Lumuha ang Ulap

6 0 0
                                    

Lumuha ang ulap para sa akin

Pagkat nakita niyang sa pagpikit ay may diin

Ang labi ay tikom at hirap pangitiin

Lumuha ang ulap para sa akin

Nagsusumigaw ang kalangitan upang pahupain

Ang unos na di nakikita ng iba,

Ngunit napakarami na ang nasalanta

Lumuluha ang ulap para sa akin

Pilit nitong hinuhugasan ang damdamin

Sa pagpiga ng basang unan,

Siya ring pagpiga ng ulap para pagaanin ang aking kalooban

Pilit na sinasalba ako sa pagkalunod

Paglubog sa lalim ng emosyon na di kayang languyin,

Pagkamatay sa sariling isapan na unti-unti nang nawawala sa akin

At kung muli mang luluha ang ulap dahil sa akin,

'Wag sanang masamain

Pagkat nililigtas lang niya ako,

Sa mga bagay na di na kayang sabihin.

Book of IncompletesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon