Ikalimang Yugto

5 1 0
                                    

Sam

Hindi ako halos nakatulog kagabi kakaisip dun sa babaeng yun. Yung jacket ko, kabibili ko lang nun eh. Binili ko 'yon kay Jasmine dahil meron itong online shop. Ang totoo niyan ay pinilit niya akong bumili at dahil mabuti akong kaibigan ay bumili na ako kahit na di naman ako kpop fan.

"Sam, bangon na. Anong oras na baka malate ka." Katok ni Papa sa pintuan ko.

Wala na akong nagawa kundi ang bumangon at nagtungo sa restroon dito sa kwarto ko. Hindi naman kami ganun kayaman, pero hindi rin mahirap. May sarili kaming grocery store at car shop. Ang kuya ko at si Daddy ang namamahala sa Talyer namin habang si Mommy and Ate naman ang sa grocery. Bunso ako sa magkakapatid kaya naman hinahayaan nila akong gawin ang gusto ko. As long as hindi ako umaasa sakanila.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para makapag-almusal. Maaga silang lahat umaalis kaya ako na lang ang mag-isang kumakain sa umaga.

Nanood na muna ako ng balita habang kumakain at dahil maaga pa ay ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Kung minsan kasi ay pag-uwi na nila sa tanghali sila nakakapag-hugas dahil maaga nila binubuksan ang talyer at grocery.

Inayos ko lamang ang mahaba kong buhok at ini-lock na ang pintuan ng bahay. Naglalakad na ako papunta sa may sakayan nang makita ko iyong babae kahapon sakay ng isang sasakyan.

Napangiti ako dahil nakita ko itong nakangiti rin. Kahapon ay lubos ko itong napagmasdan habang mahimbing itong natutulog. Hindi ko ikakaila na ito'y maganda at mukhang mabait. Yun nga lang ay may pagka-matarantahin ito na animo'y palaging limitado ang oras para sakanya.

Sumakay na ako ng van at agad rin nakarating sa building namin dito sa may Magallanes. Flexible naman ang oras ko sa tuwing may training ako. Gaya ngayon may presentation ako sa mga newly hired ng 10am at kadalasan walang eksaktong oras kung anong oras ako matatapos.

Dumiretso ako sa traning room dahil dala ko naman lahat ng kakailanganin ko para sa training.
Magbibigay din ako ng exam para naman ma-evaluate ko sila kung naiintindihan ba nila ang discussions namin.

4 to 5 days din ang training kung kaya't halos wala ako sa table ko kapag ganitong busy ako. Ito rin kasi yung time para makilala ko yung mga bagong empleyado. Dahil once ma-deploy sila sa resto ay under na sila ng mga managers na humahawak sa store na naka-assign sakanila.

Mayroon akong 2 newly hired kapalitan ito ni Cindy at Austin na kapwa nag-resign dahil nakahanap sila ng bagong trabaho sa ibang bansa. Pareho silang matagal na sa company, ngunit sa hirap ng buhay sa pinas ay may iilan ang di maiwasan ang makipagsapalaran pa rin sa ibang bansa para makaahon sa kahirapan.

"Good morning guys," bati ko sakanila. Ibinigay ko ang booklet na naglalaman ng topic namin ngayon. After kasi ng discussion ay may quiz akong inihanda.

Since day 1 palang naman namin sa training ay agad halos about history ng company ang topic namin. Kung sino ang founder at mga nabibilang sa corporation. Maging ang mission and vision ay tinackle din namin.

Alas dose impunto nang ideklara ko na pupwede na kaming mananghalian at dahil libre naman ang pagkain ay sumabay na ako sakanila para kumain. Nagkwentuhan kami at napag-alaman kong mag-jowa pala si Ivee at Shiela. Nagulat pa sila na kapwa makita nila ang isa't isa sa training room. Hindi daw kasi nila alam na pareho silang nag-apply dahil pareho nilang gusto isurpresa ang isa't-isa na may trabaho na sila.

Masaya silang kakwentuhan, bakas din sa kanilang dalawa na inlove na inlove sila. Almost 4 years na rin ang kanilang relasyon at parehong suportado ng kani-kanilang pamilya ang relasyon na meron sila. Humahanga ako sakanila dahil alam naman natin na sa mundong ito. Hindi lahat ng magulang ay kayang tanggapin ang kanilang mga anak kung ito ay myembro ng LGBT.

Hanggang sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon