2

7 0 0
                                    

Patuloy ka sa paglayo
Habang patuloy ako sa paghinto
Nasaksihan ko sa pagitan ng ating tagpuan,
Unti-unting nawala ang dating daloy ng ilog kasiyahan
Kasabay nito ay ang pagkabulok ng ala-alang araw-araw nating inalagaan
Nalagas na rin ang lilim ng punong pag-ibig
Na siyang pahingahan habang nasa pagitan ng bisig

Nawala ang dati'y sigurado sa pananatili
Sa pagtalikod ay walang bakas ng pagsisisi
Nilisan ang tagpuan na buo ang puso
Naiwan akong walang kahati sa espasyong pang dalawahang tao
Naiwan akong naghihintay sa'yo
Para muling paandarin ang ikot ng mundo ko
Muling buhayin ang mundong tayo lang ang bumuo.

Book of IncompletesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon