ELAINE'S POV
“Where are we going?” Eizen asked
“Somewhere down the road” I said
“I'm asking seriously, Elaine.” masungit na saad niya
“Why ang sungit? Miss mo na boyfriend mo? By the way, bakit hindi sumama si Ashton?”
“He's busy.”
“Sa iba?” singit ni Elli
“I have no time for you Elli.”
“Parang jowa mo walang time sayo. Oops. Shut up na ako.” sabi nito at lumayo kay Eizen at nakipagpalitan ng pwesto kay Eirian.
“Pasmado ka?” napatingin naman kami kay Ezvy
“Slight” sabi ni Elli na may gestures pa.
We just laughed while Eizen, uh nevermind. She's really not in the mood.
Nagkaniya-kaniya kami ng ginagawa. May mga naglalaro, nanonood at yung iba natutulog, nangunguna na diyan si Ethan habang nakasandal sa balikat ni Yssa, girlfriend niya.
Sana all.
Thirty minutes had passed. Masiyadong malayo ang pupuntahan namin. Sa labas ng city kasi.
Actually, I just asked them to join me. We're squad, and we should be together.
Be together and die together. Kidding.
“Elian, kaya pa?” tanong ko sa driver namin.
“Sige matulog ka na rin muna. Nakakahiya naman.” sabi niya habang ang tingin ay nasa daan.
Napatingin ako sa mga kasama namin sa likuran. Seven kaming lahat dito. Ako, si Elian, Eizen, Elli, Ezvy, Ethan, Yssa and Eirian na tahimik lang sa likod kanina.
“Hindi na ako matutulog. Nakakahiya naman sayo.”
“May hiya ka pala?”
“Oo naman. Ikaw lang naman ang walang hiya rito.” sabi ko dahilan para samaan niya ako ng tingin.
Tumingin nalang ako sa dinaraanan namin.
Ang daming puno at halos iilan lang ang bahay na makikita.
“By the way, ano bang gagawin natin sa pupuntahan natin Elaine?”
Napatingin ako kay Elian.
Actually, I don't know.
“Hindi ko alam. I just want to see if totoo yung dream ko. I want to make sure if that place is really existing or just my mere imagination.”
“So, what will happen kung nag-eexist siya?”
“That's what I want to know. Gusto kong malaman bakit ko napapanaginipan yung place na yun.”
Tumango naman siya.
After ilang minutes ay nagsalita ulit siya.
“Ito na yung end ng way Elaine.”
Napatingin ako sa harapan.
Wala na yung sementadong daan, at hindi na makakapasok ang sasakyan namin.
Nang napagmasdan ko ang daan ay para bang may iba akong naramdaman. Para bang nakita ko na siya noon at para bang napuntahan ko na before.
“We need to walk from here. Ito yung daan na nakita ko sa dream ko.”
“Sige. Gisingin mo na sila.”
Tumango ako at tinignan ang mga kasama namin.
“Guys, we're here na.”
Isa-isa ko silang tinapik. At nagmulat naman sila maliban sa isa. Si Ethan.
BINABASA MO ANG
Mafiahood Del Raccini
RandomBigger risks mean bigger rewards. Cowardy is not in our veins.