Chapter 2: The boy in the rain

39 1 0
                                    

 A dream

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 A dream

Sa gilid ng isang ilog may batang lalaki kasama ang kanyang ama na nagpipinta ng magandang tanawin. Ipipinipinta ng ama ng bata ang ganda ng kalikasan na nasa harapan niya mismo.

"Papa ba't dito ka sa labas palaging nagpipinta?  nagtatakang tanong ng bata. "

Mas maganda sa labas anak, nalalanghap mo ang preskong hangin at naamoy mo ang halimuyak ng mga bulaklak" sagot ng kanyang ama 

" Mas maganda naman sa loob Papa ah!! tsaka walang maingay sa loob 'di tulad dito sa labas ang ingay ng mga hayop, lalo na ang mga kuliglig" sambit ng  bata.

"Tahimik nga sa loob peru walang inspirasyon na makikita, pag sa labas ka makikita mo ang kagandahan ng mga bagay-bagay anak" pagpaliwanag ng ama.

"Nakikita mo kung paano kusang umaagos ang mga tubig sa ilog, paano namumukadkad ang mga bulaklak sa umaga, paano isinasayaw ng hangin ang mga puno at paano sumisilip si haring araw  pagkatapos ng bukang-liwayway. Ang gandang pagmasdan ng mga bagay na natural at tunay" dagdag ng kanyang ama

Ano ba yan 'pa napakapoetic naman ng nga salita mo" pang-aasar ng bata.

"Ganyan naman ang pagpipinta anak parang tula lang yan na dapat ay mabulaklak at malikhain. Minsan naman nakatago ang kahulugan pero minsan din lahad, ganyan ka ganda ang arts anak sadyang nakakapukaw ng damdamin at isipan" pagpaliwang ng kanyang ama.

Ngumiti ang bata sabay lahad ng kamay niya para hingin ang brush na ginagamit ng papa niya.
" Papa gusto ko po maging katulad mo, gusto ko po maging pintor paglaki ko" sabi ng bata tsaka akmang ipapahid ang brush sa blankong canvas na ginagawa pa lang ng kanyang ama.

"Okay anak mangyayari din yan sa tamang panahon at kung mangyayari man yan nais kung ipinta mo ang kwento ng buhay mo para pag tumanda kana mababalikan mo ang mga maliliit na bagay na nangyari sa buhay mo. Diba ang ganda no'n?
Maalala mo ang lahat ng napagdaanan mo, maalala mo na minsan sumaya ka minsan naman naging malungkot ka at yun ang nagpapatunay na sinubukan mong mabuhay" sambit ng ama ng bata

"Opo papa" magiliw na sagot ng bata.


January 20, 2021 (The night before the event)

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong tulog dahil sa lakas ng kulog na tila sisira na ata sa eardrums ko. Alas nuwebe pa lang ng gabi ngayon, natulog ako ng mga alas otso kanina kasi maaga akong aalis bukas at dahil sa lakas ng kulog dulot ng malakas na pag-ulan nagising ako ng wala sa oras. 

Naalala ko ang panaginip ko, ang linaw ng dialogue nila nakakamangha naalala ko pa lahat ng usapan ng bata at ng papa niya. Ang hindi lang malinaw ay yung mga mukha nila, hindi ko masyadong nakita kasi medyo blurred, ewan ko. Ang galing lang ng memory ko nakakaproud naman tsaka about pa sa pagpipinta yung napanaginipan ko sign na siguro to na kailangan kong galingan bukas sa contest. O baka naman sa kakaisip ko lang to sa contest kaya kung anu-ano na lang napapanaginipan ko. Sa totoo lang kasi kinakabahan talaga ako, ang dami kasing magagaling tsaka paano kung mawalan ako ng ideya sa gagawin ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're a piece of artTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon