Chapter 2: The Confrontation

18 1 0
                                    

Randel's POV

I am busy sun bathing beside the pool with my front body down on the bench. Wearing my favorite anti radiation sunglasses, my new hanes boxer shorts on and applied Lotion with SPA 30++. After sometime, I dozed off. And after a couple of minutes someone tap my shoulder.

"Baby, baby! Wake up. The sun is too much now, sunog na ang balat mo. Natutong na!",

I open one of my eyes, and I can see a dim image of the only woman who intimidates me.

"OA naman tong si mama!", palatak ko sabay bangon sa kinahihigaan kong recliner.
At napansin Kong napakainit na pala. At tila naprito ang buong likod ko. Napangiwi ako sa hapdi. At di yon nakaalpas sa mapanuring paningin ni mama.

"I told you so!", sabad nya sabay tayo at alis.

"Lunch is served darling", aniya na walang lingon lingon.

Sumunod naman ako sa kanya. Nakahain na nga ang tanghalian sa kabilang banda mula sa recliner na hinigaan ko kanina. Napakaraming pagkain! Parang fiesta. Ganito talaga kami kapag may time. Nagsitakbuhan ang mga bata at pumwesto sa kawayang upuan. Nakapandong sa amin ang kogon na kubo at ang sarap sarap ng hangin. Nandito ang mga kapatid kong may asawa na. Si kuya Ryan at ate Ranel. Si Ate Ryza ay nasa ibang bansa dahil nakapag asawa ito ng Australiano.

Umupo ako sa tabi ng pinakabata kong pamangkin na si Mac.

"Tito Landy!", tili ni Mac sabay lambitin sa aking leeg at agad na humalik sa aking pisngi.

Napaismid ako sa kanyang pagtawag sa palayaw ko. Kahit ba tatlong taon na ang batang ito ay utal pa rin at di ma-pronounce ang letrang "R". Nikayap ko sya at kinandong.

"Namiss mo ba ako?", nakangiti kong tanong sa kanya. Nilingon nya ako at ngumiti.

"Sobla sobla!", buong kasiyahan niyang tugon.

Tumawa ako sa pagkakasabi nya ng salita. I find it cute and adorable. Pinisil pisil ko ang kanyang pisngi at saka sya dinampian ng halik sa noo.

Pagtingala ko'y nakatitig pala sa akin sina Mama, kuya at ate.

"Love what you saw?", tanong ko sa kanila.

Agad naman silang umalis sa pagkakatayo at umupo sa gusto nilang pwesto. Sumunod naman na dumating ang asawa nina ate at kuya. Si ate Shiela na asawa ni kuya Ryan at si kuya Sherwin na asawa ni ate Ranel. Umupo sila sa tabi ng kani kanilang anak. Si kuya Ryan ay may tatlong anak. Si Helena 12, Drake 10 at si Gabby 6. Si Mac ay ang 3 taon na anak ni ate ranel.

Nagpasalamat kami sa Diyos sa mga biyayang nakahain.

"Anak, bakla ka ba?", nagtatakang tanong ni mama.

Nabilaukan tuloy ako sa tanong ni mama. Lahat ay tumigil sa pagkain maliban lang kay Mac na walang pakialam sa mundo. Lahat sila napatingin sa akin pati ang mga bata na para bang naghihintay ng sagot. Agad kong inabot ang baso ng fresh fruit juice at uminom.
Nangunot ang aking noo na binalingan si mama.

"Ano bang klaseng tanong yan ma?", galit kong tanong.

"Eh, ilang taon ka na anak, pero kahit isang babae ay wala ka pang napakilala sa amin. Yong nobya mo baga. Eh, ayaw mo ba magkapamilya?" , malumanay na tanong ni mama.

" Ma, kapag walang ipinakilalang nobya, bakla agad? Pwede bang gusto ko lang mag-asawa ng late?", paasik kong sabat kay mama.

"Eh, marami ka kasing barkada na kadugo ni Vice ganda kaya di ko maiiwasang mag-isip ng ganoon anak",

"Ma naman. Kailangan sa trabaho ko ang pagiging approachable. Di ko po sila barkada. Ano ba? Kung close kami, I have to! I needed it to have smooth relationship with schools administrators since ang karamihan sa kanila ay may dugong berde!", mahaba kong paliwanag.
Saka lang sila ulit kumain nang matapos kaming magtalo ni mama.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon