Kasey's pov
45 araw na lang ang natitira pero di ko pa nakikita si Kenzo.San ko ba sya mahahanap?Wala pa nga akong kaalam alam dito sa lupa.Nag lalakad-lakad ako sa kalye.Gabi na nga eh di ko na naman alam kung san ako matutulog."Kenzo Tiefi!san ba kita makikita?"biglang may paparating na kotse,sa sobrang bilis hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya.................
Kenzo's pov
Kinakabahan ako di ko alam ang gagawin ko sa babaeng to,ni hindi ko nga alam kung san lupalop ng mundo to nanggaling eh.Hanggang ngayon di pa rin sya nagigising mula kanina,patay na ba to?"San ka ba nanggaling?Ang baho baho mo pa!amoy baboy ka puro putik pa.llang araw ka na bang hindi naliligo?"sinasabi ko ito habang hindi pa sya nagigising.Bigla na lang syang nag salita.
"Ang sama mo naman!Porket ang dungis ko!sino ka ba?Teka parang kilala kita ah,ikaw ba si Kenzo Tiefi???"
"Oo ako nga!Bat mo ko kilala?"tanong ko.
"ah kasi ano....nakita kita sa ano....dun sa may...para syang hugis kahon na may tao."sagot nya.Pero nagtataka ako,anong anyong tao to?
"Anong kahon na may tao?Baka t.v yung sinasabi mo.Sino ka ba?"
"Huh ako?Ahh a-ako si-si Kasarine Kasey."
"San ka nanggaling?Sobrang dumi mo!ilang araw ka na bang hindi naliligo?"
"Ahmm...5 araw na rin!Tsaka kung sasabihin ko sayo kung san ako nanggaling baka di ka maniwala."proud to be pa sya ng sinabi nya to.
"Limang araw!!! Lumayas ka nga dito sa bahay ko!Bawal dito ang pulubi.Tsaka ang bobo mo naman t.v lang di mo pa alam!"ang sama ko.
"Ang sama mo naman!Nag mamakaawa ako wag mo naman akong palayasin,wala akong pupuntahan."biglang kumulo yung tyan nya."oops pasensya!nagugutom na rin kasi ako eh.May pag kain ka ba dyan?"dagdag pa nya.
"Lumayas ka nga dito.Ayoko ng pulubi sa bahay ko!"tinulak ko sya palabas ng pinto.
--pinalabas ko sya.Ayoko syang patulugin sa bahay ko malay mo may balak sya.
Kasey's pov
Bat nung binabantayan ko palang sya ang bait bait nya,bat ngayon ang sama sama nya na?Nandito lang ako sa labas ng pinto nya at humiga nalang.Dito na lang ako matutulog pero nagugutom nako.Angelo's pov
Tinitingnan ko lang si kasey.Ano nga bang magagawa ko?tao na sya at hindi ko na pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko sa isang tao.Kapag nahihirapan si kasey...nahihirapan din ako.Gustuhin ko man pero.....
........................................................................
*Morning* *44 days left*Kenzo's pov
Hayyy...panibagong buhay na naman.Teka san na kaya yung babae kagabi?Lumabas ako para mag pahangin.Pag bukas ko ng pinto... whaaaaaa."Hoy babaeng amoy baboy!"sigaw ko.
"Oh bakit?Ang bastos mo naman! natutulog pa yung anghel eh,este yung tao!Bakit ba?"sigaw nya rin.
"Anong ginagawa mo dito?Diba sabi ko umalis ka sa bahay ko!"pag kasabi ko sa kanya nito bigla na naman syang nahimatay.Pinasok ko sya sa loob,napaka-init nya.May sakit ata sya.
--pinupunasan ko ang mga mukha nya.Habang nalilinis na yung mukha nya parang namumukhaan ko ang babaeng to.Pamilyar ang mukha nya,parang nandun sya nung na-aksidente kami.
*Flashback*
"Mommy!san po tayo pupunta?""May surprise ang daddy mo sa atin bukod sa aniversary namin,rank one ka pa!"
"Oo nga! Ang galing mo kasi kenzo kaya may gift ako sayo."
"Ken!Ke-ken! May truck!Ken! ahhh.."
--may nakita akong isang babaeng nagliliwanag tas parang kamukha nya yung babae.Nasakit na yung ulo ko sa kakaisip sa kanya,di ko parin.....
"Sino ka ba?San ka ba galing?Matanda ka na ba?Bat mo ba ko kilala?!!!!!!!!!!"napasigaw na ko at napaluha.Di ko alam kung bakit pero habang tinitititigan ko sya nasasaktan ako.Konektado ba'to sa nangyaring aksidente samin noon?naguguluhan na ako.Bigla syang nag salita.
"Gustuhin ko man sabihin sayo di mo maiintindihan!"sabi nya.Kumulo yung tyan."May pagkain ka ba?Sige na gutom na gutom nako!"dagdag pa nya.Binigyan ko sya ng tinapay.Habang kumakain sya tinitingnan ko lang sya,nag salita sya bigla...
"Oh bakit ka nakatingin?Bakit gutom ka rin ba? 5 araw ka rin bang hindi pa nakakakain?"tanong nya
"Hindi ako katulad mo! Nakakakain ako 3 beses sa isang araw.Sya nga pala mamaya dadalhin kita sa ospital pag katapos mong kumain kasi may sakit ka,baka pag kamalan pakong.Maligo ka muna pala!"sabay abot ng damit.Yung damit na ibinigay ko ay couple ng suot ko ngayon.Ayan na lang kasi ang natitirang damit na pambabae na nasa akin.Gift to ni Mrs. Santos nung birthday ko,sabi nya isuot ko daw tong damit kung may tao na kong gusto pero di ibig sabihin nito gusto ko na si Kasarine Kasey.
"Tapos ka na siguro?!Pumunta ka sa taas at maligo na! Pag gumaling ka na iuuwi na kita sa inyo."
"Okay!pero anong gagawin ko dun sa...sa... o-o-ospital?"Huh?san ba nanggaling to?
"Baliw ka ba?? mamamatay ka na di mo pa alam!May sakit ka! ang taas kaya ng lagnat mo! Pano naman kasi dun ka natulog sa labas kagabi!"
"Kasalanan ko po bang palayasin mo ko sa bahay mo?!Tsaka hindi naman masama ang pakiramdam ko eh,kaya wag mo nakong dalhin dun sa...."sabi nya
Kasey's pov
Pinaligo ako ni Kenzo.Umakyat nako sa taas para maligo pero di ko naman malaman kung nasan ba yung paliguan dito.Ang lawak kaya!Pumasok ako sa isang silid at pag kapasok ko....Whaaaaaa!!!!"O diyos ko!Bat dito ako pumasok?Pumasok ako sa kwarto ni Kenzo at nakakita ako ng isang kenzo na nakadikit sa pader... katawan na...."lumabas na lang ako at hinanap ang paliguan...at sa wakas nahanap na rin.
*after 20 minutes*
Kenzo's pov
Nandito ako sa sofa nakaupo at hinihintay si Kasarine na bumaba.Then finally bumaba na rin sya."O bat ang tagal mo?Siguro hindi mo mahanap yung C.R no?"
"Hah!?hindi ahh...kasi ano...syempre naglinis talaga ako para hindi mo nako palayasin."
"Teka parang wala ka ng sakit eh.Okay ka na ba?Masakit pa ba ulo mo?"
"Huh?hindi ahh.Hindi naman sumakit yung ulo ko eh.Nagutom lang ako kanina kaya nahimatay ako.Aalis pa ba tayo?Wag na!"
"Wag na nga!Iuuwi na lang kita sa inyo.San ka ba nakatira?"
"Wala na nga akong pamilya!Tsaka kahit sabihin ko sayo hindi mo rin maiintindihan."
"So anong balak mo ngayon?San ka na naman matutulog?"
"Pwede dito na lang ako tumira?Gagawin ko lahat para lang di mo ko palayasin dito.
BINABASA MO ANG
cool guy fall in love with his angel
RandomA story of a cool guy whose fall inlove with his guardian angel.Kasey is the Angel,she have a mision.The mision is to believe the boy in Angels