Umakyat ako sa aking kwarto pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kuya. Hindi parin ako maka paniwala sa balitang sinabi n'ya.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.
From Natasha:
What happened? Pinagalitan ka?To Natasha:
Nah, concern lang sa nangyari.From Natasha:
Great! Pupunta ka mamaya?Shit! Mamaya na nga pala ang victory party. Muntik ko na makalimutan kakaisip sa ibang bagay.
To Natasha:
of course i'm coming.From Natasha:
Ay weh! Baka dun lang ang meet up nyo ah, tapos tatakas kayo para magdate!To Natasha:
Gaga! Tigil-tigilan mo nga ako jan! Baka naman ikaw ang gagawa nyan mamaya.Napatawa ako dahil gawain iyon ni Natasha tuwing may event sa school. Bigla nalang nawawala, tapos makikita namin yung story sa ig nakikipag date na pala.
From Natasha:
Funny haha. Bye na!To Natasha:
Bye! See you later.Binaba ko na ang aking cellphone pagkatapos mag reply kay Natasha. Nagpalit ako ng damit bago humiga sa
kama.Saktong 7 pm ako nakarating sa victory party, napasarap ang tulog ko kaya natagalan ako sa pag-aayos. I wore a white skirt and black crop top matching with my black rubber shoes.
Maingay at madami ng tao pagdating ko. Halos lahat sumasayaw at sumasabay sa tugtog. Lalo pang umingay at nagwala ang mga tao ng lumabas na ang banda nila Cloud sa stage.
"Naghintay ba kayo ng matagal?" tanong ni Cloud.
"Oo!" sagot ng lahat kaya napatawa siya.
"Wahhh mahal ko kayo!!" sigaw nung babae sa unahan ko.
"Anakan mo ako Cloud!" narinig kong sigaw sa unahan, aba't talaga naman.
Nabalik ang atensyon ko kay Cloud ng magsimula na siyang kumunta.
Take me as you are
Push me off the road
The sadness
I need this time to be with you
I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming, calling out your nameNagkatinginan kami nang imulat niya ang kanyang mga mata.
And I do reside in your light
Put out the fire with me and find
Yeah, you'll lose the side of your circles
That's what I'll do if we say goodbyeTo be is all I gotta be
And all that I see
And all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnightHindi nakalampas sakin ang pag ngiti niya pagkatapos sabihin ang huling salita.
Natapos ang kanta ng punong-puno ng hiyawan ang venue. Naging maingay pa lalo ang venue ng magsimulang itulak si Trisha sa unahan. Muntik pa siyang matumba dahil sa pagkakatulak mabuti nalang ay nahawakan siya ni Cloud.
"Bagay kayo!"
"Go Trishaa!!"
"Oh my gosh!!"
Naging maingay ang mga tao dahil sa pangyayari, napaatras ako dahil nagtatatalon na ang mga tao sa parte ko. Tumingin ako sa unahan at nakitang nakatayo si Trisha sa tabi ni Cloud, nilipat ko ang aking tingin kay Cloud at nakitang naka tingin siya sa akin na may pag-aalala sa mukha.
YOU ARE READING
someday
Teen Fiction(On-going) "I wish I could go back to the day I met you and just walk away. Because honestly, It would've saved me so much from hurt and pain." Zarie Koleen Alvaro grow up with a perfect life as a living princess of Alvaro. She's witty, talented and...