Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Inanyayahan ako ni Somi na manood ng duel nila ngayon ni Thunder na magaganap sa susunod na isang oras.
"See you around, miss!" Sigaw nito bago kumaway at patakbong umalis.
Kumaway na lang din naman ako pabalik sa kaniya.
"What do you think you're doing?"
Napatingin ako sa likod at nakitang nakasandal sa pintuan si Thunder habang nakahalukipkip.
"Ano nanamang nagawa ko?"
"Tsk, just leave," sabi nito saka malakas na isinarado ang pinto.
"Tsk, just leave," panggagaya ko sa sabi niya.
Makautos. Akala mo naman gusto ko pang manatili doon. Teka, saan ko ba pwedeng mapanood iyong duel nila Somi at Silver? Itutuloy ba iyon sa kabila ng mga nangyari kanina? Bumaba ako ng hagdan habang balak dumiretso na muna sa silid-aklatan.
Sana hindi na siya magising.
Napahawak ako sa dibdib dahil ito nanaman ang lakas ng tibok ng puso ko, nakaramdam ako ng kiliti sa tainga, para bang natutuwa ang kalooban ko dahil may humiling ulit nang masama. Hindi ako ito. Hindi ito tama.
Kinabahan ako nang makita ang mga palad na naglabas ng usok. Akala ko ba wala kaming kapangyarihan? Dali-dali akong umalis doon pero awtomatikong nag-activate ang special ability ko.
Sana hindi na magising si Fiona.
Napantig ang mga tainga ko at inis kong hiniling na makita ang kung sino mang humiling na huwag na siyang magising.
"My gosh!" Napitlag ang babae na may bughaw na buhok nang makita akong biglang lumitaw sa harap niya. "Who the hell are you?"
Matalim ko siyang tinignan.
Itinulak niya ang balikat ko. Humakbang siya palayo at sumunod sa kaniya ang isa pang kasama niya.
"Bawiin mo ang hiniling mo," galit na sabi ko sa kaniya.
"Tumabi ka nga. Weirdo."
"Be careful what you wish for, you might just get it," madiin kong sabi sa kaniya.
Natigilan ito saka ako tinapunan ng nakapandidiring tingin.
"Whatever, weirdo," ingit nung babae bago tuluyang umalis.
Nanggigigil ako. Gusto ko siyang sabunutan, saktan. Naluluha kong tinignan ang mga palad na may usok. Please. Kinuyom ko ang kamao. Napaupo ako sa mismong kinatatayuan at niyakap ko ang dalawang tuhod saka dumukmo. Natatakot ako.
"Tsk. Mukha kang tanga," sabi ng isang pamilyar na boses.
Napatingala ako at sino pa bang ibang sasabihan ako ng ganoon kundi si Tanda. Gusot nanaman ang mukha ni Thunder habang nakatingin sa akin. Hinigit ako nito para maitayo. Hawak niya sa kabilang braso si baby Celine habang pinahid ang luha ko sa mukha. Anong trip niya?
"Ang pangit mo," kunot-noo siyang nakatingin sa akin at hindi ko napigilang umirap. "Come with me."
Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko namang binawi.
"Tsk, nagugutom na ako."
"Eh 'di kumain ka."
"Samahan mo ako."
"Ayoko," sabi ko bago humakbang palayo.
"Wala kang karapatang tumanggi. Halika na," hinila niya akong muli sa braso pero binawi ko agad. "Tsk, fine. Do what you want," saka siya padabog na humakbang palayo.
BINABASA MO ANG
Bad Genie [Book 1 Completed]
FantasiBe careful what you wish for, you might just get it. At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa b...
![Bad Genie [Book 1 Completed]](https://img.wattpad.com/cover/132001838-64-k986576.jpg)