Masaya ba ang high school life mo?
Marami ka bang mga naging kaibigan?
Sino ang first crush mo nung high school ka?
Ano ang pinaka the best memories na hinding hindi mo malilimutan sa high school days mo?
Sino ang pinaka gusto mong makita?
At sino naman ang pinaka ayaw mo sa lahat?
Masaya magkaroon ng ka-loveteam sa school. Dahil isa sila sa mga nagpapasaya at nagpapakilig.
Hmmmm.....Naniniwala ka ba sa love?
Hindi lahat ng nagsasabing mahal ka ay mahal ka talaga. Minsan nasasabi nila yun para mahalin at pahalagahan sila.
Oo, masyado pang bata para sa isang high school student ang salitang "pag-ibig".
Syempre hindi pa naman talaga alam ang tunay na ibig-sabihin nito. Ang iba sa ati'y natatakot masaktan. Ang iba nama'y ayos lang basta maiparamdam mo na siya ang pinakagusto mo sa lahat.Pero mapipigilan ba ang puso na magmahal?
Matuturuan ba ang puso kung sino ang gugustuhin?
Ano nga ba ang mas mangingibabaw? Ang pag-ibig o ang pangarap?
Sabi nga nila "Ang mataas mangarap,mataas din ang matutupad." Si Callista ang nagpatunay na hindi kailangan ng anumang sertipiko para masabing matalino ka. Gawin mo lang ang best mo. Dahil lahat tayo ay pantay-pantay. Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa iba dahil ang bawat isa ay may iba't-ibang kakayahan. Sa sports,academics,talents,etc. Hindi naman para sa iba ang ginagawa mo kundi para sa iyo hindi ba?
"Do your best and don't let others destroy what you have worked for. Go forward and believe in yourself 'cause others will pull you down. Value those things that are surrounds you because those things can help you to pursue your dreams. And someday, you will be successful" Callista added.
Posible nga bang mapabago ng isang ordinaryong babae ang isang playboy? O masisira lang ni Brett ang mga pangarap ni Calli?
Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. At hindi kailangang iangat ang sarili para makalamang sa iba.
Nagbabago ang isang tao kapag dumating na ang taong magpapabago sa kaniya.
Kaya mo bang baguhin ang sarili para sa taong mahal mo? Ang dating mayabang at mataas ang self confidence na tulad ni Yanna ay mapapabago ng isang Brenton Viel Ward. Ang taong hindi tipo ni Yanna kahit siya pa ay isa sa mga campus crush na tulad ni Brett Stephen Del Fierro.
Kaya mo bang ipaubaya sa tropa ang taong gustong gusto mo?
Darating ang araw na ang pinakaayaw mo sa lahat ay siyang magiging pinakagusto mo.
Hindi makukumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita. Ang dating tagasira ng araw mo ay siya ngayong bubuo nito. At ang inis ay mapapalitan ng saya. Handa na ba si Kylie sa taong sisira ng araw niya? How about Leigh? Magiging handa kaya siya sa unang babaeng magpapatibok ng puso niya?Hindi lahat ay naniniwala sa pag-ibig. May kaniya-kaniya tayong pananaw. Siguro dahil takot lang masaktan kaya ayaw subukan o di kaya'y ayaw ng masaktan pang muli.
Kaya bang mapabago ni Aiko ang pananaw ng isang bitter na si Dainty? Hindi lahat ng bitter ay broken. Ang iba ay bumabase sa mga karanasan ng ibang tao. Well, iba-iba naman tayo eh. At nasa iyo na ang desisyon kung ano ang mas pipiliin mo. Kung maniniwala ka ba o mananatili ka sa sarili mong pananaw.
Darating din ang taong magpapasaya at magpapakilig sayo. Ang taong magpapatunay na pag-ibig ang pinakamasayang ganap sa mundo.
Ang tao ay nag-iiba base sa taong nakapaligid sa kanya. Hindi habang buhay mananatiling kagalit ang kaaway dahil aminin man natin, minsan nagiging happiness din natin sila. Remember, "love your enemy".
At mayroon din namang gagawin ang lahat para lang sa taong gusto. Yung palaging magpapapansin kay crush kapag nandiyan siya. Gagawa pa nga ng eksena sa harap ng maraming tao para lang mapansin. Yan si Kenzie na handang ipilit ang sarili kahit may iba namang nandiyan para sa kaniya. Hindi naman masama ang magkagusto at humanga. Dahil sila ang magbibigay inspirasyon para pumasok sa school,mag-aral ng mabuti, at gawin ang lahat ng makakaya kahit walang nakakaappreciate nito.
Syempre masaya din naman yung may katuksuhan ka palagi. Naranasan ko na rin iyon. Oo, nakakainis pero aminin nating napapangiti rin nila tayo. Sila ang dahilan ng pagkunot ng noo. Pero hindi naman sila kaaway, sadyang trip lang nilang mang-inis.
Nakakatuwa para kay Zek ang ginagawa niyang pangti-trip kay Aya pero para kay Aya ay nakakainis ito.
Hindi maiiwasang mafall sa taong tinutukso mo. Dahil darating ang araw na ang lahat ng panunukso ay mapapalitan ng pagpapahalaga.Sabi nila karaniwang nagkakatuluyan ang nagtutuksuhan. Naniniwala ka ba doon? Well, ako oo.
Ang Philippine Science High School-main campus ay isa sa pinakamalawak at pinakasikat na pribadong eskwelahan sa buong Pilipinas. Napakaraming estudyante roon na nagmula sa mayayamang pamilya.
Ang Psycho Squad ay ang pinakasikat na grupo sa campus ng PSHS. Ang grupong ito ay may mga miyembro na kung saan sila ang pambato sa iba't-ibang sports like basketball, volleyball, and swimming. Ngunit hindi lamang sa larangan ng sports sila nakikilala kundi sa pagiging bully.
Si Brett Stephen Del Fierro ang captain pagdating sa basketball. Napakahusay niya kasing manlalaro. Bukod sa napakagwapo at napakayaman, maraming oportunidad ang dumadating sa kanya kasabay pa ng kaniyang pag-aaral.
Sino nga ba ang hindi hahanga sa tulad niya?

YOU ARE READING
LOVE IN CAMPUS
Dla nastolatkówBeing high school student is the best part in my school days. Specially, having friends is so fun. Isn't it? We will never forget those laughs, tease, flirts, making friends, and even our first love. But there is always an antagonists that will ruin...