CHAPTER 9

1.3K 18 10
                                    

Days passed and it was already Friday. All of them are looking forward to today. Same as the excitement I am feeling.

There's no changement on our every day routine. Aral sa umaga, gala sa hapon. Halos maubos na namin ang mga galaan. Wala naman silang reklamo dahil gusto rin nila. Ang kwento pa nga nila ay ako raw talaga ang naka-impluwensya sa kanila sa ganitong gawain. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nila. Kung dati ay ako pa ang nag-aaya sa mga gala namin, ngayon ay halos sila na lagi. 

Kada gala namin ay may picture kami. Dahil nga sa laging may dala si Enzo na camera, sinabihan ko siya na, "Every moment, especially a happy moments must be captured. I want everything to be captured, Enzo. I want a remembrance."

Due to that, we captured every moment. Now, if you look at our social media accounts, you can see our pictures. We're also each other's cover photo, with a caption of "Life." And, of course, it's my idea.

Binansagan na nga kaming lahat sa school na 'Academy Royalties' dahil magkakasama kaming mga may maiimpluwensyang pamilya. Kung tutuusin ay ako lang ang sampid dito.

Nasa cafeteria kami ng school dahil lunch na ngayon at talagang exited na excited na sila. May mga dala na raw silang gamit sa sasakyan nila para hindi na raw sila umuwi sa mga bahay nila mamaya.

Natupad naman ang libreng lunch ko sa kanilang anim. Si Liza naman ay kusang loob akong ililibre ngayon. As always.

"Arya, your favorite," sabay lapag ni Liza ng fried chicken w/rice, french fries, and coke.

Hindi na sila nagtataka na marami akong kumain dahil sanay naman na sila sa katakawan ko.

"Arya, pahiram na lang ako ng damit mo, ah," ani Liza.

"Kapal talaga ng mukha mo. Wala ka bang damit? Yaman-yaman mo, eh,"

"Nakakatamad kasi magdala ng damit galing sa bahay. Kung ayaw mo, kay Tita na lang ako manghihiram."

"Oo na, sakin ka na humiram."

"Thank you!" Sabay yakap.

As I would like to be happy, there's always a hindrance. Someone sent me a box yesterday morning. Contains a letter, "Be careful, I'm here watching you.", which keeps on playing in my mind.

When will be the time that I will be free?

"Arya!" tawag ni Belle. "Kanina ka pa tulala, ah. Are you okay?"

"I'm fine," I assured her.

"Arya, what is it? I have a feeling that something happened," Liza whispered.

"It's nothing. Don't worry." I whispered back.

"I know you, pag may inaalala ka mabagal kang kumain at mukhang walang gana."

"Liza, I said I'm fine. Don't worry about me, okay?"

Nagbubulungan lang kami ni Liza, dahil ayaw naming iparinig ang usapan namin. Baka pati sila ay mag-alala.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Dumiretso kami sa bahay para ihatid ang mga gamit nila.

"Tara tambay muna tayo sa playground!" aya ni Belle na sinang-ayunan naman namin.

Hindi ko na lang inalala 'yung package dahil gusto ko muna i-enjoy itong saya na nararamdaman ko.

"Arya! Maduga ka!" sigaw ni Lucas.

"Wala akong pake sayo, Lucas! Sadyang bobo ka lang!"

"Enzo! Tulungan mo ako!" sigaw ni Lucas.

"Hoy, Lucas! Ano 'yan call a friend? Langit-lupa lang nilalaro natin!"

Verge of LifeWhere stories live. Discover now