SHOT 7

11 2 2
                                    

‘LAST DANCE’
An Open Letter
written by Kahel

---- 

Perfect, that is how I described us. Ako na ata ang pinaka masayang tao na kasama ka, hindi ko alam mangyayaru sa buhay ko kung wala ka.

"Pagod ka na?" tanong ko, tahimik kang nakasandal sa balikat ko habang sabay nating pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Hmm..." tangi mong sagot.

Hindi ka mahirap mahalin ang mahirap ay yung talikuran ka at umalis.

Nung makilala kita napasabi ako sa sarili ko ng, "Masyado na akong pinagpapala ng Diyos kasi ibinigay niya sa akin ang isang taong tulad mo."

Marahan kitang binuhat, alaalalay ka sa likod, mahigpit na yakap habang iginagaya kita pabalik sa kwarto.

Kilala mo naman ako noon pa. Gago ako 'di ba? Kaya napapaisip ako anong dahilan ng Diyos para bigyan ang gagong tulad ko ng tulad mo.

Nagbago ang lahat ng makilala kita.

Natuto ako...

"Gutom ka ba?" malambing kong tanong muli sayo.

Kahit pa ay nanghihina nakuha mo parin ngumiti. Hina mo ako at inaya na humiga sa tabi mo, syempre hindi kita tanggihan mahal ko. Susulitin ko bawat oras na ako ang kasama mo.

"Huwag ka munang umalis. Dito ka lang, 'wag mo muna akong iwan, ha?" halos pabulong mong sambit sa akin; ibinalik ko ang sagot gamit ng ngiti at marahan kang hinalikan sa pisngi tulad ng lagi mong ginagawa sa akin.

Wala naman kaso sa akin dahil hindi ako aalis kahit anong mangyari.

Hindi kita iiwan...

Maingat kong inabot ang regalo ko sayo, dahan-dahan ng sa gayon ay hindi kita masaktan, at makapag pahinga ka lang ng maayos.

"Happy Fifth Anniversary, love." bati ko sayo sabay abot ng bulaklak na gawa sa papel na buong araw kong iniral para sayo dahil alam kong gusto mo ang ganito.

Pinipigilan ko ang mga luha na nangigilid sa mga mata ko habang ikaw naman ay walang humpay na pagbigay sa akin ng matatamis mong mga ngiti.

"I love you..." tangi mong sagot; kitang-kita ko kung gaano mo kagusto lumaban, malakas ka naman.

"Mahal na mahal rin kita. At mamahalin kita hanggang dulo tulad ng mga pangako ko." sagot ko naman.

Sa dami ng taong ayaw sa gagong tulad ko, ikaw lang, ikaw lang ang tumanggap sa akin at nagmahal ng totoo.

Anv swerte ko sa'yo sobra, mahal ko.

Maharan mong ipinikit ang 'yong mga mata. Hindi na ako magtataka kung bakit anghel ka sa paningin ng iba, wala akong maipipintas dahil tunay naman talaga ang sinasabi nila. Hinaplos ko ang buhok mo at muli kang inalayan ng halik sa noo tulad ng paborito mong ibigay ko sayo.

"Pahinga kana. Nandito lang ako pag-gising mo, love." ani ko.

Sa apat naa taon walang nagbago—ikaw at ikaw pa rin ang matimbang sa puso ko.

I have no regrets because having you in my life was all worth it. You change me, and I love you for being so patient with me. Everything is perfect because of you.

Binigyan mo ng kabuluhan ang buhay ko.

Ngunit kahit gaano pa ka-perpekto ang ating istorya ay hindi pa rin mawawala ang takot kong mawala ka.

Dalawang taon na simula ng malaman na may sakit ka. AML, Acute Myeloid Leukemia (AML), kaya mo labanan sabi mo kaya sinamahan kita hangganga't makakaya ko. Kailangan ko rin maging matapang para sayo.

Walang araw na hindi ako natatakot. Takot na takot ako na baka isang araw wala kana sa buhay ko, kaya gagawin ko ang lahat para sa'yo sabay natin lalabanan 'to.

Tinuruan mo ako na maging maayos na tao pero hindi mo itinuro sa akin kung paano ako kung mawala ka sa mundo.

Araw araw nasasaktan ako na nahihirapan ka.

Kung kaya ko lang saluhin lahat ng sakit mo ginawa ko na mabuhay ka lang ng magaan at masaya.

"Love..." bulong mo sa akin.

"Hmm?" tanong ko.

"Can we dance?" hindi sana ako papayag dahil hindi na kaya pa ng katawan mo, subalit ng marinig ko ang kagustuhan mo sumayaw kasama ako ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kaya mo pa bang tumayo?" marahan kang tumango.

Inalalayan kita. 

Iningatan at inalalayan, "Sigurado ka ba?" muli kong tanong sayo.

"Yes." sagot mo.

Kung ito ang magpapasaya sa'yo papayag ako.

Mahigpit na yakap ang ginawa ko para masuportahan ka tumayo.

"If this day is going to be my last. I want you to be my last dance, so when I leave I will take it with me." hinawakan ko ako sa pisngi at marahan na inabot ang aking mga labi.

"I heard someone's calling me. Please, dance with me." hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinayaan na dumaloy ang mga luha sa mata ko.

"This last dance will be unforgettable. Sana sa susunod kong buhay ikaw pa ein ang makilala ko. Hindi na ako aalis sa tabi mo kapag binigyan uli ako ng Diyos na mahalin ka muli, mahal ko." agad kitang yinakap ng mahigpit.

As we start dancing, all I can feel is your love. It was slow but full of love.

"Thank you for being my last dance. I love you and I will always love you for everything." tunaw na tunaw ang puso ko sa lahat ng mga sinasabi mo, hindi ako makapagsalita ng maayos dahil ngayon ang gusto ko lang ay ang mayakap ka.

At ‘yong mga yakap na ‘yon ay siya na ring huli. ’Di ko mapigilan maluha habang yakap ka. Hindi na kita binitawan hanggang sumapit ang umaga.

Habang sumasayaw ay bigla kana lang nawala labis akong nagdurugo. Gusto kong ibalik ang oras na kasama ka at kausap ka.

"Mahal na mahal kita, love." bulong ko sa katawan mong tuluyan na akong iniwan.

"Hahanapin kita. Hindi ako titigil hangganga’t hindi ikaw ang kapiling ko, hindi ako siguro sa susunod na buhay pero ang gusto ko ikaw pa rin ang mahalin ko. Nangangako ako, mahal."

Paano kita bibitawan? Hindi mo ako tinuruan bumitaw. Mahal kita. At alam kong kasama kita hanggang sa ako naman ang mamaalam, lalabanan ko pa rin ang mundo na wala ka. Hindi mo man ako tinuruan pero gagawin ko ang lahat para mabuhay dahil alam kong ito rin ang gusto mo para sa akin, mahal ko. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko ng hindi kita ibinabaon sa limot dahil ikaw ang tanging saya na ibinigay sa akin ng mundo na ito.

"Anak, please tama na. Sige na Kuya."

And for the last time, I kissed your lips.

You will always be my greatest love and will always be until our next last dance.

-----------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon