sabi nga nila ang pinakamahalagang yugto sa buhay ng isang babae ay ang ikasal sa taong kanilang minamahal,
sino nga ba naman ang hindi gustong ikasal sa taong pinapangarap mo at mas mahal mo pa higit sa buhay mo?Imagine wearing a veil and a long white gown while walking down the aisle seeing your friends and family smiling and crying because of too much happiness,
and standing right next to God is the man that you love,the man of your dreams,
the man that you all could wish for,
the man that you can see your future with,and the man that owns your heart,body and soul.Marahil tama sila na ang kasal ang pinakaimportanteng araw sa para dalawang taong nagmamahalan.
Ngunit paano kung sa mismong araw ng kasal mo bigla mong naisip na hindi ka pa pala handa?
na hindi mo pa pala kayang harapin ang buhay na may asawa?
na gusto mong ipagpatuloy ang iyong pangarap para sa ikabubuti ng lahat?Paano kung dahil sa takot at pangamba na hindi kapa handang harapin ang bagong yugto ng buhay mo ay umalis ka at tumakas ilang minuto bago magsimula simula ang seremonya.
Anong gagawin mo?
"Ano bayan miss Cassi ang agaaga nananakit ka."saad ni merith na aking assistant na umarteng nasaktan dahil sa aking mga sinabi.
"syempre kung ako yon bago ako magpakasal sisiguraduhin ko muna kung yun talaga yung gusto at wala akong pagsisisihan sa mga gagawin ko at kung may pagaalinlangan man ako ay hindi ko na patatagalin pa ang relasyon namin at lalong hindi ako papayag na magpakasal para lang magback out sa mismong araw ng kasal gayong alam kong hindi pako handa."komento naman ni Inah na nakatrabaho namin.
"para saan pa at naging wedding planner at coordinator ako kung gagawin ko yon!"
Ay true may point ka dyan te,at isa sino naman tanga ang magbaback out sa sarili nyang kasal aber?
gatong naman ni merith na nakipag apir pa kay Inah habang tumatawa.habang ako naman ay tipid na ngumiti at umiling iling dahil sa pagtawa ng dalawa.Right.They're right tanga nga.
"Ano ba kayo I was just practicing my speech para sa seminar mamaya, kaya kayo maghanda na dahil ilang minuto nalang ay dadating na ang mga nagpaappoint ng kasal."sabi ko habang inaayos na ang mga gamit na kakailanganin ko sa seminar.
"Yes ma'am."ani merith at Inah na sumaludo pa bago umalis.
habang nagaantay ay hindi parin maalis sa isip ko ang mga katagang sinabi ni merith kanina.
sino nga ba kasing tanga ang magbaback out sa mismong araw ng kasal nya?
sinong tanga nga ba naman ang mangiiwan sa groom nyang masayang masaya syang hinihintay sa gilid ng altar na parang Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay nya?at sinong tanga nga ba naman ang tatakbo palabas ng simbahan dahil hindi pa sya handang humarap sa altar kasama ang pinakamamahal nyang tao sa mundo?sino?
habang nagiisip ay napansin kong may butil ng luha ang bumaba sa aking mga pisngi dahil hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko napatawa ko sa isip ko bakit ko pa nga ba inaalala yon."Miss Cassi maguumpisa napo ang seminar pinapatawag napo kayo." saad ng isa kong katrabaho.
"okay I'll be there in a minute."mabilis kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi at inayos ang aking sarili.
pagpasok ko sa hall ay halos kumpleto na ang lahat at ako nalang ang hinihintay,pagkapasok ko ay inayos ko ang aking mga materials nang bumulong sakin si merith
"miss wala papo yung isang nagbabook ng kasal at sila nalang po ang hinihintay."
"Kung wala pa sila ay magdidiscuss nako dahil hindi lang naman sila ang nagpaappoint nakakahiya sa mga dumating on time."sagot ko at
umayos ako sa aking pagkakatayo,
isang mahinang buntong hininga ang aking pinakawalan at nagsimula na sa aking diskusyon.

YOU ARE READING
Beyond boundaries
Fanfikce"I will always do everything for you even it cost my biggest downfall." years ago,She was standing infront of the altar watching her ray of light stand next to God but she ran away on her wedding day. After 8 years she finally able to stand infront...