❤️My Three StepBrother and Me💖
💋Chapter 50💋💖#Jessica POV
Nanginginig parin ang kamay ko habang hawak ko ang cellphone ni Casey.
Hinanap ako ng mga kaibigan ko at hinila sa loob ng party reunion kasi Kakanta na raw si Casey. May maliit na concert kasi doon si kuya request ng iba.
Nakatingin lang ako kay Kuya Casey na kumakanta sa entablado. May kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Sino ba talaga sa kanila ang mahal ko. Bakit nagkagusto ako sa kanila. Siguro nga tama lang na nawala ang alala ko.
Tama lang na mawala ang feelings ko kung sino man ung taong mahal ko.
Pero naguguluhan pa rin ako.
Hindi kona tinapos ang parting yun umalis na ako at hindi na ako nagpaalam kay kuya Casey.
Umowi na ako sa amin. Nahiga mo na ako at pinakalma ang isipan ko.
Paano kong maalala ko na kung sino ung taong mahal ko. anong gagawin ko.
Si Kuya Andrew ba?
Tatanggapin ko ba ang alok nyang ligawan ako?
Pero bakit may pumipigil naman sa puso ko na hindi si kuya Andrew ang tinitibok nito.
Si Casey ba?
ramdam ko na may kirot sa puso ko tuwing nakikita ko sya.
Si kuya Dinise ba na Sya ung bumobou sa araw ko ngayon?
sino ba sa kanila?
Gulong gulo na ang isip ko. Sinimulan konang basahin ang diary ko.
Nagsimula ang Diary ko noong first year College ako. Si Kuya Andrew lang ang laman non. Kung paano ako nasasaktan twing papalit palit sya ng Girlfriend . . . At kinikilig ako pag pinapasama ako ni Kuya Andrew pag nagsshopping sya pero ang kapalit nasasabunotan ako. Sa una kahit masabunotan ako okey lang dahil nakakasama ko si Kuya Andrew. Pero tumagal ng tumagal ay naiinis na ako pag pinapasama na ako ni kuya Andrew hindi na ako sumasama pag namamasyal sya.
Ang iba tungkol naman sa pang aasar sa akin ni Kuya Casey ,yun siguro kinaiinis nya kasi puro masasama ang isinusulat ko tungkol sa kanya. Ayaw nya siguro na mabasa ko ang tungkol sa kanya. Puro kainisan lang ang laman non.
Tungkol naman kay Kuya Dinise magaganda naman ang patungkol sa kanya. Mabait sya saakin. Instrikto minsan. . Minsan naman sweet basta magaganda ung mga nakasulat patungkol kay Kuya Dinise.
At hindi ko inaasahan na mababasa ko ang ganitong diary napanaginipan ko pala si Kuya Dinise na naghahalik*n kami. .Bigla akong namula ng binabasa ko iyon. Ito din siguro ang kina inisan ni kuya Casey.
Nabasa ko din ung nagpanggap kami ni Casey para pagsilosin ang ex nya. Nananalo kami sa isang pacontest doon at kumain sa sikat na restawran sa araw ng valintines.
Nabasa ko din ung hilahin ako ni Kuya Andrew sa pool habang nilalagnat ako tapos bigla akong nahospital at malungkot ako dahil hindi man lang ako dinalaw doon ni Kuya Dinise. Pero sinundo naman ako. Sundo lang yun. Iba ang pagdalaw.
At isa pang ikinagulat ko na parang nahuhulog na ang puso ko kay kuya Dinise. Pero hindi pa sigurado kasi kinikilig daw ako.
Kung ganon si Kuya Dinise ung mahal ko?
Napabuntong hininga nalng ako at napapikit. Hindi ko na alam sasabog ang utak ko sa kakaisip.
Tatlong araw akong absent sa opisina tinatawagan ako ni Kuya Dinise pero hindi ko yun sinasagot. Pumunta mona ako sa bahay ni Lola , ang nanay ng mama ko. Dito mona ako nag palipas ng tatlong araw .
Yung feeling na gusto ko na ulit makalimut.
Tama si kuya Casey sana hindi ko nalang inalam, Sana diko nalang pinilit na alamin ang katutuhanan. Para hindi na ulit ako malito ng ganito.
Tatlong araw parin akong nandito pero hindi parin ako nakapagdicide.
Si lola pinayuhan nya ako. . .kung ano man daw ang nararamdaman ko sa mga dati kung kuya. Iwasan ko na lang daw para makaiwas sa gulo. Walang dapat na piliin sa kanila.
Tama si Lola. Kailangan kong umiwas sa nararamdaman ko tulad ng dati. Dahil yun ang makakabuti.
At walang piliin sa kanilang tatlo.
To be continue. . .

BINABASA MO ANG
My step brother and me
RomanceSynopsis Ako si Jessica Smith Nag iisang anak ng mama ko. My mom got married again. My step father have a 3 son. First Son, si Dinise Mayabang antipatiko masungit basta sya ang pinakaayaw ko sa kanila. Second Son, si Andrew Playboy maangas at gent...