ELAINE'S POV
“Ano bang kailangan niyo samin?” tanong ko sa babaeng kaharap ko
“Wala naman. Maglalaro lang tayo.”
Noong magising ako ay nakita kong isa-isa nilang kinuha ang mga kasama ko at inilabas sa kwarto.
“Anong laro ang sinasabi mo?” tanong ko
“Do you know this game called ‘mafia game’?” she asked me
Mafia.
I remember again yung tattoo na nakita ko sa pulse ng isa sa kanila. Pero bakit niya ako tinatanong ng about sa ganon? Hindi ako Mafia.
“Sino ba talaga kayo?” tanong ko
“It's either a mafia, a cult or just a mere civilian.”
“What are you saying?”
Ano bang sinasabi niya?
Instead of explaining, lumapit siya sa akin at may inabot na box.
“Pick one.” she commanded me.
Something inside me was irritated on how she acts in front of me.
“Ayoko.” I firmly said
“Bubunot ka o may mawawala sa kaibigan mo”
“Sinong tinakot mo?” sabi ko at nilabanan ang titig niya.
“You're still stubborn.”
Still?
“I don't have much time for you. Just pick one.”
“Ayoko.”
Sumeryoso ang mukha niya.
“Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko na may mawawala sa inyo.”
“Hindi ako naniniwala sayo.” sabi ko at tinignan siya ng diretso sa mata.
“Kill that girl.” utos niya sa isang lalaki na kasama namin sa loob.
Tinignan ko ito at nakita kong may tinawagan siya. Nang sagutin ito ng nasa kabilang linya ay ipinakita nila sa akin.
“Ezvy..”
Doon nakita ko si Ezvy na nakagapos at walang malay. Nagulat nalang ako nang bigla nila ito binuhusan ng tubig upang magising.
“S-sino k-kayo?” tanong niya
Nakita ko ang takot sa mata niya.
“EZVY!” Sigaw ko.
“Elaine? ELAINE NASAN KA?” Sigaw nito.
Nilapit ng kasama niya doon ang cellphone para magkaharap kami gamit ang phone.
“Ezvy..”
“Elaine anong nangyayari. B-Bakit ganito? T-Tulungan mo ako” umiiyak na siya
“You chose not to pick, Kaya tignan mo Ang mangyayari. Say bye to your friend, or friend ba talaga?.”
Nilingon ko siya. Naguguluhan at nagtataka.
“What do you mean?” tanong ko
Ganon nalang ang gulat ko nang makarinig ng putok ng baril.
Agad akong napalingon sa may cellphone, at halos manlumo ako sa nakita ko. Tumulo ang mga luha ko.
“N-No.. E-Ezvy..”
“Does it hurt?”
Tumingin ako sa kaniya.
“Napakasama niyo.”
BINABASA MO ANG
Mafiahood Del Raccini
De TodoBigger risks mean bigger rewards. Cowardy is not in our veins.