Simula

622 13 28
                                    

Panay ang takbo ko habang lumilingon sa likod ko, bwisit si Kuya nadamay pa ako sa gulo niya, 'yan tuloy pinaghahanap ako ng mga gangster na 'yon na hindi ko matukoy kung ano talaga pakay sa 'kin.

Natigil ako sa pagtakbo ng may isang itim na van ang humarang sa harapan ko.

Patay...

"Hoy nerd!" Sigaw nung mga lalaking humahabol sa 'kin kanina. Nerd daw! Gage ba sila? Hindi nga ako matalino maski isang talent wala ako, nerd agad nakasalamin lang ako hindi ba pwedeng malabo lang ang mata? "Nasaan ang kapatid mo?" Tanong naman ng lalaking nasa harap ko.

"Hindi ko nga alam." Sagot ko, hindi ko naman kasi alam nasaan ang kapatid ko halos isang linggo na hindi nauwi sa apart, busy naman sila Mama at Papa sa probinsya namin dahil may haciendang inaalagaan at kung saan din kami meron mga malalaking taniman ng mais at palay.

"Hindi kami na niniwala, isakay niyo 'yan, mapapatay na tayo ng boss natin." Sabi niya kaya agad ako na alarma. Putek kuya mapapatay kita pag-nagkita tayo!

"Oh? 'Wag niyo ako hawakan, sasama ako nang hindi niyo ako kailangan hawakan." Sabi ko saka sumunod ng lakad doon sa lalaking nasa harap ko.

Bwisit talaga buhay 'to katahimik ko na nga sa school na 'yon dahil alam kong magulo 'yon tapos madadamay pa ako sa gulo ng kapatid kong hindi nagpapakita ngayon.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko, nakaupo na ako ngayon sa gitnang bahagi ng van habang ang mga lalaking ito ay meron sa likod meron sa harap ko.

Wala sumagot tinignan lang nila ako kaya itinikom ko nalang ang bibig ko saka inayos ang salamin ko.

Sumandal nalang ako sa sandalan ng upuan saka nag-isip kung paano ako tatakas sa mga lalaking 'to.

Sa daming gangster sa buong school namin na hindi halos alam ng mga teacher doon, or nagbubulag-bulagan ba sila? Ay hindi ko alam kung kanino nagkaatraso ang kapatid ko, kaya hindi ko alam kung sino ang tataguan ko sa daming grupo ng gangster.

Hindi rin kasi normal ang paaralan na iyon, madalas mga tao roon nakakatapos gawa ng pera, ang dami talagang nagagawa ng pera, karamihan na pumapasok doon mga sakit sa ulo, mga mahilig sa gulo, at mga anak ng politiko na sakit sa ulo, halos pera lang ang katapat ng school, may natutunan ka naman talaga kaso magulo. Sobrang gulo.

Natigil lang ako sa pagisip-isip ng huminto ang sasakyan na sinasakyan namin, ay gegs nasaan naman kaya kami Madilim na rin ang langit at mukhang nasa lugar kami ng mga aswang. Walang kabahay-bahay.

Baka pagtripan nila ako? Huwag! Kahit hindi ko gusto ang kursong kinuha ko sayang iyong taong tiniis ko!

"Baba." Utos nung lalaking nasa harap ko saka ako itinulak, ay gegs 'tong lalaking 'to, pwede naman 'wag itulak eh, baba naman nang kaniya, may paa ako 'no.

"Oh, bakit babae ang kasama niyo?" Tanong agad ng sumalubong sa kanila.

"Kapatid 'yan ng hinahanap ni Boss."

"Ah sige, ipasok niyo na."

Hinawakan ako ng isa sa kanila sa braso gano'n din ang isa, sinabi ng 'wag ako hawakan eh! Mahal pa naman 'yung uniform namin tapos bago pa 'tong suot ko. Sinunog ni Kuya iyong huli kong uniform!

Binibigyan naman kami nila Mama at Papa ng pera, dahil sila rin ang supplier ng mga palay at mga mais sa bayan kaso, tinatago ni Kuya! Kaya nagtratrabaho ako sa isang restaurant, taga hugas ng pingan sa gabi.

"Bitaw, Kuya..." Ngumuso ako pero, 'di niya ako pinasin at halos mapairit ako ng bastahan niya ako hinila papasok ng pinto, pero wow ha mukhang mayaman Gangster ang mga 'to gawa mukhang mamahalin ang tambayan nila.

"Sino boss niyo?"

"Manahimik ka nga."

"Bakit niyo ba kasi ako hinahabol kanina, gegs kaba?"

'Di ko maiwasan mainis bigla nalang kasi ako hinabol nang mga 'to kanina, tahimik kasi akong naglalakad sa corridor ng building sa A sa school namin kanina ng bigla nila tawagin ang pangalan ko kaya ng mapansin ko na kasamahan nila 'yung mga gangster sa school ay agad ako tumakbo hanggang sa makalabas ako ng school.

Pero, naabutan nila ako kaya nandito ako, ka bwisit naman.

Inis ko inalis ang pagkakahawak nila sa braso ko nang iupo nila ako sa isang sofa, wow malambot.

"Mga Kuya bakit ba ako kinuha at hinabol niyo at hindi ang kapatid ko?" Mangiyak-iyak kong tanong, kasi naman gusto nalang umiyak kailangan ko pa mag-aral dahil kahit mukha akong nerd, hello? 'Di ako matalino malapit na nga yata ako ibagsak ng prof ko, simple lang daw ng tanong tapos hindi ko masagot, parang hindi daw ako nag-aral. Hindi nga raw maintindihan ng prof ko paano ako nakarating sa 4th college. Ako rin, kinaya ko pa pala maka survived.

Eh first year pa nga lang yata suko na ako noon eh.

Tsaka! May reporting pa ako! Kailangan ko makaalis dito! May final demo pa ako! Tapos kailangan ko pa mag-aral for final exam!

"Sabihin mo muna kung nasaan ang Kuya mo." Sabi nung isang lalaki, umirap naman ako, eh kung alam ko lang nasaan ang bwisit na kapatid ko sinabi ko na hindi naman ako baliw para itaya ang sarili ko tutal alam ko naman gegs, sadya ang kapatid ko.

"Boss." Rinig kong sabi nung isang lalaki habang ang mga mata ay nasa likod ko, bigla ako kinabahan at halos nagtaasan ang balahibo ko ng dumaan sa tabi ko ang isang matangkad na lalaki. Umupo ito sa sofa na nasa harap ko lang at pinagkatitigan ako.

Malamig niya akong tinignan mula ulo hanggang paa, ngumisi siya pagkatapos gawin 'yon saka muli tumayo.

"Do you know kung magkano ang utang ng kapatid mo?" Umay, ewan ko bakit ang lamig ng boses niya, kumain ba siya ng yelom Umiling naman agad ako, saka nag-iiwas nang tingin!

Tumayo siya at lumakad papuntansa likod ko.

"Three million lang naman ang utang ng magaling mong kapatid." Bulong nito sa tainga ko, Ampowa! "Three million?!" Hindi ko napigilan sumigaw, eh pang-anim na taon kong pangbayad sa school 'yon tapos utang lang ng kapatid ko?!

500,000 kasi ang bayad kada taon sa school year sa Delemento University, ampowa ang laki ng bayad eh puno naman ng mga malditang bata. Pero, mas malaki pa rin ang sa Lee, kung hindi ako nagkakamali kulang-kulang 800,000 ang bayad doon at bihira tumanggap ng scholar, sa Wiltson International School naman 650,000 pataas ang bayad pero, natanggap sila ng scholar basta sobrang talino ka at wala kang ibabagsak.

"P-Paano nagka-utang sa iyo ang kapatid ko?" Gulat ko pa rin tanong, sino ba naman hindi magugulat? "Well, natalo siya sa pustahan namin ang sabi niya bukas na bukas babayaran niya ako pero, isang linggo na ang nakalipas wala pa rin akong nakikitang, Jacob Tolentino."

Lumunok ako, ay paano ko naman babayaran ang three million? Baka mapatay si Kuya nila Mama kapag nalaman nila 'yon, kahit aso't pusa kami ng kapatid ko, ayaw ko naman mamatay 'yon. Sa totoo lang kaya bayaran nila Mama 'yun, eh kaso sayang naman ang pera kung ibabayad lang nila 'yun dahil sa kasalanan ng walangya kong kapatid.

Kung sino pa matalino siya pa 'yung pasaway.

"So, kung papayag ka sa deal na gusto ko, pwede mo na hindi bayaran ang utang ng kapatid mo at hindi ko siya ipapakulong." Ngumisi ito sa 'kin saka ako pinagkatitigan, dahan-dahan ito lumuhod sa harap ko saka hiwakan ang baba ko at iniharap nang maayos sa kaniya.

Kitang-kita ko ang pula ng labi niya pati na rin ang mahaba niyang pilik mata ang matangos niyang ilong at ang asul niyang nga mata.

"Anong deal ba?" Inis kong tanong, ampowa naman kasi!

Tumawa siya, pati pagtawa gwapo. "You will be my slave for one year, kapag natapos ang isang taon makakabalik kana muli sa tahimik mong buhay pati na rin ang kapatid mo. Kakalimutan natin na nagkakilala tayong dalawa..."

Deal With The Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon