Ika-anim na Yugto

9 1 0
                                    

Arielle

Grabe! Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong nag-aapply. After ko sa initial interview and exam ay diretso na kaagad sa final interview.

Hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa final interview. Lima kaming aplikante para sa HR position, ngunit ngayon ay ako na lang ang natira.

Dahil na rin sa Mayor si Daddy, kung kaya halos iba't-ibang uri na rin nang tao ang nakasalamuha ko. Lalo na sa dami ng okasyon na kailangan daluhan ni Daddy. Maliban rin sa financial advisor ako sa opisina niya ay alam ko rin ang tungkulin ng iba pang posisyon. Dahil home school at palaging nasa bahay lang, ako minsan ang tumutulong sa mga pinagkakatiwalaan ni Daddy sa trabaho niya dahil sa opisina sa bahay naman nila ito ginagawa.

"Miss Alvarez, let's proceed for your final interview with Ms. Kelly," tawag sa akin ni Ma'am Jasmine. Siya ang nag-assist sa akin ngayon.

Agad akong sumunod sa kanya sa loob. Maganda si Ma'am Kelly at halata ang pagkastrict nito. Kinakabahan man ay todo ngiti pa rin ako.

"Please take a sit." Umupo ako sa may silya na nasa may bandang kaliwa. Habang si Ma'am Jasmine naman ay nasa kanan. Nagkatinginan kaming dalawa nang bigla itong umismid at umiwas ng tingin. Tss! Suplada pa ata 'to.

" For your final interview, I need you to answer this one question." Napalingon ako at agad umayos sa pagkakaupo. One question? Hala! Di naman siguro pang Miss Universe ang itatanong nya sakin noh?.

"What is your opinion in gender equality?" Napakurap-kurap ako ng mata. Ano daw?..Gender equality?

"In my opinion, it is when people of all genders have equal rights, responsibilities and opportunities. It is also prevents violence against women and girls. You will not base your capability, ability and respect based on genders, because everyone deserves to be treated equally. No status can define who you are as person as you show the real you," sabi ko. Hindi ko alam kung may sense ba yung sinabi ko. Basta yun na yun.

Lalo akong kinabahan na nakatitig lang sila sa akin. Feeling ko tuloy may mali akong nasabi. Mukhang di pa ako matatanggap dito ha.

Nalulungkot tuloy ako kasi mukhang di nila nagustuhan ang sagot ko. Sorry mga besh first time eh.

"You're hired," para akong nabinggi nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am.

"Miss Alvarez? Miss Alvarez?," tawag ni Miss Jasmine sa akin.

Napalingon ako sakanya at biglang napatayo. "A..ano pong sabi mo Ma'am?" Lumingon ako kay Ma'am Kelly. Omg! Nafifeel ko na ang pagtutubig nang mga mata ko. Ngumiti ito sa akin "I said, you're hired. Tanggap ka na Miss Alvarez," Kyaaah! Tanggap na ako! Ahhhh! I'm so happy!

"Ehem! Ehem!" Napalingon ako sakanila. Halatang natatawa ang mga ito. Nakakahiya! Umayos ka Arielle!. Inayos ko ang damit ko at bumalik sa pagkakaupo.

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit, parang nananaginip lang ako na ewan.

"Si Jasmine na ang bahala sayo Miss Alvarez, she will discuss with you all the details and kung kailan ka magsisimula. Congratulations, Miss Alvarez." Inilahad niya ang kanyang kamay at malugod ko naman iyong tinanggap. "Thank you, Ma'am Kelly. Thank you po." Nagpaalam na kami sakanya ni Miss Jasmine.

Sinabihan ako ni Jasmine na mag-lunch muna at dahil nasa ibaba si Kuya Mar ay pupuntahan ko ito at sasabayan na kumain. Gusto ko na rin maibalita kay Kuya na natanggap ako.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ulit ako. Pinuntahan ko ang HR department at hinanap si Miss Jasmine. Dito daw kasi kami magpipirmahan ng Job contract at ididiscuss ang mga benefits sa company. Base na rin sa explanation niya ay ang store na hahawakan ko ay sa Makati, maswerte daw ako kasi sa bagong store ako mapupunta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon