❤️My Three StepBrother and Me💖
💖©️hapter 41💖💖Jessica POV
Kinaumagahan ay maaga na akong pumasok sa opisina.
Papasok na ako sa building kong saan ako nagtatrabaho. Palapit na ako sa elevator. Napansin ko na pinagtitinginan nila ako. Hindi kaya pantay ang make up ko. Tumingin ako sa cellphone ko para manalamin sa screen. Pantay naman ang make up.
Hinayaan ko nalang na pagtinginan nila ako.
Masaya ako dahil hindi ako nalate sa oras na ito. Sakto lang ang dating ko.
Nakita kong sumasarado na ang elevator.
"Wait ! " Pasigaw ko. At tumakbo papasok sa elevator. Kamuntikan nang hindi ako makapasok sa elevator. Buti naka abot ako. Kung hindi maghihintay na naman ako ng matagal. . At pag nangyari yun sabon ang aabotin ko kay Kuya Dinise.
Nasa office pala kami.. Sir.Dinise pala.
Pagkapasok ko sa elevator
May tao pala doon sa elevator na lalaki.
Nakatingin sa akin. Nginitian ko nalang sya. Baka magkakilala kami noon.
"Hmmm bago ka lang ba dito?"
Tanong nya sa akin.Kung ganon ngayon lang kami nag kita..
Napatingin namn ako sa kanya.
"Oo ako yung bago secretary ni kuya Dinise. I mean si Sir Dinise pala. . Im Jessica Smith."
"Ahhh. .kung ganon Totoo pala na ikaw yung Ex Step sister nya. Im Kiven. Nice to meet you" pagpapakilala din nya saakin.
Gustong nyang makipagkamay. Kaya kinamayan kona. Sayang naman kung di ko sya kakamayan.. sa totoo lang medyo kinilig ako sa pag pansin nya saakin. Ang Cute nya.
" Nice to meet you too "
Napangiti din ako sa kanya.
Bumukas na ang elevator at sabay na kaming lumabas. Nagkahiwalay na kami dahil mag ka iba ang direksyon na pupuntahan namin.
Kumakaway lang ako sa kanya at ganon din sya.
Narinig kung tumunog ang cellphone ko sa bag ko hinanap ko ang cellphone sa bag ko kaya hindi ako nakatingin sa daan.
Hindi ko namalayan na may nabangga akong tao at sa pagkabigla ko. Ay napa atras ako at parang ma a-out balance ako kahit naka blocked heels ako.
Buti nalang mabilis yung nakabangga ko at sinalo ako. Tiningnan ko kung sino yung lalaki si Kuya Dinise lang pala.
"Bakit dika tumitingin sa dinadaanan mo?" Nagsimula na syang magsermon. Lagot ako.
" Sorry kasi may hinahanap ako sa bag ko" pag explain ko
"Okey kalang ba?" He looks worried at me.
"Okey lang ako."
Pero nang magsimula akong mag lakad ay sumakit paa ko actually natapilok talaga ako.
Kaya hindi ako makalakad ng maayos.
Lumingon ako kay kuya Dinise. Nakasimangot sa akin kaya napa simangot din ako."Tinanong kita kong okey kalang pero sabi mo okey ka naman. sigi maglakad ka ng maayos. " utos na sabi ni Kuya Dinise saakin.
Nainis ako hindi man lang ako tulongang mag lakad kaya nagpatuloy akong maglakad.
Yun na nga hindi tuwid ang paglalakad ko. Pa ika ika lang akong naglalakad. Hindi nagtagal ay bigla ko nalang naramdaman na binuhat ako ni kuya Dinise.
Nagulat talaga ako at napatingin sa kanya. Bigla tuloy namula pisngi ko.
Papunta na kami sa office nakita ko ang dami na nang nakatingin sa amin. Nahiya na tuloy ako at tinakpan ko nalang ang mukha ko. Dahil nahihiya na ako.
Kasi buhat buhat pa rin nya ako.Tumayo ang isang babai yun ung kaibigan ng kuya joshua ko.
"Sir? May maitutulong ba ako sayo?" Tanong nya kay Kuya ng makitang buhat buhat ako.
"Paki tawagan ang kapatid kung si Andrew. " Sabi naman ni Kuya.
"Yes Sir. . Tatawagan ko na po sya agad" agad na sabi ng kaibigan ni kuya Joshua.
" Oo paki sabi pumunta sya agad."
"Yes sir" umopo na ung babai at nag dial na.
"Sir Dinise. Pwede nyo na po akong ibaba. " Nahihiya kong sabi.
"No" sabi nya saakin.
Ipinasok na nya ako sa opisina nya.
Pinaupo sa white couch nya."I think dapat hindi kana nagsosout ng heels. " Sabi ni kuya Dinise.
" Nabangga kita kaya ako natapilok. Kaya wag mong sisihin ang heels ng sapatos ko."
"Sinasagot sagot mona ako." Mahina nyang binatukan ang ulo ko.
"Hintayin mo dito si Andrew. Para magamot nya ang paa mo. May meeting pa ako. " Sabi pa nya.
"Teka sandali! diba kailangan kung sumama?"
"Masakit ang paa mo kaya wag kanang mag abala na sumama sa akin next time nalang pag okey na yang paa mo".
Saka na sya umalis.Bigla tuloy akong kinilig sa pag aalala saakin ni Kuya Dinise.
To be continue.
Kaway kaway sa mga Team D/J. This is it. .

BINABASA MO ANG
My step brother and me
RomanceSynopsis Ako si Jessica Smith Nag iisang anak ng mama ko. My mom got married again. My step father have a 3 son. First Son, si Dinise Mayabang antipatiko masungit basta sya ang pinakaayaw ko sa kanila. Second Son, si Andrew Playboy maangas at gent...