The Comeback of Don

28 1 14
                                    

ETHAN'S POV

“Who are you?” tanong ko nang mapansin kong may nakamasid sa akin

Lumabas sila sa pinagtataguan nila.

“What do you want?”

Nginisian niya ako.

“Sumama ka sa'min.”

“Why would I?” I asked

“Kasi sinabi ko.”

“I'm not your slave, so stop commanding me.”

Lumapit ang lalaking may kulay ang buhok.

“Sigurado 'kong sasama ka sa amin. Whether you like it or not. Buhay ng jowa mo ang nakasalalay rito.” seryosong saad niya

Napalingon naman ako sa paligid at doon ko napansin na wala nga si Yssa.

Sht.

“Ang ganda ng girlfriend mo.”

At that moment tila ba kumulo ang dugo ko. Kinuwelyuhan ko siya.

“Don't you ever touch my girl! You pathetic worthless piece of trash!” gigil kong saad

Hinawakan niya ang kamay ko at inalis ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

I saw something like a tattoo in his wrist.

I think I've seen it somewhere.

Napapikit ako nang parang may mga pictures na nagflashback sa isip ko.

Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya at napahawak sa ulo ko.

What the heck is this.

I opened my eyes when I saw a tattoo in those pictures.

Same with the tatto tha he had in his wrist.

‘Mafia.. It's a tattoo for mafias.’

Tinignan ko siya.

“Sino ba kayo?”

“Sumama ka nalang samin. Ang dami mong dada.”

“Paano naman ako maniniwala na nagsasabi kayo ng totoo?” sabi ko at lumayo sa kanila

Pero nang ipakita nila ang isang bagay ay doon na ako walang nagawa.

Hawak nila ang bag na regalo ko kay Yssa. It means, they have her.

Damn.

“I'll kill you if something bad happens to her.”

Nagkibit balikat nalang ang lalaking may kulay ang buhok. Tinalikuran niya ako, habang ang isa ay pumunta sa likuran ko para bantayan ako.

“Just make sure that she's safe. Lintik lang ang walang ganti.”

“Sumunod ka nalang at magiging ayos ang lahat.”

And with that, I followed them.

Pumasok kami sa main building na nakita namin kanina. Lumiko kami sa isang corridor at doon ay may isang kwarto sa dulo.

Walang katao-tao.

Where did they go?

Where are the others? I hope they're safe.

Well I guess they're not.

Nang makapasok kami sa loob ay doon ko nakita ang mga kasama ko.
Silang lahat.

At lahat ay walang malay.

“What did you do to them?”

“Wala sanang masasaktan kaso nagmatigas kaya ayun, nakatikim” sabi ng may kulay ang buhok

Mafiahood Del RacciniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon