BG XXV

47 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Pinagdikit ko nang mariin ang mga palad ko hanggang sa makatulog. Naalimpungatan ako sa huni ng mga dahon at insekto sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Hala, nasaan ako?

Wala ako sa kwarto ni Ate Snow. Ang malala pa diyan ay tila wala ako sa akademiya dahil madaming kakahuyan sa paligid.

"Manahimik ka, baka may nagpapatrol."

"Pinuno, handa na ang lahat."

"Mabuti, maghanda na kayo sa nalalapit nating paglusob sa akademiya."

May biglang dumakip sa akin at mabilis kaming napalayo sa lugar na iyon. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin kaya walang kwenta kahit magpumiglas ako. Nakatakip ang palad nito sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Anong gagawin ko? Dinilaan ko ang palad nito na napaluwang ang pagkakatakip sa bibig ko saka kinagat ang daliri niya. Sana madapa ka.

Nadapa ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas. Isang malaking bloke ng lupa ang humarang sa akin. Nagmamadali kong binigkas ang hiling ko, sana makaalis na ako dito.

Natumba ako sa malamig na sahig. Ano iyon? Nangangatog ang tuhod ko sa mga nangyari. Bumangon ako mula sa pagkakadapa at sa dinadami ba naman ng pupwede kong puntahan ay sa harap pa ng pinto ng headmaster's office ako napunta.

"Come in." Uhm, no thanks.

Tatakbo na sana ako nang magbukas ang pinto at nakatitig sa akin ang headmaster. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko at napaluha naman ako sa takot. Bakit kasi ang bilis kong maiyak? Pinunasan ko ang luha at nahihiya akong sumunod sa headmaster's office.

"What happened?" Pagtatanong nito. Nakayuko ako habang nilalaro ang mga daliri. "Benevelle."

Hindi ako makapagsalita at lalo lang akong naiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Napahilot sa sentido ang headmaster na mukhang inaantok pa saka pinapasok ang sinumang kumatok.

Nakatingin sa akin ang lalaki na may dark brown na buhok. Halos magkasing edad sila ng headmaster.

"Greetings, headmaster," pagbati nito.

Napadako ang mga mata ko sa kamay niya na may bakas ng kagat. OMG. Ako ba ang may gawa nun? Naupo ang lalaki sa tapat na upuan at tumitig sa akin. Siya ata iyong nakagat ko.

"What is it, Pandone?" Patuloy akong pinagmamasdan nung Pandone na dumakip sa akin kanina.

"One of our students went outside the academy after curfew which is a clear violation of Rule number 14 in our student manual," madiing sabi nito habang nakatitig sa akin.

Bumaling sa akin ang headmaster kaya napayuko ako. Hay, may kasalanan nanaman ako.

"Greetings, headmaster. What's the urgent matter?" Pumasok sa opisina ang isang babae na sky blue ang buhok.

"Harper, take this kid under your wing." Nabaling sa akin ang pansin nung Harper na mukhang mas bata kumpara sa headmaster at sa dumakip sa akin kanina.

"Why? What happened?" Ramdam ko an bigat ng aura nilang tatlo kaya napasimangot ako. Mapipilitan nanaman akong magkwento.

"Benevelle," mapagbantang tono ng headmaster.

"Shhh, it's okay. You're safe here," pag-aalo sa akin ni Ms. Harper.

Kaya ayun, isinumbong ko iyong kanina liban sa paglusob sa akademiya. Hindi naman kasi ako sigurado doon.

"My gosh, Ric. Bakit mo naman kasi dinakip iyong bata."

"I was securing her in a safe place, Shamcey. Hindi ko siya dinakip, she was loitering around patrol grounds, lampas sa curfew."

"She's a recruit. That was an accident."

"Yes, and she could've died there."

"Stop," mariing sabi ng headmaster. Tumikhim ito bago nagsalita ulit. "Let's get done with this. Here's your ID, starting today, you're already a student of the academy. Please receive your punishment for your first offense tomorrow."

At napa-dentention pa nga. Malay ko bang bigla-bigla akong mateteleport sa kung saan. Kasalanan ko ba iyon?

"Come in, Snow." Wala namang kumatok sa pinto pero kilala na agad ng headmaster kung sino iyon.

"Greetings, headmaster," bati nito agad bago nanlaki ang mga mata nang makita ako. "Oh my gosh, sister!"

"We've been looking for you, kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Silver na nasa likuran ni Snow habang blangko ang mukha pero halata ang pag-aalala sa mga mata.

"Take her to your room for now, Snow. She'll be relocated to a new room tomorrow."

Malungkot ang mukha ni Snow at sabay kaming tatlo nila Silver na lumabas ng headmaster's office.

"Are you okay?" Tanong ni Silver. Bigla akong napayakap sa kaniya. Sobrang takot ko talaga kanina. Nang mahimasmasan ay humiwalay na ako sa yakap.

Ipinatong niya ang kamay sa ulo ko, "You'll be okay, Ben. Please take some rest. Pupuntahan kita bukas." Napatango na lang ako sa kaniya.

"Tsk, where the hell have you been?" Si Thunder. Hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko makita. Sabi ko na lang long story at hindi na siya nagtanong pa.

Nakarating kami sa kwarto nila Ate Snow.

"Sorry," hindi ko naiwasang sabi sa kaniya.

"You scared me, sister. But, your situation is quite common para sa mga elementians na may teleportation ability," napabuntong-hininga kami ng sabay. "Though it's not your fault, we have to fast track your training in power control. Imagine, nagteleport ka mula sa Kromelia papunta sa taas at may tatlo ka pang kasama, what a huge amount of mana."

Teleportation din ba iyon? Napakadami ko nang natutuklasan sa sarili ko na bago sa akin. Isa lang namang akong tao noon na may simpleng buhay.

I AM A BAD GENIE.

"Let's sleep na. Just look at your face, my gosh." Parang narinig ko sa kaniya ang sinasabi ni Thunder na ang pangit ko kahit hindi niya naman binanggit iyon.

Napatingin ako sa salamin at kita ko ang pamumugto ng mga mata.

"My dress," sabi ni Snow habang naka-pout.

"Sorry," may putik na kasi ito. Sa lupa kasi ako nateleport kanina.

"You change first before you sleep. I'm sleepy na," sabi nito hanggang dumiretso sa kama niya.

Nagpunta naman ako ng banyo saka naghugas ng sarili. Ipinikit ko ang mga mata habang tumatama sa akin ang tubig galing sa shower.

"Mommy, daddy."

Napasinghap ako nang maramdaman ang batok ko na napapaso. Ang seal. Napaupo ako sa sakit, napahawak ako sa parteng iyon.

"Holy freak. Sister, are you okay?"

Pinatay niya ang shower saka ako binalot ng tuwalya at pinaupo sa upuan.

"Oh no, your seal is breaking."

Iba-ibang imahe ang pumapasok sa isip ko. Parang pinagpapalo ang mga binti ko at mga braso. Napahawak ako sa dibdib habang hinahabol ng hininga at hindi ako mapirmi dahil para akong sinusunog ng buhay.

"It's okay, you can do this. You'll successfully break it. Breathe in, breathe out. That's right, deep breaths." Pag-aalalay sa akin ni Ate Snow.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Masakit.

"Thank you," sabi ko kay Ate Snow bago tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako nang makaramdam ng ginaw. Inilibot ko ang nga mata at napansing nandito ako sa clinic.

"You're awake."

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now