Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Nakalutang kami sa ere at doon ko nakita ang waterways na hinukay o ginawa ng mga earth elementians diretso hanggang sa garden. Nakagawa sila ng isang buong lawa. Isang malaking crystal ice display naman ang naitayo ni Snow. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga katawan nila Fiona at Blue, parehong sugatan at walang malay.
Naguguluhan ako. Sa layo ng pagitan ni Blue kay Fiona kaninang naglalaban sila ay paanong naging ganoon ang posisyon nila? Nakapatong si Fiona kay Blue at nakapulupot ang braso ni Blue kay Fiona. May kirot sa dibdib ko para sa kanilang dalawa.
"Thunder, Benevelle, COME DOWN." Malakas at mabigat na pagkakasabi ng Headmaster.
Dahan-dahan kaming bumaba ni Thunder mula sa ere. Wala na sa dining hall sila Blue, Fiona, Silver, at Snow. Magkakasunod silang dinala sa clinic.
"Come with me."
Dinala kami ng headmaster sa tapat ng clinic.
"Dad," sabi ni Thunder na nasa tabi ko. Nagtama ang paningin namin nung dad niya at hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata nito. "D-don't stare at her, it's nothing," itinago ako ni Thunder sa likod niya.
"We'll take Snow from here, Elvo." Literal na nagyeyelo si Snow. "It's the aftermath of overusing her power," baling sa akin ng dad ni Thunder. Umiba ng direksyon ang tingin niya at sinundan ko iyon. Nakay Thunder.
Pinagmasdan kong magtitigan ang mag-ama, tila nag-uusap sa hangin. Kunot-noo akong tiningnan ni Thunder saka ito umismid. Problema niya?
"A-ang anak ko?"
"Rien," sabay na sambit ng headmaster at dad ni Thunder sa ginang na bagong dating.
Tumikhim ang headmaster bago nagsalita, "It took almost one whole academy to stop your son." Binuksan ng headmaster ang special room.
Pumasok doon ang headmaster at saka sumunod si Ms. Rien at iyong dad ni Thunder.
Papasok din ako nang hilain ni Thunder ang braso ko at pinandilatan ng mata.
"Sabi ng headmaster, 'come with me,' kaya halika na," mahinang sabi ko sa kaniya. Napahugot ito ng hininga saka sumunod.
"Oh my gosh, Prince Blue." Oh no, iyon ba talaga ang pangalan niya? Nakatakip ang mga palad ng ginang sa bibig bago bumaling ng tingin sa kabilang kama. "What happened to your daughter?"
"Long story." Bumaling ang tingin ng headmaster sa akin kaya napatingin din ang iba sa akin.
Nahiya ako bigla kaya napatago ako sa likod ni Thunder habang hawak si baby na paiyak na. Please don't cry. At umiyak ito nang malakas, lamunin na ako ng lupa. Ang bilis ng pintig na puso ko.
Hinigit ni Thunder ang braso ko at hinayaan ko na lang siya na dalhin ako sa kung saan. Umakyat kami sa dorm room. Dire-diretso siya ng lakad kaya napahigpit ang hawak ko sa baby hanggang sa ipasok niya kami sa loob ng kwarto niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"What do you think you're doing?" Inis na sabi ni Thunder. Kinuha niya sa kin ang bata at maingat na kinarga.
"Ano nanaman ba ang ginawa ko?"
"Earlier, ugh," Hinehele niya ang bata na humihina naman ang pag-iyak. "You gave her a name."
"Anong name?" Wala naman akong maalala.
"You called her Sel something."
"Celine?" mahinang napatawa ang sanggol kaya napatingin si Thunder sa bata.

YOU ARE READING
Bad Genie [Under Revision]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...