Identity 13

164 6 0
                                    

 ANGELICA'S P.O.V

(Author's note po muna. Dahil nga po sa dalawa ang identity ni Angelica dito, wag po kayong malilito kung suddenly palitan ko yung Angelica's P.o.V into Princess' P.o.V para na rin hindi kayo maguluhan kung anong identity ba ang gamit niya.)


"The one and only." nakangiting sagot niya sa akin. Akmang yayakapin niya ako pero mabilis ko siyang sinipa sa tiyan, dahil sa mabagal niyang reflexes ay hindi niya ito nailagan. Namilipit sa sakit ang lalaki.


"Eto naman, di na mabiro." sabi niya ng makabawi ng lakas dahil sa sakit ng pagkakasipa ko sa kanya. Seriously? Zacharias Viel? Ganyan ka kahina. Isang sipa pa lang namilipit na sa sakit. Tss.


"Anong ginagawa mo dito? Zacharias Viel" naiiritang tanong ko sa kanya. Nagpout naman siya bago sumagot. -_- Yuck di niya bagay. Pss


"Eto naman wala ba manlang 'Welcome back Acky. I missed you so much' sabay hug dyan?" pagrereklamo niya, sa halip sa sagutin ang tanong niya ay tinitigan ko lang siya kaya medyo nagseryoso naman siya.


"Masyado atang nalilibang ang 'Prinsesa' sa buhay may asawa at nakalimutan ang mga responsibilidad niya." nakangising sagot nito sa akin. Uminit ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya, Tss anong akala niya babalik pa ako sa walang kwentang lugar na yun.


"What do you want? Quit fooling around Acky." maotoridad na wika ko sa lalaking nasa harapan ko.


"Woaahh. Cool ka lang mahal na Prinsesa, wala akong gagawing masama sayo. Wala pa." isang ngiting nakakaloko ang sumilay sa labi nito.


"Wala akong panahong makipag gaguhan sa katulad mo." akmang maglalakad na ako palayo ng magsalita siya na naging dahilan ng pagtigil ko.


"Well, ingat ka na lang. Opps hindi lang pala dapat ikaw ang mag-ingat. Ano nga ulit pangalan nun? Nung anak mo? Si Joshua?" kasabay nito ay ang nakakairitang tawa niya.


3rd Person's P.o.V


Dahil sa narinig ay walang sabi sabing sinuntok ni Angelica ang lalaking tumatawa.


"Gago ka. Wag na wag kang magkakamaling lumapit sa pamilya ko dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka oras na saktan mo sila." nanggagalaiting wika nito sa lalaking nakasalampak sa lupa dahil sa lakas ng suntok na nagmula sa babae.


Nang makabawi sa pagkagulat ay unti-unting tumawa ang lalaki.


"Don't worry Princess, hindi naman sila sa masasaktan. Kung gagawin mo lang ang gusto ng Mafia." seryosong sabi nito. Lalong uminit ang ulo ng babae dahil sa ginagawang pang bablack mail sa kanya ng lalaki.


"Wag na wag mong gagamitin ang pamilya ko lalong lalo na ang anak ko para lang mapasunod ako sa katarantaduhan ng mafia niyo." nanggagalaiting wika nito sa lalaki.


Tumawa naman ng mapang-asar ang lalaki at lumapit sa babae.


His Secret Identity (Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon