Chapter 9:Prince....the stranger???

14 0 0
                                    

(41 days left)

Kenzo's pov

Wrong timing naman oh! Kung kailan may balak ako kay Kasey eh!Oy wag kayong green minded ahhh! Aalis muna ako,pero bukas babalik agad ako.Ibibilin ko muna sya kay Prince,pumayag naman sya eh.May problem kasi sa company kaya syempre bilang president tungkulin ko yun.Pero first time kong pumunta sa office ng may problema,si Mr.Kim naman ang nagha-handle ng company eh.

"Kasey pwede muna bang iwanan kita?Kasi may problema sa company eh."

"Oo naman !kailan ka ba uuwi?"

"Bukas pa eh!.....Aalis nako,basta pag may kumatok sa pinto tignan mo lang sa camera tas pag di pamilyar, kumuha ka ng walis tas hampasin mo at paalisin mo"

"O sige!basta babalik ka ah.Kasi pag wala ka..."

"Anong pagwala?"nag tataka nako.

"Malay mo maulit ulit yung nangyari sakin.Tsaka ikaw lang...Ahh basta umalis ka na!kaya ko na sarili ko!Tsaka ako na bahala sa bahay."

"Okay!"umalis nako.

--nasa kotse nako.Malapit narin ako sa company at bigla kong naalala...hindi ko nasabi na pupunta si Prnce para samahan sya.Hayaan mo na nga!hindi naman mukhang stranger si Prince eh.

Kasey's pov

Wala si Kenzo.Nag wawalis-walis ako ng may kumatok.Tinignan ko ang camera at isang lalaki ang nakatayo.Hinanda ko ang walis ko.Unti-unti kong binubuksan yung pinto,balak kong hampas-hampasin sya ng walis.

"Ahhh!!!!!!!!!!!!!!umalis ka!!!!!sino ka ba!!!!!!hindi kita kilala!!!!!!!!!"pinaghahampas-hampas ko lang sya hanggang sa nagalit sya.

"Pwede bang tumigil ka na!!!Hindi ako masamang tao!!!!Pinadala ako ni Kenzo dito!"sigaw nya at may biglang tumawag sa telepono.

"Dyan ka lang!sasagutin ko lang yung telepono!"parang takot na takot.

"Okay fine!!!Pusta bente pa!"
--sinagot ko na yung telepono at si Kenzo pala yun.

"Uy Kenzo!please umuwi ka na may lalaki dito! Di ko sya kilala. Baka may gawin syang masama sakin!"

"Yun na nga eh!nakalimutan kong sabihin sayo na may isang taong pupunta dyan para samahan ka muna."

"Hala!!bat di mo agad sinabi sakin,yan tuloy sinunod ko lahat ng sinabi mo."

"Bigay mo nga sa kanya yung telephone.Pakausap muna ako." tinawag ko yung lalaki.

"O ano naniwala ka na!? Sabi ko naman sayo di ako masamang tao!"okay tama na sya.

"Oo na!O kakausapin ka daw ni Kenzo!"inabot ko na yung telepono.

"Oy kenzo!di mo sinabi na may surprise welcome ka pala.Grabe halos mamatay nako sa hampas ng babaeng to'. Teka sino nga pala tong babae nato???"

"Pag uwi ko nalang sayo ipapaliwanag.Basta bantayan mo sya.Bukas uuwi nako,may problema lang talaga dito sa company."

"O sige!"
......................................................

Prince pov

Kanina pa ko tinitignan ng.......basta di ko pa kasi natatanong yung pangalan nya eh.Para syang Angel.Parang iba sya.Nag tititigan lang kami hanggang nag simula akong mag tanong.

"Ano bang pangalan mo?"tanong ko.

"Ayyy oo nga pala,Kasey nga pala pangalan ko.Eh ikaw"tanong nya.

"Prince Clark!"sagot ko.

"Kaano ano ka ni Kenzo?"

"Mag childhood bestfriend kami.Sayang nga eh,wala dito si Kate kasi......"naputol ang pag sasalita ko nung sumabat sya.

"Kasi nasa Canada sya at dun mag aaral!?"paano nya kaya nalaman?kailan ba sya dumating dito at kaano-ano ba sya ni Kenzo??

"Paano mo naman nalaman?"tanong ko

"Ahhh kasi...ka-ka-kasi ano.....Ahhh basta gutom nako!!!gusto ko ng kumain!Marunong ka bang mag-luto?"hayaan mo na nga baka sumakit pa ulo nya sa kakatanong ko.Kay Kenzo ko nalang itatanong.

"Ahh oo!Bakit di ka ba marunong mag luto?"tanong ko.

"Ahm marunong!pero madalas ang luto ko ay sunog pero di ko alam kung masarap.Kasi nung pinagluto ako ni Kenzo nasunog ko pero kinain nya pa."nakapag tataka talaga tong babaenng to!

"Ahhh okay!!Sige ako nalang ang magluluto."presenta ko.

"Teka lang! Pwede mo ba kong turuan?Kasi gusto ko pag inutusan ulit ako ni Kenzo,pag sisihan nyang pinaiyak nya ko ng mga araw na yun."Bat kaya?

"Bakit?"

"Ahh basta!wag mo nang alalahanin!turuan mo na lang ako mag luto.Please."

"O sige na!"
--tuturuan ko syang magluto ng adobo.Nag simula na kami.Di naman pala mahirap turuan eh.Pag katapos naming mag luto,malamang kumain na kami.

"Ang sarap talaga nating magluto!Parang pang-langit ang dating!Ano nga ba ulit tawag dito?"

"Adobo!Lagi mong tatandaan yan,ADOBO!"

"Haha!!!...Sorry nga pala kanina ahh pinag kamalan pa kitang masamang tao."

"Okay lang!nakalimutan kasi ni Kenzo na sabihin sayo na dadating ako."

"Masakit ba yung hampas ko sayo kanina?Pasensya ulit ah!"

"Ahh oo masakit,peri okay lang!Sanay na naman ako na nahahampas eh."

"Haha sige! Ang sarap talaga nito.Magaling ka palang mag luto! Sino ba nagturo sayo?"

"Nasa pamilya na namin ang masarap at magaling mag luto."

"Ahh ganun ba! Sige kain muna tayo!"
......................................................

Kenzo's pov

Nu bayan!bakit ngayon pa kasi nag karoon ng problema dito! Sayang yung ginawa kong plano para kay Kasey.Nag-memeeting kami tungkol sa gagawing investment para may makuha pang mas malaking pondo... Natapos na ang meeting pero may ilang pang kailangan tapusin.

Nami-miss ko si Kasey pero di ko alam kung bakit,tuwing nakikita ko sya... ang puso ko... *lub dub lub dub* grabe tumatalon sa tuwa.Ano nga bang feelings ko para kay Kasey??

Aba ewan ko nga???Nung una ayaw ko sa babaeng yun pero ngayon........ewan ko na????

Prince pov

Yung una kong expression kay Kasey WOW! As in wow talaga! Para syang anghel na bumaba sa lupa.Sa ngayon hindi ko alam ang tunay na nararamdaman ng puso ko para sa kanya.Pero ang bilis ko nama atang mahulog sa kanya...As in LOVE AT FIRST SIGHT!!! (capitalized talaga eh.)

Gabi na.Oras na ng pagtulog,dito ako matutulog sa dating kwarto na lagi naming pinag tutulugan nila Kate kapag dito kami nag ii-sleep over.

Nakaka-miss nga!! Dito sa lugar na'to una kong nagustuhan si Kate at dito rin ako nasaktan ng labis,dahil si Kate umamin sya na may gusto sya kay Kenzo simula ng bata pa kami.Ano nga bang magagawa ko???His my bestfriend!kaya di ko kayang mag taksil.Ewan ko nga kung naging sila ba?Kahit mag-be-bestfriend kami since nung bata pa,masasabi kong hi.di ko pa sila kilala.Ewan ko lang kung kilala nila ako!?

Ang sakit! Ang sakit sakit dahil nandun ka mismo at nakita mo kung paano sila mag lambingan.

Matutulog nako kasi maaga ako gigising para kay Kasey.

cool guy fall in love with his angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon