buwan na ang lumipas at hindi ko na nga siya masyado kinakausap katulad ng dati, sa nagdaan na buwan na paninilbihan ko sa kan'ya wala pa naman nangyayari sa 'kin masama, goods iyon.

Kasi kung hindi goods, ay gegs.

"Arabella, I know I was wrong but, I just do that for yourself." Sabi niya, mas nainis ako. Ampowa na lalaki 'to.

For myself? Gegs talaga! Hay buhay!

"Tanga ka ba?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong magmura. Nagmumura ako pero iniiba ko ang bigkas para hindi magmukhang malutong pero, hindi ko na mapigilan eh!

"Arabella please..."

Umiling ako. "Hindi Aiden eh, nagbayad ka ng malaki para makatapos na agad ako? Para saan? Gegs kaba? 'Di ba slave lang naman ako?! Alalay! Ba't ka gumastos ng gano'n kakalaki! Para sa 'kin ha! Gegs kaba Aiden?!" Sunod-sunod kong sabi naghahabol ng hininga.

Hindi naman siya sumagot agad at nanatiling nakatingin sa 'kin nang deretsyo. Nanatili siyang nakaupo habang ako ay nakatayo naman sa harap niya.

Naiiyak ako sa inis, ilang buwan na simula nang mangyari 'yong sagutan namin hanggang ngayon dinadamdam ko 'yon, masakit kaya 'yon.

Like, sobrang sakit ewan ko nga ba't ako nasaktan doon eh...

Paulit-ulit ako huminga nang malalim para kumalma naman ang sarili ko, huhu ayoko siya sigawan. Nakakatakot pa naman siya tumingin.

"Come here." Utos niya, tinignan ko naman siya at pinaningkitan. "Please..."

Bumuntong hininga muna ako bago sumunod sa gusto niya, marahan akong naglakad palapit sa kan'ya, agad ako huminto nang marating ko na ang harapan niya.

Tumingin siya nang deretsyo sa mga mata ko, nakita ko naman kung paano siya huminga nang malalim.

"Kumalma kana?" Tanong niya.

"Medyo."

"Sit here." Utos niya turo niya sa hita niya, kumunot naman ang noo ko at hindi nakuha ang sinabi niya. Ano raw?

"Sa— Anak ka ng kalabaw!" Inis ko siyang hinampas sa braso ng bigla nalang niya ako hilahin paupo sa mga hita niya, nasarado ko tuloy ang sariling hita ko. Nahihiya ako!

Hindi pa ako naliligo! Kakagising ko lang kasi nagulat ako kaya napatakbo ako papunta rito sa kwarto niya.

Iimik sana na ako nang maramdaman ko ang dalawang braso niyang yumakap sa baiwang ko habang ang baba naman niya ay maharan na ipinatong niya sa balikat ko. Mas lalo ako nahirapan at nahiya.

Pantulog suot ko, sleeveless 'yung dress na suot ko 'no.

"Are you mad at me?" Tanong niya gamit ang malambing na boses.

"Medyo lang." Seryoso kong sagot. "I'm so sorry, mi regina but, I hope you understand me. It's really hard for me but, I need to protect you." Aniya, mabilis napakunot ang noo ko at hinarap siya, dahil alam ko sa sarili kong mahuhulog ako kapag hindi ako humawak sa leeg niya at wala nalang akong nagawa kundi ang isabit doon ang braso ko, hindi naman siya nagreklamo eh.

"Saan?"

Hindi agad siya sumagot at tumingin ulit sa 'kin nang deretsyo, parang ba pinagmamasdan niya ang mukha ko, hindi ko alam pero sa nakikita ko sa mga mata niya parang... Natutuwa siya sa nakikita niya.

Or feelingera na naman ako?

"May bago akong kalaban, dahil doon madadamay ang lahat pati na rin ikaw, I promised to you na I will protect you that's why I do that."

Gulo eh... Naguguluhan pa rin ako. 'Di ba gangster lang naman siya bakit parang kailangan ko magtago mula sa kalaban niya.

"Mafia ka ba?" Tanong ko, ampowa Arabella! Ano bang klaseng utak ang meron ka?!

"I'm not but, my father. Marami siyng kalaban hindi lang sa politics kundi pati na rin sa mg underground organization. My father respect my decision kung ayaw ko sumama sa pagiging mafia niya but he didn't expect na madadamay pa ako sa gulo niya, his enemies is keep looking for me because they thought I'm the mafia prince or whatever. Akala nila may alam ako sa mga inaano ni Papa, and now there's a new enemy Arabella. Pinapahanap niya ako, and lahat ng kasamahan ko damay that's why tutulungan ako ni Papa magtago." Mahaba niyang sabi, seryosong-seryoso ang mukha niya habang ikwinekwento niya lahat sa 'kin.

Hindi ko mapigilan kabahan. Ampowa ugali ko pa naman mag-overthink tapos ganito pa malalaman ko pagkagising ko. Jusko ayoko mamatay!

Napansin niya siguro natahimik ako kaya hinawakan niya ang kamay ko. "I will do everything just to protect you, arabella... Mananatiling ligtas ka. The new enemy of my father is not just a normal enemy, Arabella. Marami siyang kayang gawin, hanggang hindi niya natatalo si Papa hindi siya titigil sa kakahanap sa 'kin. Pati na rin sa 'yo..."

Gegs?! Taena bumilis tibok ng puso ko pakiramdam ko bawat oras pwedeng-pwede na ako mamatay. Ba't ko ba kasi pinasok ang gulong 'to?

"Bakit pati ako?" Kabado kong tanong at iniisip na agad ang mga pwedeng mangyari.

"Because they knew na importante ka sa 'kin," aniya, hindi naman ako umimik at tinitigan ang mukha niya. Naghahanap ako roon ng sagot na, joke lang 'yong sinabi niya na importante ako. Para hindi umasa ang sarili ko na may halaga ako sa kan'ya na aalagaan niya ako pero...

Wala akong makitang kasinungalingan sa pagmumukha niya. Parang lahat ay totoo at seryoso.

Nag-iwas ako nang tingin sa kan'ya. "P-Pero I'm just a sla—"

"Stop it, Arabella."

Ngumuso ako. "Totoo naman ah..." Para akong batang nagtatampo, gegs mo self!
"Totoo naman na, slave lang ako. Alalay mo... Alipin gano'n, dapat pinapahirapan mo ako... Hindi 'yong ganto a—"

"Stop it." Putol niya sa sinasabi ko at hinarap ako sa kan'ya, agad ako kinabahan ng makita ko ang iratasyon sa mukha niya, nakita ko rin kung paano magmarka ang panga niya.

Hala! Nagalit ba siya? Masama na ba magsabi ng totoo? 'Yon naman talaga ang totoong dahilan kung bakit ako nandito sa lugar na 'to.

"Stop telling to yourself na slave ka lang na, alalay ka lang. Because arabella, hindi kita gano'n."

Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya. "Kung gano'n, ano ako sa 'yo, Aiden? Hindi ko na rin kasi maintindihan kung ano ba talaga ako sa 'yo kung ano ba tayo? Hindi kita maintindihan..." Ba't parang naiiyak ako, jusko naman! Arabella gegs kaba talaga?

"H-Hindi ko maintindihan, Aiden... Minsan masakit dito..." Itinuro ko ang puso ko habang nakatingin sa kan'ya, nakita ko naman napaawang ang bibig niya.

"T-Tapos minsan bumibilis din ito, tapos minsan naman naiiyak ako kapag nakikitang nagagalit or naiinis ka sa 'kin, minsan masaya ang nararamdaman ko kapag inaalagaan mo ako..." Dagdag ko pa, seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin.

"Ano ba ako sa'yo? Ano ba tayo? May tayo ba? Ako ba talaga? O ako pa rin ba?"

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon