🦋: 𝐒𝐈 𝐌𝐀𝐌𝐀 𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐊𝐎?
@𝒌𝒂𝒉𝒆𝒍
----May boyfriend ako, si Tu. Magkaklase kami nang second year high school. Nag-aasaran lang naman kami noon eh, hindi naman talaga namin in-expect na sa dulo eh magiging kami.
“Alam mo ba ibig sabihin ng Tu sa pangalan mo—Tubol!” naghiyawan ang mga classmates namin na nakapaligid sa amin.
Asa gitna kami ngayon ng flip-top battle, basically, a battle to thorn each other down. Palakasan ng pambasag sa isa't-isa.
“Eh, ikaw ba alam mo ba bakit ka tinawag na ‘Eka’ kasi isa kang ebak!” bato niya sa akin balik, wala naman ‘tong sense pero dahil siya ang class clown ng klase ay humalagapak sa tawa ang buong klase habang ako ay diretso lang at walang ekspresyon ang mukha.
“Tara guys, alis na tayo. Hanggang ngayon hindi pa rin ‘to makasagap ng signal. Walang konek!” saad ko.
“Sorry bro pero kay Eka ako ngayon. Though nakakatawa yung Eka mo mas petmalu banat ng chicks ko. Huwag ka pakabit-pldt next time.” sabat ng kaibigan niya habang tinatapik pa ang likod niya.
*****
“Hoy Tu-lok! Tara nga dito. Anong pinag kakalat mo na jowa kita. Siraulo ka talaga eh, noh?” inis kong sabi.
Dahan-dahan itong humarap sa akin na may pang-gagong ngiti sa labi.
“Bakit—don't you like it, beybe?” kinilabutan ako mula ulo hanggang paa sa sagot niya; sinabayan pa ng mala swabe niyang mukha na akala niya kina-gwapo niya.
“Mukha kang Tu-ko!” sinipa ko ang pagitan niya at iniwan syang namimilipit sa sakit.
Hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa Tu-kong ito. Nagkasawaan na lang siguro kaming dalawa sa pang-aasar sa isa't isa.
Marami pa rin naman kaming kalokohan sa isa't isa, nakasanayan na namin asarin ang isa't isa, isa na rin ito sa malamang kung bakit may tumibay ang relasyon naming dalawa.
Itinago namin ito sa magulang ko—sa pamilya ko lang dahil hindi pa ako pwedeng mag-jowa at tsaka ayaw nila kay Tu dahil nga kapag na-guidance ako si Tu ang naroon kaaway ang tingin sa kanya ni Mama. Tingin niya kay Tu ay bully na malas at laging nakadikit sa akin.
“Nako, anak nabalitaan mo ba ung anak ni Marites. Si Tu yung nang-bubully sayo?” kwento nito sa akin.
“Anong meron, Ma?” tanong ko kay Mama.
“May girlfriend raw 'yon. Ay tinago raw nila sa Mama ng babae pero legal daw sila sa side ng bully na 'yon. Nako! Saksakan ng malas ang babae na yon sa bully pa na punta, kaya ikaw anak pasalamat ako at hindi ka nahulog sa bugnutin na yon.” OH SHUKS!
Patago akong nag-sign of the cross sa harapan ni Mama.
Sorry Ma…
I'm sorry Ma…
In love ako sa bully na 'to! Hindi ko naman sinasadya eh, cute naman baby ko. How can I resist!
Naitago pa namin ni Tu ang relasyon namin sa pamilya ko hanggang sa kumalat na lang balita dahil sa mga human CCTV sa barangay namin.
Sari-saring tsimis ang kumalat sa lugar namin; na kesyo raw ay tinakot ako ni Tu kaya naging kami.
May iba at ang pinaka malala ay yung na na-disgraya ako ni Tu. Like, what the hell! Saang planeta niyo nakuha mga yan? Jusko.
********
Umagang-umaga tumatalak ang nanay ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ang Mama ko na may hawak na tingting. Pinalo ako nito buti na lamang at nasa ilalim ako ng kumot kaya hindi gaanong masakit.
“Ma, sorry na please. Tao rin naman si Tu ma mabait naman yung tao!” depensa ko sa sarili ko habang sinasalo ang mga pali ni Mama.
“Anong mabait? Tignan mo nga ngayon kalat na ang tsimis sa buong lugar nasira na ang reputasyon ng pamilya natin dahil sa T-tuko na yan! ”
“Ma, hindi naman po Tuko si Tu—ahh?!” sinipa na lang ako bigla ni Mama.
“Aba'y sino kaya ang unang tumawag sa kanya ng Tuko? Di ba ikaw?!”
“...mamili ka ngayon anak hindi ako makakapayag—”
“SI MAMA O ANG TUKO MONG BOYFRIEND?” tanong nito sa akin na napatigil ng puso ko.
“MA NAMAN?” ginaya ni Mama ang pananalita ko.
Gigil na inuulit-ulit ni Mama ang tanong sa akin na kung siya pa o si Tu. Litong-lito na ako, na-pressure dahil sa kanya, dumating pa sa punto na kasama na namin si Tu sa kwarto na mas nagpahirap sa akin.
Dalawa na ngayon sila sa harapan ko, yakap yakap ako ni Tu habang si Mama naman ay galit na galit dahil kay Tu.
“EKA TINATANONG KITA IPARINIG MO SA TUKO NA 'TO!”
“MAMA O TUKO?”
“Grabe naman Tita, Tu po hindi po tuko magkaiba naman ho yon—” natigil sa pagsasalita si Tu ng ambahan siya ni Mama na papaluin ng tingting.
“OO NA SASAGOT NA AKO!”
Napalunok ako ng malalim, ito na. Nag-inhale exhale muna ako bago ako tumayo sa higaan ko tumayo ako sa pagitan nilang dalawa.
Hindi ko akalain na aabot sa punto na mamimili ako sa kanilang dalawa.
“Ma, mahal kita alam mo yan...”
“Hay, sinasabi ko na nga ba anak salamat naman at hindi mo pinipili yang—” sabat ni Mama habang nakangiti, lumapit ito sa akin taong yayakapin ako.
“MA,MAHAL KO SI TUKO! ”
Bigla namang tumalon si Tu, “Yes!”
Sobrang saya niya habang si Mama naman ay nabitawan ang hawak niyang tingting.
Sorry talaga Ma, minsan lang ako magkaka tuko sa buong buhay ko.
“H-hindi a-anong? Nasisiraan kana ba talaga ha batang ka? Sino ako— ”
“Ma, sorry but I already made up my mind it's the Tuko for me.”
“HINDI?!”
----------