Chapter 5

27 5 62
                                    

Music title:  Chopin - Fantaisie Impromptu (Op. 66)

(Chapter 5)

Tuloy-tuloy ang ganong routine simula nung unang beses ko siyang nadiskubre. Palagi akong nakikinig sa kanyang pagtugtog dito sa silid, at aminado akong nagugustuhan ko iyon kahit hindi ko pa kumpirmado kung sino ang nakatira sa kabila.

Ngunit sa mga pagkakataong ito, halos mag iisang linggo na ang nakalilipas nung huli ko siyang narinig.

Pakiramdam ko tuloy, hindi kumpleto ang araw ko kapag wala akong maririnig na kahit isang piyesa sa buong araw. Hindi ko ba alam, nasanay ata ako doon.

Hay, iba pa mandin ako datnan ng pagka-miss sa isang bagay. Sobrang strong ata ng attachment ko sa kahit ano.

Sa ngayon ay napupuno ako ng mga katanungan sa aking isipan.

Kung bakit wala atang tao sa kabila? Asaan yung nakatira doon? Umalis ba kaya wala ng tumutugtog o bakas manlang ng presensya? O gumuguni-guni lang ako sa mga panahong naririnig kong may tumutugtog?

Pero hindi e, hindi ako pwedeng magkamali kahit yun lang ang bakas ko na may nakatira sa kabila. Di naman siguro ako nag ha-hallucinate.

Sa tagal ko ng mag-isang nakatira dito, hindi ko naman masasabing multo si kapitbahay or whatsoev kase rinig talaga base sa experiences ko.

Wala namang UPO (Unidentified Playing Object) na inaaraw-araw diba? Kung ako naman yung multo, mapepelo rin ako sa'yo, dahil imbes matakot, tuwang tuwa pa.

"Baka wala naman talagang tao, Yara? Nako baka gumuguni-guni na tayo ha? Kinikilabutan ako sa'yo." natatawang usal ko sa aking sarili habang abala sa pagse-set up ng camera sa ibabaw ng aking desk na naka-build in sa malaki kong white kabinet dito sa apartment.

Mag fa-facebook live kasi ako ngayon habang nag dra-drawing ng received commissions dahil napakaraming mga friends ko ang nag re-request kung paano raw mag drawing? ano yung mga techniques na ginagawa ko para mas maging maayos at makatotohanan yung gawa using cheap materials? at marami pang iba.

Dahil nabanggit ko nga na wala na akong work as of now, commissions at online rakets — gaya ng pagtugtog via video at ise-send sa isang band para maisama sa music video — nalang ang sinasandalan ko para kumita since kaya ko rin namang gumuhit.

Gumawa pa ako ng napakaraming samples at ilang short videos sa tiktok na siyang dahilan kaya na-discover ako ng ilang client. Habang tumatagal, ngayong quarantine, umaabot na sa sampo hanggang bente sa isang buwan ang tanggap, at good payers pa.

Nakikita iyon ng ilan sa mga friends ko sa fb, kaya naman palagi nila akong chi-na-chat at nag re-request na mag live raw ako at manood sila with matching FAQ's sa comment section. Dahil karamihan sa mga gawain ko ay tapos na, nagpasya na akong gawin ito ngayon since wala akong magawa at wala akong maka-duet sa pag pa-piano.

Asaan na po kayo neighbour? Charot.

Nang makuntento na sa set up ng maliit na tripod at ring light sa ibabaw ng desk at sa tapat ng papel, napa-scroll muna ako sa newsfeed ng aking account bago mag decide na ikabit ang cellphone ko sa may tripod para mag record.

Silip lang ng kaunti, kung ano ng ganap sa social media. Sa kalagitnaan ng scrolling, as usual, tiktok dance craze videos ang nahahagip ng mga mata ko. May mga couple dance, may pa giling, booty shake at kung ano ano pang trending na kaliwat kanan mong makikita, mapa news feed o sa stories ng mga friends ko roon.

Nanonood ako ng isa na medyo memorize ko na dahil paulit-ulit na sinasayaw sa kahit saang sulok ng mga social media platforms.

"Sayawin ko nga ito charot." napangiti ako.

The Lost Rhythm Behind ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon