Identity 12

158 9 0
                                    


Angelica's P.O.V


Sandali akong natigilan dahil sa pagsigaw ni Yuan pero agad din akong naglakad papuntang classroom. Napagdesisyonan kong wag na lang siyang pansinin kahit nagsisigaw na siya dun sa hallway.


"Beybie tawag ka ng asawa mo." bulong ni Nica habang nakangiti ng nakakaloko. Tiningnan ko naman siya ng masama.


Dahan dahan kong tinanggal yung wedding ring sa daliri ko at pasimple ko itong itinabi sa bag ko. Baka kasi may makakita pa.


Habang naglalakad hindi ko na namalayan na nahabol na pala kami ni Yuan.


"Oii Angel." Kinublit ako ni Yuan dahilan para mapatingin ako sa kanya.


"Ha?" walang emosyon ko siyang tinitigan.


"Long time no see. Almost two weeks na pala akong di nakakapasok. Di ko namalayan yun ah." Pagkwekwento niya, pero dahil sa wala ako sa mood makipag tsikahan sa kanya tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya.


"Tahimik mo ata ngayon." komento niya. Tulad kanina, hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papuntang classroom.


" Angel, pwede mo ba akong turuan sa mga lesson natin. Diba two weeks nga akong wala, baka kasi mahuli ako sa lesson." Sabi niya. Sasagot pa sana ako kaso inunahan ako ng magaling kong kakambal.


"Aww sorry Yuan, pero mukhang hindi ka matuturuan ni Angelica beybie."



Nabaling ang atensyon ni Yuan sa madaldal kong kapatid.


"Hah? Bakit naman?"Nagtatakang tanong ni Yuan.


"Kasi naman kung gano ka katagal na absent, ganun din katagal na absent si Angelica beybie. Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Nica. Tiningnan ko siya ng masama.


"Eh? Bakit ka naman absent?" tanong ni Yuan. Tiningnan ko si Nica ng ikaw-magpalusot-sa-gago- look, at mukhang naintindihan naman niya dahil siya ang sumagot sa tanong ni Yuan.


"Eh kasi sinama siya ni Mad— Mommy papuntang Japan. Nung isang araw lang sila nakabalik." pagpapalusot ni Nica. Tumango naman si Yuan at napatingin sa mga babaeng nakatingin sa kanya na puro nakasuot ng kulay itim na damit.


"Anong nangyari? May patay ba? Bakit sila mga nakaitim?" sunod sunod na tanong ni Yuan. Pero kagaya kanina ay si Nica ang hinayaan kong sumagot sa mga katanungan ni Yuan.


"Walang patay, malungkot lang talaga sila at nakikiramay sa puso ng isa't-isa." mas lalong naguluhan si Yuan sa mga pinagsasabi ni Nica, kaya nagsalita na ako.


"Nabalitaan ng lahat na ikinasal ka na daw, kaya sila nakaitim." paliwanag ko, pero mukhang marami pang pagong ang lumalakad sa utak niya kaya hindi niya pa rin naintindihan.

His Secret Identity (Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon