BG XXVIII

134 6 0
                                        

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Ang hina-hina mo."

Paulit-ulit ito sa utak ko na parang sirang plaka. Napatakip ako ng mga tainga habang nakatagilid. Ramdam ko ang pagpupuyos sa galit ni Thunder habang pinapagalitan ako gamit ang ability niya. Nanggagalaiti ito. Pero ganun din naman ako, anong karapatan niya?

Ako iyong nandoon.

Si Silver nga ang dumating sa saklolo at hindi siya pero siya pa itong galit na galit.

"Eh 'di ipanaalam mo sana!"

Ha, nakalimutan kong nakikipag-telepathy pala siya. Naubos ang pasensiya ko kaya buong tapang ko siyang hinarap.

"Magagawa ko pa ba iyon kung tinangay na iyong sanggol palayo ha?" Sa wakas, nasabi ko sa kaniya kahit basag ang boses.

Napakagat ako sa labi upang pigilan ang mga luha ko. Ang sakit niyang magsalita.

"Alam mo, sana, sana bumalik na sa iyo iyong kapangyarihan mo para makaalis ka na ng academy at hindi na kita makita sa susunod na academic year," sumbat ko sa kaniya habang tinitignan siya diretso sa mata.

Malakas na kumulog sa labas bago bumaba ang mga kidlat at malakas na ulan. Itinalukbong ko muli ang kumot at humiga sa kabilang direksyon para hindi siya makita. Totoo naman ang mga sinabi niya. Pero nasasaktan ako. Naalala ko ang pagkamatay ng kaibigan ko, ng pamilya kong umampon sa akin, at ng totoo kong mga magulang. Lahat ng alaala ko sa mga iyon ay bumalik.

Tulad ng dati ay wala akong nagawa. Hindi ko sila naprotektahan, hindi ko nailigtas. Kung tutuusin ay ako pa ang nagpahamak sa kanila. Kasalanan ko kung bakit sila namatay. Nag-umpisang tumunog ang mga hikbi ko at nahihirapan na akong huminga. Ayaw kong may mawala ulit sa akin. Natatakot ako.

"Pwede ba, tumigil ka na kaiiyak?" inis na sabi niya saka hinila ang kumot ko.

Malamig ang dampi ng palad ni Thunder sa baba ko at saka niya inangat ang ulo ko para magtagpo ang tingin naming dalawa. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin nang hindi pinuputol ang titig niya. Hindi ako makagalaw.

Nalulunod ako sa mga mata niyang kulay ginto. Ganun din ang kulay ng buhok niya, blonde na para bang kumikinang. Ang pangit niya. Gwapo nga, pangit naman ang ugali.

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa mga labi ko at nanigas ang katawan ko doon. Kusa akong napapikit. Halu-halo ang sensasyong nararamdaman ko. Lalong nag-init ang pakiramdam ko nang mag-umpisa siyang gumalaw.

Paulit-ulit ang malambot na pagsiil niya sa labi ko. Kusang sumusunod ang katawan ko sa mga ginagawa niya. Ang bigat ng loob ko kanina ay wala na. Lumutang na ang lahat. Ang gaan ng pakiramdam ko.

Nabalik na lang ako sa huwisyo nung tumigil siya sa paghalik. Sa gulat ko sa muling pagtama ng aming paningin ay naitulak ko siya palayo.

"You liked it?" Tanong niya habang nakangisi.

"Letse ka."

Gusto ko siyang sapakin.

"Don't you dare cry in front of me again unless you want me to kiss you."

"Eh sino bang nagpaiyak sa akin ha? Hindi ba't ikaw?"

"Totoo naman ang mga sinabi ko. Mahina ka."

"Oo na. Mahina na ako at alam ko iyon. Huwag mo nang ipamukha pa sa akin."

"Buti alam mo. But I am not telling you that you're weak, for you to stay weak. You should not waste your time. Dalian mong magsanay lalo na't mayroon kang dapat protektahan."

Bad Genie [Book 1 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon