BRENT'S POV
Inabangan ko si Callista malapit sa classroom nila. Mas nauuna kasi kaming magrecess kesa sa kanila.
Tahimik akong nakaupo sa isa sa mga upuan dito at tinignan ang wrist watch ko. Iginala ko ang aking mata upang makita si Callista. Naalala ko na nag-friend request nga pala ako sa kaniya. Kaya chineck ko ang account ko pero wala parin hmp. Baka hindi pa siya nag-oonline mula kahapon.
Maya-maya ay nakita ko na ang paglabas ng ilang estudyante mula sa classroom nila Callista. Agad akong tumayo upang tignan siya.
Kaninang umaga kasi hinintay ko siya pero hindi pa siya dumating kaya 'di ko siya nakita.
Medyo maraming estudyante sa may hallway kaya hindi ko siya natanaw. Naglakad-lakad ako upang hanapin siya.
Luh? Baka absent siya. Haysst gustong-gusto ko pa naman siyang makita.
Ganun naman talaga siguro kapag may crush ka, siya talaga yung una mong gustong makita sa school di ba? Well, ako oo.
Naglakad ako sa hallway ng nakalagay ang kamay ko sa bulsa ng pants ko. Ang haba ng hallway sa laki ba naman ng building na ito. Psh
Wait. Si Callista nakita ko na. Hmm mag-isa lang siyang naglalakad? Kawawa naman walang kasama. Buti nalang nandito ka self para samahan ang prinsesa mo. Hahaaa
"Hi Callista!" Bungad ko sa seryosong mukha niya. Sinabayan ko ito sa kaniyang paglalakad.
"Hello," sa wakas ay nginitian niya ako. Ang ganda talaga niya lalo na kapag nakangiti, lumalabas yung dimple hehe. Kainlove
"Hmmm...nga pala bakit wala ka man lang kasama? Wala ka parin bang mga kaibigan?" Saglit ko siyang sinulyapan.
"Meron naman, actually ang saya nga eh. Kasi sila na mismo ang lumalapit sa akin." Nakatuon lang ang kaniyang tingin sa harapan. Ni hindi man lang ako sinulyapan. Bumalik na naman siya sa seryosong mukha.
"Ahh, eh ba't parang di ka naman masaya?" Dagdag ko pa.
"Huh?" Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa akin. Agad kong ibinaling ang aking tingin sa iba. Hindi ko alam pero parang nahihiya ako na ewan.
"Ahmm..wala," yun na lamang ang lumabas sa bibig ko matapos niya akong tapunan ng tingin. Tskk... feeling ko nanghihina ako sa twing tinitignan niya ako.
"Marami na akong mga kaibigan. Yung iba kaklase ko, tas yung iba naman ibang section tulad ni Aya." Ramdam ko ang masayang tono sa pananalita niya. "Tapos..." saglit siyang huminto sa pananalita. "Ikaw" sabay tingin sa akin.
Saglit ko siyang sinulyapan ngunit ibinaling muli sa harapan ang tingin. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko habang naglalakad. Aaminin kong mahiyain ako at napakatorpe. Pero pinipigilan ko naman 'pag si Callista na ang kasama ko. Pero bakit ganito? Mas lalo ata ako nagiging mahiyain.
Oo, kinikilig ako kasi syempre kasama ko ang babaeng gusto ko. Yung tipong kayong dalawa lang ang nag-uusap.
Actually, si Callista kasi ang first crush ko ngayong high school. At hindi ko na itatanggi 'yon.
"Huyyy, ang tahimik mo." Natatawa niyang sambit.
Sinuklian ko lang siya ng ngiti. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Kung paano ko sisimulan. Kung aamin na ba ako o hindi na muna?
"Hmm... alam ko na may gusto kang sabihin pero hindi mo masabi noh?"
What? Nahalata niya? Haysst... ano ba naman self. Ang torpe-torpe mo na nga nagpapahalata ka pa. Tsk
YOU ARE READING
LOVE IN CAMPUS
Ficção AdolescenteBeing high school student is the best part in my school days. Specially, having friends is so fun. Isn't it? We will never forget those laughs, tease, flirts, making friends, and even our first love. But there is always an antagonists that will ruin...