NOT A ONE SHOT, BUT CHEERS!

25 5 0
                                    

🦋: 𝐔𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐋𝐈
@𝒌𝒂𝒉𝒆𝒍
-----

Sa pakiwari'y tama nga ang tadhana.
Na ikaw ang tao na sa akin ay tinadhana...
'Di ba tulad ng pangako natin sa isa't isa.
Tayo hanggang dulo—tayo man ay tumanda.

Ikaw ang aking una.
At hindi nanaisin pa magkatagpo ng iba.
Sapat na sa akin ang isa.
Sapat na sa akin ang ikaw at walang iba.

Ngayon pa lamang isa ng magandang pelikula ang ating buhay saaking isipan.

Tila pa ba isang pelikulang kakagatin ng masa dahil tunay ang pag-iibigan.

Kaya Mahal, sana ito...

Itong lahat na ito...

Ay magsilbing tunay

At maubos ang lumbay.

Mas gusto ko na tunay ang lahat.
At hindi isang nobelang may katapusan.

Na hindi na nasundan...

Dahil sa ang puso mo'y may iba ng laman.

Alam kong lahat ng ito ay may dulo.

Pero ang punto...

Ay mas gusto ko ang libro

Na ikaw...

Ikaw parin hanggang dulo.

Una at huli nga hindi ba?

Hindi naman maaring ako ang una pero iba na sa katupasan ng kabanata.

Kaya mahal, ako ay nangangako.
Ikaw ngayon, ikaw rin hanggang sa dulo

Mamahalin hanggang matapos ang isang libro na ikaw at ako ang naglathala.
Malapatan man ng luha
Malapatan man ng pagdurusa

Titiyakin ko.

Ako at ikaw...

Ang una at huli sa istorya na tayong dalawa ang bida.

Mamahalin bilang huli at una

Itong pag-ibig nating dal'wa.

Tatapusin ko hanggang sa mundo ay mabura

-------

-------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon