1

6 0 0
                                    

Binibini, nawa'y muli mong makita
Ang mahika ng tula
Makasulat at muling sumaya
Mabuong muli ang kwentong tutugma
Sa emosyon at salita,
Sa puso ng makata.

Sa ngayo'y pumikit at huminga
Hindi nakukuha sa sapilitan ang nagkukusa
Ipahinga't punasan ang luha
Tandaan, tutugma ang bawat salita
Kapag sigurado na
Makikita ang hiwaga kapag puso na ang handa.

Book of IncompletesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon