CHAPTER 4

1.5K 32 6
                                    

Belle and I became friends and somehow close to each other. I am comfortable with her. And, that's one of the reasons why I want to be friends with her. Above all, that's important when you befriend someone; if you're comfortable around him/her. 

As days go by, hindi pa rin dini-delete ni Enzo ang video. 

Monday na ngayon at nagkaklase kami ngayon sa chemistry. Chemistry na naman! Habang nagtuturo si Mr. Santos, biglang may kumatok na dalawang lalaki sa labas. Mr. Santos, by the way, is our adviser.

"Sorry, Mr. Santos! Mapapatawad mo pa po ba kami?" sabi nung isang lalaki. Pareho silang matangkad at kung titignan sa malayo, magkamukha silang dalawa. 

Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi nung isang lalaki. Habang yung isang lalaki sa tabi, parang hiyang-hiya na sa pinaggagagawa ng kasama niya. I also heard Enzo chuckle, so I suddenly thought that maybe they were his friends and Belles'. 

"Get inside, you two! Ma'am Andres notified me already about the two of you, Mr. Mendez." He pointed to the two, "Wait there at the last row and I am going to arrange your seats." 

Matapos kaming i-arrange ni Mr. Santos, nagturo na ulit siya. Kung kanina, si Enzo lang ang katabi ko, biglang dumami sila.

Enzo - ako - Belle - Luke - Lucas. Lucas is the name who spoke earlier, while Luke is the one who's embarrassed by what his brother does. 

"I missed you so much, Belle!" Lucas hugged Belle tightly. 

"Lucas! Pwede ba? I can't breathe!" she exclaimed at Lucas. 

"Eh 'di, 'wag kang huminga!" Lucas said. Binatukan naman siya ni Belle at walang choice kung hindi bumitaw sa yakap. 

Nandito pa rin kami sa classroom at kakatapos lang ng klase namin. Kasalukuyang break time ngayon kaya naghaharutan sila. 

"Hi, miss! Anong pangalan mo?" tanong sa akin ni Lucas. Napunta naman sa akin ang atensyon nila. 

"Arya," I answered. 

"Nice to meet you, Arya! Close na ba kayo nitong baby ko?" he asked while placing his hands on Belle's shoulder. 

"Isa, Lucas, tatamaan ka na sa'kin!" inambahan niya naman ng suntok si Lucas. 

"Sorry, love pala, HIHIHI." May sanib ata 'tong Lucas na 'to.

"Hi, I'm Luke, Arya! Nice to meet you!" baling naman sa akin ni Luke. 

"Nice to meet you, too!"

"Magkakilala na rin ba kayo ni Enzo?" Luke asked me. 

"Huh? Sinong Enzo? Parang wala akong kilalang may pangalang Enzo." saad ko pa habang kunwaring nag-iisip kung may kilala ba akong Enzo. 

Napahalakhak naman si Belle sa sagot ko. Tumayo naman bigla si Enzo at umakbay sa akin. 

"Love, are you shy that they will know our relationship?" he said and pouted. 

"Tangina ka! Lumayo ka sa akin!" they laughed at my reaction. 

Kumapit naman ako kay Belle at hinila na siya papuntang cafeteria.

"Baby! Wait for me!" Lucas shouted and ran to get by us. 

Nadapa pa si tanga habang hinahabol kami. Natawa naman kami ni Belle habang binibilisan ang lakad. Sina Luke at Enzo naman, dinaanan lang si Lucas at tinawanan. 

"Mga traydor! Hindi niyo man lang ako tinulungan!" he exclaimed while trying to get up. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao na naglalakad.

"Pinagtatawanan niyo ba akong dalawa?" Lucas eyed us. Natawa na naman kaming dalawa ni Belle. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now