Chapter 6:Kenzo's maid

14 0 0
                                    

*43 days left*

Kasey's pov

Pumayag si kenzo na dito muna ako tumira pero sa isang kondisyon,mag-lilinis daw ako,mag-luluto daw ako,magiging maid nya daw ako.Yun bang ako ang gagawa ng gawaing bahay.Kahit nakakainis okay lang basta magawa ko ang misyon ko...gusto ko ng makauwi agad...pero paano ko sisimulan?.....Nagwawalis ako tas nag luluto...umakyat ako sa taas ako para doon mag walis pero tinawag ako ni kenzo,pasigaw pa.

"Kasey!Halika ka nga dito!"sigaw nya.Lumapit naman agad ako.

"Bakit kenzo?Anong meron dito?Bakit amoy sunog?"tanong ko.Tas biglang sumigaw sya.

"Hindi ka na marunong magluto,hindi ka pa marunong tumingin ng niluluto mo!"pinapagalitan nya ako.

"Pasensya na kung napabayaan ko.Pumunta kasi ako sa taas para mag linis nakalimutan ko rin kasi na may niluluto pala ako."Sabi ko.Para bang nakaka awang tupa.Kita ko rin sa mukha nya na galit na galit na sya,mas mainit pa ata sya dun sa pag kaing nasunog.

"So sinasabi mong kasalanan ko pa!Malamang lang na mag linis ka!ikaw ang may gusto nyan hindi ako,gusto lumayas ka na lang para hindi ka nahihirapan!!"God di ko alam alam ang gagawin ko.Sya na dapat ang magliligpit pero-

"Ako na lang ang magliligpit nyan.Pasensya na ulit hindi ko na uulitin,wag mo nakong palayasin."Parang nag aalinlangan pa sya.

"Wag na ako na lang!baka pati pag ligpit hindi ka marunong!"sabi nya.Ang sungit nya talaga pag kasabi nya nito.

"O sige na nga!ikaw naman ang may gusto eh."Pag kasabi ko nito....whaaa!!!!nadanggi ko yung plato at nahulog ito at syempre nabasag.*Pat-ay*

"Putek naman!!!"Sinigawan nya ulit ako.Pinulot nya ang basag na plato at nagulat ako...nasugatan sya.Balak ko sanang sipsipin ang dugo sa daliri nya...hindi naman siguro masama.Kinuha ko yung kamay nya,malapit na daliri nya sa labi ko pero inalis nya ito.

"Anong balak mo?!Kadiri ka!San mo ba natutunan yan?!Galing ka ba sa mundo ng aswang o Vampire!!"nakakainis na.Tumakbo ako sa labas di ko namalayan lumuluha na pala ako.

"Anyare dun?"

Kenzo's pov

Ginagamot ko yung sugat ko sa kamay.Kanina umalis bigla si kasey pero bat kaya?may nagawa ba ko na ikakasakit ng damdamin nya?Di ko alam kung bakit ako ganun kasama sa kanya di ba dahil kamukha nya yung Angel nung na-aksidente...

"Nasaan na ba kasi yung babaeng yun?Bat di pa sya nauwi?Ano na bang nangyari dun?Baka may mangyaring masama dun.Sundan ko kaya sya?...Ay teka bat ba ako mag aalala sa kanya!Bahala sya sa sarili nya,kaya nya na naman yung sarili nya."wala akong ginwa kundi kausapin ang sarili ko at hintayin si Kasey na dumating.Natulog muna ako.

*2 hours later*

"Kasey!!!!Magluto ka na!!Gutom na gutom nako!"Di pa nga pala ako nakain,eh pano naman ako kakain eh sinunog ni kasey yung niluto nya.Teka nga nandyan na ba sya??

--Tiningnan ko sya sa maid's room pero wala sya...tiningnan ko rin ang bawat sulok ng bahay pero wala sya.Nag aalala nako sa kanya pero syempre kakain muna ako bago ko hanapin yung Kasarine Kasey na yun.Eh anong kakainin ko eh di naman ako marunong mag luto...kung kainin ko kaya yung niluto ni Kasey kahit sunog =_______= Titiisin ko na lang eh gutom nako eh.Di ko tinapon yung niluto nya sabi kasi ni mommy masama daw mag-tapon ng pag kain.Kinuha ko na yung pagkain sa ref. at tinikman ko.

"My god!!Anong gayuma ang nilagay nya dito?Bat ang sarap kahit sunog?Tsaka anong luto to?parang ngayon ko palang nakita ang pagkain na to ah.Pero infairness ang sarap parang nakarating ako ng langit."matatapos nako kumain at pag natapos nako dito hahanapin ko na si Kasey.Halos 5:00 na.

cool guy fall in love with his angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon