Identity 4

471 9 0
                                    

Angelica's P.O.V

"BEYBIEEE, GISING NAAAAA... MAY PASOKKK PA TAYOOOO." Urghh =_= May alarm clock naman ako, pero nauuna pa siyang mag-ingay.

"Shit naman Nica, patulugin mo muna ako."

"Anla... Bangon kana." Napabalikwas ako ng sundot sundutin niya yung tagiliran ko.

"Urghh Ang ingay mo. Oo na, antayin mo nalang ako sa baba."

Lumabas na siya ng kwarto. Yawn. Anong oras na ba? 5;30 am pa lang? Bumangon na rin ako, kesa matulog ulit baka magising pa ako ng 10:00 am eh. Napatingin ako sa Cellphone ko. May 3 Messages. Bukod kay Madame at Nica, si Sep lang nasa contact ko.

Inopen ko yung 1st message.

From: Madame.
Ashville Mansion. 9 pm.

2nd Message.

From: Madame
Wear something formal.

Last message eh galing kay Sep

From: Septimus.
Rise and Shine beautiful. Good morning. Have a nice day.

Napangiti naman ako. Sa labing pitong taon kung pamumuhay sa modernong panahon, ngayon lang ako nakareceive ng ganyang text. Napailing nalang ako. Nagreply naman ako sa kanya.

To: Septimus.
Good morning :D

Hindi ko na siya inantay na magreply, naligo nalang ako.

"Beybie? Hindi ka pa ba tapos?" Sumilip siya sa pinto.

"Oo. Bababa na ako." Nagnod naman siya.

Naramdaman kung nag vibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ng skirt ko. Kinuha ko naman ito.

From: Septimus.
Agap ah. May pasok ka?

To: Septimus
Unfortunately, meron.

Kinuha ko na ang mga gamit ko. Nasa harap na ako ng pinto ng magvibrate na naman yung phone ko.

From: Septimus
I see. Ingat :D

Napangiti nalang ako at bumaba para sa make over namin ni Nica.

Nung makita ako ni Nica, nagtatakbo to at nagtago sa likod ng Sofa.

"Dafak? Anong problema mo?" Naiirita kung tanong kay Nica.

"Beybiee. Kahapon, umuwi ka dito ng nakangiti. Tapos ngayon... Nakangiti ka na naman. Beybie umamin ka nga? May boyfriend ka na ba?" Nanalalaki pa yung Singkit niyang mata nung tinanong niya ako. Natawa naman ako sa kanya.

His Secret Identity (Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon