HAPPY READING!!!
****
"My name is Asher Miguel Ethan B. Gonzales, Ethan nalang po. 12 years old" pakilala niya.
"Ikaw yung isa sa may tatlong name no? Actually dalawa silang may tatlong name...mamaya malalaman natin kung sino yung isa pa." comment ni ma'am sa pangalan niya.
Ako po yung may isa pa...so ano yon destiny? Ulul!
"Sige thank you Mr. Gonzales...next, Hernandez" ma'am Jobie said and called the next student who will introduce herself, while that Asher Miguel Ethan boy returned to his seat.
Nagtuloy-tuloy ang introduce yourself at nagtuloy-tuloy rin pati ang kaba ko. I don't know how to introduce myself knowing that someone in my class knew about my stupidness yesterday. Also the fact that his sitting infront, close enough. Buti nalang nasa may side siya nakaupo, I will just look straight while speaking and not glance at his side.
Yeah, I can do that.
"Perez" tawag ni ma'am sa isa pa naming kaklase. Nasa letter P na, malapit na ako.
Naglakad na palapit yung tinawag ni ma'am sa platform at nagsimula nang magpakilala. Pagkatapos ay naglakad na siya ulit pabalik sa upuan niya kung saan siya nakaupo kanina. May tinawag pang dalawang estudyante si ma'am para magpakilala bago tinawag ang apelyido ko.
"Reyes...ah ito yung may isa pang tatlong name." sabi ni ma'am patungkol sa pangalan ko, nabasa ata sa class list. Tumayo na ako at dahil sa sinabi ni ma'am ay naagaw ko ang atensiyon ng mga kaklase ko.
Eto yung ayaw ko eh!
Nahihiya akong tumaas sa platform at tiningnan si ma'am. "Sige go anak" sabi ni ma'am sakin nang tumingin ako sakanya na parang nagtatanong kung pwede na bang magsimula.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Ahm...My name is Emerald Love Jade A. Reyes, Jade nalang po. 12 years old." pakilala ko habang nakangiti ng kaunti. "Jade...okay thank you nak" sabi ni ma'am, binanggit ang pangalan ko habang natango-tango. Bumalik na ako ng tahimik sa upuan ko habang tinatawag ni ma'am ang kasunod kong magpapakilala.
Dahil sa kaba sa pagpapakilala ay nakalimutan ko na yung Asher Miguel Ethan na yon. Pagkaupo ko ay tumingin ako sa banda niya at nakita siyang nakangisi. Anong nginingisi-ngisi niya? Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa harap kung saan nakatayo na ang isa kong kaklase na magpapakilala.
The introduce yourself session ended with a clap and ma'am Jobie's wished for this school year. She said that she wanted us to cooperate every competition we will have and she hoped that all of us will become friends and close to each other. She also said that we're already in high school so we need to be matured enough and avoid doing childish acts. She hoped that we will be able to enjoy high school life no matter how hard it may be and also lumapit lang daw sakanya if need ng help or kaya naman pag may problema.
"So...yun lang, tandaan ang mga sinabi ko and let's enjoy this school year." ma'am said smiling while looking at us. Ma'am looked outside and saw student going out at their classroom. "Yun lang po. You may go, tandaan po ang schedule." turo ni ma'am sa board. Nagtayuan na kami at kaniya-kaniyang bati kay ma'am Jobie.
"Bye ma'am"
"Goodbye po!"
"Bye and thank you ma'am"
Pagkabati ay nilagay ko na yung notebook ko at pen sa loob ng bag at binitbit iyon at tsaka lumabas. Sa labas ay sinilip ko yung bintana ng katapat naming room at nakitang palabas na din si Lia. Nang makita ako ay kumaway lang siya sakin.
YOU ARE READING
Behind Series #1: Behind Her Smile
De TodoEveryone knows her as a happy-go-lucky girl. Siya yung kaibigan na ready mag joke just to make you smile. She's always ready to listen to your problems and stories. Siya daw yung "perfect friend" kasi lahat nababagayan niya. Ang bait lang kasi. But...