Kabanata 2

60 3 11
                                    

Dahan dahan akong dumilat at  nanatiling nakatingin sa puting kisame

Masyadong maaliwalas ang nararamdaman ko ngayon

At paniguradong wala ako sa bahay

Kaya Nasaan ako?

tinignan ko ang kanang kamay ko baka nananaginip lang ako

Yung suot ko ngayon na jacket ay tuyo at hindi to sakin kasi kulay maroon ang jacket ko at kupas na yun

kinapa ko ang palda ko saka inangat to para makita ko kahit nakahiga parin ako

Natigilan ako ng makitang di rin ito sakin, masyadong bago na ang palda at yung palda ko ay kupas narin ang kulay at dalawang taon  ko na gamit iyun

Ramdam ko ang pagiinit ng kamay, pisngi at sa paligid ng mata ko pati na rin hangin na nailabas ng ilong ko ay mainit rin

Sa ano mang oras parang gusto kong mapaiyak

At di ko alam kung bakit

"Oh you're awake" napalingon ako sa babaeng nagbabasa na nakaupo sa di kalayuan sa hinihigaan ko

Lumingon sya sakin "Ang sabi ng nagdala sayo rito ay nahimatay ka raw" wika nung Nurse

Umayos ako sa pag-upo at tatayo ng pigilan nya ko

"Wait, you can't stand yet, kulang ka pa sa pahinga" nag-aaalalang wika nya

"O-ok lang po a-ako"

"Wala pang isang oras ang pahinga mo. Kaya wag matigas ang ulo" pinilit nya kong pinapahiga

Gusto ko mang tumutol pero di ko kayang bigkasin kaya sinunod ko na lang sya

At iniisip kung ano na nangyayari ngayon sa room

Baka magpa-quiz ang teacher namin

Hindi pwedeng kaligtaan ko yun

Baka may ipa-assignment samin o kaya i paproject

Hindi ko alam kung ano ipapasa

Hindi pwedeng may kulang ako

"Oh" natigil ako sa pag-iisip ng may iabot ang nurse sakin

Pagkain?

Tumingin ako sa kanya "Kanina pa tumutunog ang tiyan mo kahit na natutulog ka" tinignan ko ang pagkain sa platong hawak nya at nag aalinlangan kunin to

"P-pano po kayo?"

"Meron pa kong binili para sakin" tinuro nya ang lamesa kung saan nakapatong ang pagkain nya "Kaya kainin mo na to hanggat mainit pa"

Kinuha ko ang pagkain at nagpasalamat sa kanya

______

Nang tumunog ang bell na nangangahulugang uwian na, saka lang ako pinayagang umalis ng nurse at pinagbabawalang kumilos kilos at mataas raw ang lagnat ko

Na lagi ko naman nararanasan pero binabale wala ko lang

Pumunta ako sa classroom namin para kunin ang gamit ko

Wala akong makita mis isa sa mga kaklase kong naroon

Ang nadatnan ko lang ay mga patong patong na notebook sa lamesa ko at ang sulat na, nakapatong sa ibabaw ng mga ito

"Mahal naming Abby, dahil alam naming ayaw mong may kulang ka sa mga pinapasa mo, kahit assignment. pwede mo nang kompyahin ang nakasulat sa notebook namin at dahil mabait ka, gawin mo na ang dapat gawin dyan , kailangan pagbinalik mo nyan samin bukas ay maayos at malinis gaya ng paglagay namin dito sa desk mo at walang kahit na anong katuldok na dumi kami makikita dyan at pagnaiba ang amoy nyan......

I'm a Human tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon