That thing called Wrong Timing

33 1 1
                                    

Im Liezel Anne Catuday AKA Lianne or Lailai nagaaral ako sa Cavite at syempre nakatira narin sa cavite, meron akong crush ngayon lol, hindi ko nga ineexpect na magiging crush ko siya kasi pinangako ko sa sarili ko na hindi hindi ako magkaka-crush sa isang tulad niya dahil sa sobrang kapangitan niya pero hard na kung hard kasi yun naman ang totoo.

Ang pangalan ng lalaking iyon ay si Ruselle Martinez, Mayaman siya at nasakanya na ang lahat pwera sa kapogian niya, di iPhone-6 yung lalaking yun pero hindi ko naman binabase yung pagka-crush ko sa kayamanan niya binabase ko sa mukha at ugali.

Oo aaminin ko napapangitan talaga ko sakanya mas lamang pa nga yung kapogian ni manny pacquiao sakanya eh, sobrang itim niya, sobrang mataba at grabe mag gel ng buhok akala mo naman hindi malapad ang noo, eh sobrang lapad nga! 

Pinangako ko na nga sa sarili ko na never ko magugustuhan yung lalaking yun never! 

*KINABUKASAN*

Pagpasok ko sa school, as usual inaasar nanaman ako ng mga kaklase ko na may crush daw sakin yung baboy na sinunog na yun nakakarindi! "Uy si Liezel nagdadalaga!"tukso nila saakin kaya medyo na-upset ako nun kaya bad mood ako nung araw na iyon, pagka-break time na ay okay na yung mood ko happy go lucky na ulit ako kaso ang kukulit nanaman ng mga kaibigan ko "Liezel nililigawan ka na?" sabi nila sakin at nag death glare ako sakanila "ILANG BESES KO BA SASABIHIN SAINYO NA WALA NGA! NEVER KO SIYANG MAGUGUSTUHAN NEVER!" Sabi ko sakanila tapos tinuro nila yung asa likod ko tinitignan nila, nakita ko si Ruselle na may dalang flowers at chocolate siguro para sakin kasi naiyak siya "Never mo ba talaga kong magugustuhan?" sabi niya sakin, medyo naawa ako sakanya eh kasi naman pwede naman siya sa bestfriend ko magkagusto bakit saakin pa?! "Yup, Hinding hindi kita magugustuhan! Kaya pwede ba layuan mo na ko! Hinding hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo!" sabi ko sakanya at binigay niya yung flowers saakin pati narin yung chocolates "Last na gift ko na yan sa'yo, wag kang mag-alala wala na kakalimutan ko na yung feelings ko for you pati ikaw kakalimutan ko na rin hinding hindi na kita kukulitin"pagkasabi niya nun ay umalis na siya kaagad at nalaman kong nangibang bansa pala siya, how poor he is.

Pagkauwian ay wala ng sumama sakin, masyado daw akong maldita buti nga daw may nagkakagusto pa saakin. Eh Pake ba nila? LAHAT NG TAO AY MAY KANYA-KANYANG TASTE!

tinatawagan ko si Kyle na boy bestfriend ko pero nagriring lang yung phone, naka-ilang tawag na ko sakanya at naka ilang messages siguro galit din to sakin dahil sa nangyari kanina. May nareceive akong text kaso GM naman yun, tinext ko si Brittany pero wala namang reply knowing her laging may load at naka full-charge yang cellphone niya kaya naisipan kong galit din siya, tinext ko rin si Emerald kaso wala rin ilang missed call narin kaso wala talaga, galit din to sakin. Ganun na ba ko kasama? Hindi kasi nila ako maintindihan eh. Aish! 

Naka receive ulit ako ng text messages galing kay jessica at hindi na ito GM, kapatid to ni Ruselle na bestfriend ko nakalagay dun sa message na yun ay "Thank you for hurting him, Im also hurt because he is my brother, Thankyou dahil pinalaya mo na siya at Thank you kasi pinaasa at ginawa mo siyang tanga" yan ang nakalagay sa message na yan hindi ko naman sinasadya eh kasi totoo naman wala akong feelings for him at never akong magkakafeelings for him.

Kinabukasan pagpasok ko sa school ang lahat ay nakatitig saakin hindi ko alam kung bakit tapos usap-usapan din na may bago ng nililigawan si Ruselle, wow ha move on agad? ang bilis ah! Kagahapon lang kitang sinaktan tapos gaganyanin moko? asan ang hustisya! 

Hindi ko nga alam kung bakit ako nahe-hurt eh, hindi ko talaga alam!

Filipino time at katabi ko si Ruselle, walang umiimik saamin at lahat kami ay nakikinig lang ng lesson, binato ako ng papel ni Ruselle at binigyan ko siya ng death glare at binulong niya sakin ay "Buksan mo may nakasulat diyan sa papel" sabi niya at binuksan ko naman yung papel, may nakasulat nga -_____- Akala mo hindi ako makakamove-on no? Oo sinaktan mo ako pero hanggang dun nalang yun, wala na akong feelings for you wag kang mag-alala friends parin tayo ang nakasulat dun kaya medyo ako nainis dun sa Friends parin tayo, hindi ba pwedeng mor than friends? AY ANO BANG PINAGIISIP MO LIEZEL ANN Catuday! WALA KANG GUSTO SAKANYA AT ANONG MORE THAN FRIENDS? OO CLOSED FRIENDS LANG ANG GUSTO KO PERO HINDI MORE THAN FRIENDS!

Umagang umaga pampasira ng mood yung Ruselle at bago niyang nililigawan, sa harap ko ba naman naghaharutan? Nakakaimbyerna no!

Nagpagntanto ko na Megan Pala yung name ng bago niyang nililigawan alam niyo ba bagay sila Si Ruselle Baboy na Sinunog Yung Megan naman ay SISIW NA MAY POLBO SA MUKHA.

Buti nalang hindi ko paborito yung baboy eh buti nalang baka malason pa ko, tapos biglang hinalikan nung Megan si Ruselle like EWW NAKAKASUKA! MAS BAGAY KAMI NI Ruselle pwede ba!

Hindi ko alam pero oo aaminin ko may crush na ako sakanya at the same time ay may mahal siyang iba! That thing called Wrong timing!

---------------------------

Part 3

Guys check my other stories narin lalo na yung Treat her right kahit 2 chapters palang siya!

2 years ng may crush si Liezel kay Ruselle huehue.

-OrdinaryongGirl Is Signing Off-


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation Of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon