Ikatlong Yugto

7 1 0
                                    

Sam

Monday na pala ngayon, panibagong linggo na naman ang dadaan hanggang sa di ko namamalayan na tapos na ang buong linggo at buwan.

Ganito ang routine ko. Papasok sa trabaho at uuwi. Bihira lang ako gumimik at sumama sa mga katrabaho ko. Maaring boring ang lifestyle na meron ako pero wala eh, hindi ko magawang mag-saya.

"Sam, meeting daw later around 10am sabi ni Boss A," sabi ni Kevin. Isa sa mga human resource staff. Every first monday kasi nagkakaroon kami ng general meeting. Mostly, about sa recruitment, new position needed and training for newly hired staff.

Almost 3 years na rin ako dito sa JCK Food and Beverages Enterprises as Human Resource employee. Dito kami sa may Magallanes, bukod sa maganda ang pasahod ay maalaga rin ang kumpanya sa mga empleyado. Kaya karamihan sa amin dito ay matatagal na. Lahat din kasi ng branches namin ay sikat at matataas ang sales.

"Tara na, naghihintay na si Boss A," narinig kong sabi ni Jasmine. Siya ang humahawak sa Applicants Profile/Schedule of Interview. Ako naman sa Training/newly hired, habang si Kevin sa Initial Interview/Exam. Si Mam Kelly sa Final Interview. Si Boss A sa overall assessment. While yung iba ay sa payroll, laws like dole, benefits- sss etc.

Agad na kaming pumunta sa conference room. Under human resource meron kaming 15 staff, kasama na si Mam Kelly na aming supervisor. While si Boss A ang aming General Human Resource manager namin.

"Good morning everyone." Pagbati ni Boss A sa amin pagkapasok niya sa conference room. Napatulala na naman ako sakanya. Maganda at slim kasi si Boss A kahit may edad na. Hindi halata sa itsura nya yung edad nya.

"Let's start the meeting, according to our President, we need more staff in Human Resource Department because our company is now planning to have another branch in Makati. There is also a possibility na may ibang personnel tayo sa ibang branch na galing sa iba nating branch. Hindi man kalakihan ang branch natin pero magandang opportunity din iyon since iilan sa ibang staff natin ay magiging pioneer sa branch na iyon. We need to hire, 2 managers, 4 bartenders, 4 chefs, 4 assistant cook, 4 dishwasher, 2 cashiers, 8 waiter/waitress and 1 Human resource staff. I know na alam na ninyo ang gagawin. Start posting to different website so we can immediately process the training. That's it for today. We will have another meeting for updates next week," sabi ni Boss A at agad ding lumabas ng conference room.

"Sana maraming mag-apply para tapos agad tayo," sabi ni Jasmine.

"Guys, always double check yung background ng applicants ha. Ayoko ng maulit yung maarteng aplikante natin. Wag niyo kong ibi-beast mode," sabi ni Mam Kelly. Napatawa na lang kami sa sinabi ni Mam.

3 months ago kasi may tatlong aplikante na under training na, theb biglang di na nagpakita. Yun pala ayaw nilang mag-store visit. Gusto nila na office works lang. Dito kasi sa company, bawat branch ay hinahandle ng mga managers, office staff and HR. Ang manager ang nag-sstore visit sa mga resto once in a while, yung HR staff naman ang bahala sa mga request, salary, benefits ng mga employees while yung office staff ang bahala sa encoding, documentation etc.

"Ayos 'to! May nag-email if may available position daw tayo," narinig kong sabi ni Jasmine.

"Ano inaapplyan? Check mo na dali baka pwede yan sa HR post," sabi ni Kevin.

"Ay pasok 'to bes! Chix!" sabi pa ni Jasmine.

Hindi na ako nag-abalang makisali sakanila dahil sa ginagawa kong presentation. Meron kasi akong for refresher training for old staff sa Ortigas branch.

As of now kasi meron na kaming 4 braches. Pasay, Ortigas, Cubao and Ermita branch.

Habang tinatapos ko ang refresher course na ginagawa ko bigla kong naalala yung babaeng nakilala ko kahapon. Napangiti ako nang maalala ko yung pagkakabangga sa akin kahapon. Di ko alam kung sisihin ko ba siya o sisisihin ko ang sarili ko dahil nabangga niya ako. Naalala ko rin ang sugat niya. Tsk!

Hanggang sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon