panimula

73 3 18
                                    

HINDI AKO ROBOT!


HINDI AKO HAYOP o LARUAN


TAO RIN AKO

TAO NA..... GUSTONG MABUHAY NG NORMAL KAGAYA NYO


____

BLAAAAAAGGG!!

Napaupo ako sa sahig ng may nakabangga ako at dahil din dun lahat ng gamit ko nakakalat na sa daan

Napakagat ako sa labi ng makilala kung sino ang nakabangga ko

"Rule no.1" mariin at mataray na sabi ni Alyza

Napayuko ako ng maalala ang rule na yun 'RULE NO.1 DON'T BLOCK MY PATH'

"S-so-sorry" kagat labi kong turan

"Tsk ang clumsy pa" rinig ko pang sabi si chloe kasabay nun ang pagsipa nya sa iba kong notebook at ballpen


Nang makalayo na sila sakin Umayos na ako ng upo at pinagdadampot ang mga gamit ko na nakakalat

Wala ni isa tumulong sakin, na sanay naman na ako

Kala ko tapos na ako sa pagdadampot kaso may nakita pa akong pamilyar na ballpen sa di kalayuan sakin kaya tumayo na ako at humakbang papunta dun

Sayang rin ang 7 pesos kung bibili pa ako ng bagong ballpen

Napatigil ako sa paghakbang ng may nakauna nang dumampot dun

Di ko na chineck kung sino yun, tumalikod na agad ako at naglakad na palabas na ng school

Tumigil ako sa waiting shed, sa kanto di kalayuan sa school namin at dito nag-antay ng masasakyan na jeep.

May mga dumadaan at tumitigil sa harapan ko pero sa iba ang ruta at hindi sa pupuntahan ko.

Lumipas ang limang minutong paghihintay pinara ko ang isang jeep na dadaan sa kung saan ang ruta ko.

At Lumipas ang ilang minutong pananahimik at tulala habang nakaupo

Natauhan na lang ako nang sumigaw yung kungdoktor sa unahan "ATE! BAWAL MAGPABABA DITO DUN PA TAYO!"

Ilang sandali lang huminto na rin ang jeep

"OH BAKA MAY TAYTAY PA DYAN BUMABA NA"

Bumaba ako at tinahak ang maliit na Restaurant na pinagtatrabahuhan ko

"Late ka na naman" naiiritang bungad sakin ni ate Danna

Yumuko ako at saka humingi ng tawad "S-sorry po"

"Oh sya hugasan mo na yun at ang dami nang umoorder"

"O-opo" mahina kong sabi

Tanghali ngayon kaya marami talagang customer para mananghalian

Pumunta ako ng CR para makapag palit

Nang lumabas ako may tumatawag na lalaki kaya napalingon ako sa table nya

"Miss penge tubig!"

Hindi ko sana papansinin kasi hindi pwedeng mangielam ako, kaso nangtignan ko sila ate Danna halos lahat sila busy sa pag serve sa iba kaya dali dali na kong kumuha ng pitchel at nilagyan ko ito ng tube ice saka tubig nagdala narin ako ng baso at hinatid ito sa lalaki

I'm a Human tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon