Chapter 1: An introverted dreamer

71 2 1
                                    

Year 1999

The cold breeze of the wind touches my skin as I watch the stars in the night sky. Here I am at the usual spot me and my mom used to hang out if our problems bother our nights. Palagi kami nandito ni mama sa mga gabing di kami makatulog at tila naiipon lang ang mga salita sa aming isipan.

Nasa bubong ako ng kotse ko habang nakahiga at tinitingnan ang mga bituin, tulad ng lagi kung ginagawa kapag galit ako sa mundo, ibinubulong at isinisigaw ko lahat ng sama ng loob ko sa mga bituin. Sa tingin ko naiinis na lahat ng bituin sa langit kasi sa kanila ko sinasabi yung mga problema ko sa buhay. Hindi kagaya ng dati ako lang ang nandito ngayon simula ng kinuha na ng mga bituin si mama, siguro kabayaran yun sa mga problemang idinadaing ko sa kanila. Ang daya nga eh bakit di man lang nila sinabi edi sana sinarili ko na lang mga problema ko at hindi ko na lang sila inabala.

Last year habang papauwi si mama galing sa trabaho nabangga yung sinsakyan niyang kotse ng isang tenwheeler truck. Kakauwi ko lang no'n galing sa school ng marinig ko ang balita. Pumunta ako agad sa hospital peru di ko na naabutang buhay si mama. Ang daya ba't ganun, ba't di siya nagpaalam para alam ko naman, para nakapagready man lang ako. Hindi yung ganitong biglaan, ang sakit lang kasi eh.  Ang sakit ng mga biglaang paglisan, parang 'di ako makahinga. Ang sakit sa dibdib. Di ko maatim yung sakit na iniwan ng pagkawala ni mama kaya simula nung araw na yon ayoko ko nang iattach yung sarili ko sa ibang tao o kahit sa mga bagay kasi pag nawala sila hindi ko alam kung makakaya ko pa ba ang sakit.

I learned to be alone with myself and find home in isolation. Ayaw ko na magcling sa iba para iwas sakit. Mas mabuti na siguro ang ganito, pag wala akong pinapahalagahan hindi ako masasaktan.

I wake up every morning alone, I eat alone and I walk to school alone. I even support myself alone since mom is a single mother and I haven't seen my dad even once. I learn to live alone by myself and try harder everyday to push forward. Even if don't want it I need to, kasi wala akong choice but to move forward.

My name is Iris Flora Dallarosa, I'm an introvert and I don't like being with people. I like to be with myself than being with fake people, I learned that not everyone is good to you, yung iba may hidden agenda yan kaya better to stay away from them.

What do I do since I'm all alone for years? Well I'm into arts and I make artworks. I enjoy painting ang drawings I also sometimes do sculpting. I like to do artworks kasi I can express my feelings through them. They are my hidden feelings and I'm the only one who can decode it, well it depends if there is someone who's smart enough to decode it too. Yes, my artworks is the story of my life, it portrays my life implicitly. Sa mga artworks ko ibinubuhos lahat ng atensyon at oras ko aside from my studies. Ang sarap lang sa feeling pag may natatapos akong piece, nakakaproud sa sarili.

I maybe alone but I know in myself that better days are coming at kakayanin ko lahat ng mag-isa. Minsan kailangan mo maranasan mag-isa para makita mo ang tunay mong sarili. Lahat ng ginagawa mo galing sa sarili mong desisyon at hindi ito epekto o impluwensya ng ibang tao, yan ang bagay na maipagmamalaki mo sa sarili mo. Alone people are sometimes one of the strongest people out there. Someone asked me if malungkot ba ako na mag-isa? Well, I'm not lonely I'm just alone 'cause there are things that makes me feel that I'm the happiest  even if I'm only with myself and that's because of my artworks.

 Nasa kwarto ako ngayon at pinatay ko na yung ilaw ng kwarto ko kasi 'di ako nakakatulog pag nakabukas yung ilaw. And the good thing is pag madilim na yung paligid nagsisiilaw na yung mga nilagay kong glow in the darks na star sa ibabaw ng kisame ko, I'm a fan of stars kaya medyo nababawasan yung lungkot ko pag nakikita ko sila tsaka naalala ko rin si mama. My mom would be one of those painful memories na pauli-ulit kong aalahanin kasi sobrang halaga niya sa'kin. She's one of the painful memories that I'll never try to forget and erase. 

Ipinikit ko na ang mga mata ko and I started seeing him again. A boy! a boy na di ko naman kilala, palagi siyang lumilitaw sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung panaganip ba 'to o talagang nakikita ko ang mga ginagawa niya sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.

Simula nang mamatay si mama everytime I close my eyes nakakakita ako ng projections ng isang lalaki, hindi ko kilala yung lalaki but there is something in her face, pamilyar yung mukha niya. Iniisip ko rin minsan baka gawa-gawa lang to ng unconscious mind ko kasi naghahanap ako ng taong makakausp o baka naman napapraning lang ako o 'di kaya malapit na akong mabaliw. Jusmeyo!! hindi ako pwedeng mabaliw may mga pangarap pa ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog .

January 21, 1999

As usual I woke up the same time everytime, it's 6am and I do my usual morning routine. I got out from my bed at niligpit ko na ang higaan ko at pumunta na ako sa baba para maghain ng agahan for myself as usual, always and forever. Well sa totoo lang ang laki ng bahay na napundar ni mama sa pagtatrabaho niya kaya tinatamad ako minsan bumaba galing sa kwarto  papuntang kusina. But honestly,sobrang proud ako sa kanya kahit single mom siya grabe mga achievement niya sa buhay. Iniisip ko nga minsan may special power kaya si mama kasi para siyang superhero eh, parang alam niya lahat ng bagay. Well in fact itinuturing naman natin na superhero lahat ng magulang natin which is on some part true. But on some part hindi ito applicable kasi di lahat ng magulang ginagampanan ang pagiging magulang, just saying.

Binilisan ko na ang paghain ng almusal ko at naligo na agad ako pagtapos, kailangan kung magmadali, ngayon kasi ang araw kung saan gaganapin ang contest  na sasalihan ko. I'm always on time ayaw ko nang nalalate kasi ayaw ko nang may naghihintay sa akin mas okay pa kung ako yung naghihintay. At exactly 8am umalis na agad ako and I started driving my car but the bad thing is makakalimutin ako I left my keys inside kaya kinuha ko na muna then after that nagdrive na ako papunta sa venue.

Pagkadating ko sa Aurora museum kung saan tatanghalin ang contest ipinark ko na agad ang kotse ko then pumasok na ako agad. Actually kinakabahan ako, hindi ko alam peru hindi ako usually  ganito. Marami naman na akong nasalihan na contest kaya medyo sanay na ako kaya lang this time prestigious contest kasi to which will be hosted by many famous painters and ibang hinahangaang artist. In short sobrang laking opportunity to para sa akin kapag nanalo ako dito maaring malagay ang gawa ko dito mismo sa museum na kinatatayuan ko at maging tanyag yung pangalan ko sa buong mundo.

Natigilan ako ng magsalita na ang host ng event.
"Its already time, so contestants go to your place and hold your brush. Let the world see your greatness" the host announced.

Sobrang kinakabahan ako pero pumunta na ako sa kung saan ako naka assigned na pwesto. Nirerelax ko na yung mga kamay ko pati na rin yung isipan ko, my ideas should be unique kailangan kong mag-isip ng mabuti.                                                                         
"So the time starts now" the host announced again.                                                                                              
Binigay na sa amin ang criteria at nagsimula na yung iba peru ako ito lutang at walang maisip. Wala akong maisip ba't ngayon pa ayaw gumana ng utak ko at magcreate ng ideas kung kailan kailangang-kailangan ko.

Naiinis na'ko sa sarili ko pinakalma ko muna yung sarili ko and I close my eyes but as soon as I close my eyes nakita ko yung lalaki sa vision ko and he's making an artwork. So his also an artist like me.

"Ang galing"  pasigaw na sabi ko, lumingon silang lahat kaya bumalik na ko sa pagpikit ng mga mata ko.

Ang galing ng gawa ng lalaki sobrang ganda at ang ganda ng details ng gawa niya. Then an idea came into my mind.

"What if hiramin ko tong gawa niya na nakikita ko" sambit ko sa sarili.

"Tutal unconscious mind ko lang naman to tsaka gawa to ng pag-iisip ko".  so it will cause no harm to anyone.  

So at that very moment I decided to paint the artwork of the boy i saw in my vision. But an unexpected thing happened.........                                                                                                                                                        

You're a piece of artTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon